Ikabaynte-sais

7 3 0
                                    

Maliwanag na ng makarating ako sa sentro dulot ng napakalakas ng ulan kagabi. Siguro mga ala-sais pa lamang ng umaga ngayon, kung hindi ako nagkakamali.

Napagpasiyahan kong bumili muna ng mga pagkain at gamit ng bata dito sa isang 24/7 Convenience Store.

Napadede ko naman na ang bata at siguro kailangan ko na din muna siyang iuwi. Mga bukas o sa makalawa ko na lamang siya ibibigay kay KC kapag nagkita na kami, sa ngayon ay sa akin muna siya..at sa bahay ko muna siya uuwi.

Di pa din maalis sa isipan ko itong librong nakuha ko.. Posible kaya na ito din yung Alamat na binigay sa akin ni Ma'am Mayen noon? Halos hindi ko na din kasi matandaan kung anong itsura nun dahil halos isang dekada na din ang lumipas.

Posible kayang ito na iyon?

Posible din kayang makakabalik na si Nube?

Muli kong hininto sa tabi ang kotse at agad na kinuha ang libro. Wala naman atang mawawala sa akin kung susubukan ko. At isa pa, kung ito nga iyon...natapos ko naman na basahin noon ang alamat, baka wala naman ng susunod pang mangyayari.

Kinakabahan kong binuksan ang librong hawak ko.

Mukhang eto nga iyon. Ito nga ata ang librong binigay sa akin ni Ma'am Mayen.. Pero papaanong ito ang napapatungan ng bata ng makita ko siya sa kakahuyan?

Binasa ko muli ang Alamat mula sa simula hanggang sa matapos, saka ko pinaharurot muli ang sasakyan. Mahimbing na mahimbing na natutulog ngayon ang bata at tiyak na malapit na din naman kami sa bayan ng Rawis.

"Neng! Neng! Neng!" rinig at kita kong sigaw ni Tiya Dolor.

Kahit papano gumanda at lumaki na din ang tindahan ni Tiya Dolor simula ng mapatapos niya ang kaniyang panganay n anak na binigyan ko din ng scholarship. Masaya din ako para sa kaniya. Sa kanila.

Sandali kong tinigil ang sasakyan at binuksan ang bintana.

"Neng! Salamat naman at narinig mo ako"

"Ano ba iyon Tiya Dolor?"

"Hindi ba't kilala mo ang lalaking ito? Hindi ba't siya ang nobyo mo noon?" sabay turo ni Tiya Dolor sa lalaking nakatalikod at nakaupo sa isang mesa sa kaniyang karinderya.

"Po?" agad kong binaling ang tingin ko sa lalaki.

Tila pamilya nga siya sa akin. Ang likod at ang hubog ng katawan niya ay tila kilala ko...kilalang-kilala ko.

Totoo nga bang bumalik na si Nube? Ito na nga ba ang librong matagal kong hinanap noon?

Dali-dali akong bumaba sa sasakyan, di alintana ang batang nahihimbing ang tulog doon.

Tumakbo ako papunta sa lalaking sinasabi ni Tiya Dolor nang....

"Nube?" mangiyak-ngiyak kong tugon ng mapagtanto kong siya nga. Siya nga ang Nubeng minahal ko noon, at padayon kong minumotan ngonyan.

Agad niyang itinaas ang kaniyang mata sa akin, at nakita ko kung pano namuo ang luha sa kaniyang mga mata nang sandaling nakita niya ako.

"Neng?" agad niya akong niyakap ng mahigpit at ganoon din ako sa kaniya. Niyakap ko siya ng niyakap na animo'y uhaw na uhaw ako sa kaniya.

"Nube bumalik ka"

"Daghang salamat dahil muli akong natagpuan" hinalikan niya ako sa noo—bagay na palagi niyang ginagawa sa akin noon.




NASA loob na kami ng sasakyan ngayon patungo sa bahay habang karga-karga ni Nube ang bata sa kaniyang bisig at hawak-hawak naman ng isa niyang kamay ang kanan kong palad.

An Sakuyang Pagkamoot (Ang Aking Pag-ibig) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon