Ikaapat

27 7 0
                                    

"Atee! May naghahanap saimo sa baba"

Tingnan mo nga naman tong kapatid kong to, ka aga aga, kung ano na naman pinagsasabi..

"Ano kamo?!"

"May naghahanap saimo sa baba! Lucas daw?!"

Hala paktay lagot! Ginagawa neto dito?

"Luh Neng maghilamos ka naman muna, nakakahiya sa manliligaw mo oh, di nman napaghahalataang bagong gising ka"

Gosh.. Bakit ba kasi dere deritso akong bumaba nang narinig ko ang pangalang Lucas! Di pa nga pala ako nakapag mumog o kahit suklay man lang.

"Oh sya maiiwan ko muna kayo Neng, ako'y mangangaso pa"

"Salamat po Tiyo Valiente" tugon ni Lucas sabay mano kay Papa.

"Anong ginagawa mo dito? At pano mo nalaman na dito ako nakatira?"

"Dami naman agad. Una, kaya ako nandito para manligaw" ay echuserang palaka! Ba't umaga? Di ba dapat gabi pag nangliligaw? Echos din kaya to eh no?

"Teka Sandali, at sino namang nagsabi sayong nagpapaligaw ako?!"

"Sungit mo naman. Di ba nga naghahanap ka ng Enrique mo?!"

Loko ka talaga Krisley Christinee! Lagot ka talaga saken mamaya! Babatukan talaga kitaaa!

"At ikaw?! Sino naman may sabing jowang jowa ako?!"

"To naman frenny. Kagwapo gwapo nga ni Lucas oh" at talagang sinabi pa sa harap ng binata. Mamaya neto lumaki ang ulo nito sa kapupuri

"Ako KC tigil tigilan moko ha! Maloloko ka talaga sakin subukan mo!"

"Eskeri ka naman. Pumunta nga ako dito  para sa good news eh."

"Good news?!" aba sabay pa kami nagtanong ng Lucas na to, kala mo kasali sa usapan

"Sa tingin mo good news ang malamang may manliligaw ka kasabay ng pagsikat ng araw?!"

"Loko hindi yun! Eto oh" sabay abot sakin ng letter. Love letter ata choss haha

Ms. Bonaobra,

   We want to Congratulate you for being part of Daragang Magayon candidates. You are now officially part of the pageant. May we look for your presence later at 6pm for the orientation and other matters.

Ma'am Mayen



Susko nman.. Good news na to? Seryoso na?





"ANO ba yan Lucas? Sunod ka ng sunod pati pagsakay ng jeep, kasunod ka pa din san ka ba pupunta?!"

"Sa pupuntahan mo"

"Aba aba! At bakit mo naman ako susundan papunta dun? Rarampa ka din ba? Bekla ka ba? At mag dadaragang magayon ka?! Loko to"

"Ano ma'am babayad ka pa po ba? O mag aaway nalang kayo ng jowa mo?" pagsusungit ni kuyang kunduktor, kainis nakikisabay pa naman to. Naku po! Yung wallet ko! Asan na? Anong klaseng araw  ba naman to! Pati wallet nagpapahanap!

"Eto kuya, saming dalawa po" inabutan ni Lucas ng bayad yung kunduktor.

"Loko ka Lucas, babayaran talaga kita pag uwi mamaya pramis" binulong ko para walang ibang makarinig.

"Magpapalibre lang pala ng pamasahe, grabe pa kung magbunganga si ate" ay echuserang palaka din tong kaharap namin ah sarap sapatusin.





NANDITO na kami ngayon sa isang studio room ata to, aba ewan basta natapos na kaming lahat ayusan tapos ngayon isa isa kaming haharap sa camera para sa isang bonggang bonggang picture. Taray haha pang Ms U ata tong suot ko. Isang Filipiniana dress na gawa sa abacca, pati abaniko gawa din sa banig. After photography daw, rehearsal para sa pageant ang gagawin. Hehe sekreto lang, wala akong suot na panyapak HAHA masyadong mahaba naman kasi yung damit, di nman kita yung paa, saka di naman ako sanay magsuot ng heels, mamaya neto madapa ako eh di bongga! Plakda ako neto sa harap. Ayokong magtiis ganda, magtiis nalang ng walang suot kahit mukha akong pandak sa kanila, basta maganda HAHA

"1...2...click isa pa, talikod ka konti habang hawak ang abaniko sabay tingin sa camera"


"Infairness frenny, di ka natumba during rehearsal"

"Naku KC kung alam mo lng whahaha!"

"Na?"

"Charaannn! Wala akong sandal hahahahaha!"

"Anak ng tokwa! Buang ka day! Kaya pala pandak ka tingnan! Loko! Bat di mo sinuot?"

"Sorry na, kaysa naman matumba ako eh di pagtatawanan ako"

"Oh sya sige eh pano kapag swim suit attire aber?"

"Oo nga noh. Basta ako ng bahala. Magyayapak nalang ako ulit, di ba pag maliligo sa beach nakayapak lang? San ka naman nakakita ng maliligo na naka 7inches heels?"

"Panget ka talaga eh noh?! Balaka nga jan"





"LUCAS fishball oh tara! Libre ko"

"Fishball? Madumi yan"

"Arte arte neto, masarap to, te tag diyes nga po. Dalawang baso te, sain digdi ang maharang? Tikman mo, masarap to, to naman to nga lang bayad ko sayo kahapon sa jeep, tatanggihan mo pa"

"Thank you, but I don't eat fishball"

"Arte! Masarap nga! Tikman mo kasi! Loko to arte arte! Oh subuan pa kita"

"Hmm.. Okay okay masarap siya. But that's enough. Para akong masusuka, let's go home."

"Ay wow ano kita asawa? Feelingero! Let's go home, let's go home ka jan! Ako lang yung mag go-go home, mag go home ka din sa bahay niyo echuserang palaka!"




ALAS otcho ng umaga na ngayon, pero di pa rin nagpapakita ang Haring Araw. Ansabi kanina sa radyo isang malakas na bagyo dawa ang darating kaya inaanyayahan ang lahat na lumikas sa lalong madaling panahon. Hindi namn na kami pumupunta sa evacuation center dahil medyo matibay naman tong bahay namin, ang problema lang hindi pa nakakabalik ang papa mula kanina sa pangangaso. Sinabihan ko naman na na wag ng mangaso at maulan, kay may pinag iipunan daw. Paki wari ko yung manika yun na pinapabili ni Shea sa halagang isa't kalahating libo. Naku talaga tong Shea..sarap hambalusin.

At dahil wala naman akong magawa, nakapagluto na din naman. Mabuti pa't magbasa na muna ako, tulog pa din naman ang mala prinsesa kong kapatid.

       ANG ALAMAT NG BULKANG MAYON

----Ngunit wala ni isa sa mga binatang ito ang nakakuha ng pagtingin ng magandang binibini.

Wala, kahit ang makisig at mapagmataas na si Pagtuga, ang dakilang mangangaso at datu

ng Iraga. Kahit pa pinaulanan ni Pagtuga ng mga handog na ginto, perlas, at iba pang

kayamanan ang ama ni Magayon, ay hindi pa rin nito nakuha ang loob ng dalaga.

Isang katangi-tanging binatilyo ang nagpakita si Rawis: si Ulap, ang tahimik ngunit

matapang na anak ni Datu Karilaya ng Katagalugan. Naglakad siya nang malayo upang

makita ng sarili niyang mga mata ang ipinagbubunying kagandahan ni Daragang Magayon.






Taray ang effort ni Ulap ah. Ako kaya? Magkakaroon din kaya ako ng lalaking tulad ng kay Daragang Magayon? Lalaking nangangalang Ulap?

An Sakuyang Pagkamoot (Ang Aking Pag-ibig) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon