Ika-disi sais

11 5 0
                                    

"Kuya Nube ikaw po ba magsasabit ng medal ko bukas? Honor student po kasi ako." pamimilit ni Shea.

Singbilis ng kidlat lang ata ang panahon eh, tapos na agad ang dalawang semester at gladly sa pasukan, 2nd year na ako. Kahit papano tinatawanan ko nalang ang mga nangyayari sakin sa buong 1st year ko sa college.

Nga pala, mag didisi otso na ako sa July 03. Ayoko nman ng engrandeng selebrasyon, basta kasama ko lang ang mga mahal ko sa buhay eh, masaya na ako para doon.

"Oo ba Shea, gusto mo ba kami ni ate Neng mo ang magsabit ng medal sayo? Kasi mukhang di pa kakayanin ni Tiyo Valiente umakyat sa stage, pero syempre darating siya dun, kami nga lang aakyat para sayo"

"Ayoko kuya. Gusto ko ikaw lang, picture-an nalang tayo ni Ate sa baba"

"Aba aba! Hindi mo na ba lab si ate ha? Mas lab mo na ba talaga si kuya Nube kaysa saken?"

"uhm.. Slight po haha"

"Nakuuu ikaw bata kaaaa" ayun! Nagkilitian kami na parang pareho lang kaming bata.





"Oh Lucas, anong ginagawa mo jan?" magtatapon sana ako ng mga basura ngayon ng nakita ko si Lucas na nakaupo sa labas ng pinto namin.

"Neng" amoy alak to. Ano ba namang nangyari dito.

"Ano bang problema mo? Napano ka ba ha?"

"Neng, ako na lang please, ako nalang"

"Ano bang pinagsasabi mo, tumayo ka na jan"

Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan.

Shocks!

"Ano ba Lucas?!"

"Bakit ba galit na galit ka ha?! Halik lang naman ah!"

"Lasing ka na, tumayo ka na jan! Kung hindi nakuu naiinis na ako Lucas!"

"Bakit ba kasi hindi nalang ako ang piliin mo? Binibigay ko naman lahat Neng ha! Binigyan kita ng mamahaling kwintas pero nasan? Ni minsan, ni isang beses di mo yun sinuot! Binigyan kita noon ng bulaklak pero ng nalanta tinapon mo na, nilalapit ko naman sarili ko sayo ha? Pero bat di mo ako makuhang ibigin katulad ng kay Nube?! Hindi ba talaga kita deserve? Kahit kailan ba di ako magiging deserving jan sa pagmamahal mo? I know that I'm not too late dahil ako nga ang nauna, ako palagi ang nauuna, pero bakit? Bakit di ako ang napipili? Bakit Neng?!"

Di ko gets mga pinagsasabi neto, masyado ata akong nahihiwagaan.

"Lucas please.. Tumayo kana jan. Lasing ka lang kaya nasasabi mo yan, mahal kita alam mo yan.. Pero alam mo lang din na ang pagmamahal ko sayo ay hanggang sa kaibigan lang, at hindi ko na magagawa pang mas higitan iyon, patawad dahil hanggang dun nalang yun"




MAG-AALAS kwatro na ng madaling araw pero di pa din ako makatulog.

Tama nga naman si Lucas..mabait naman talaga siya eh. Gwapo, mayaman, mabango pero bakit nga ba hanggang kaibigan lang ang kaya kong maibigay sa kaniya? Bakit nga ba hindi ko man lang maibigay ang tanging hinihingi niya sakin?

Masyado na ba akong masamang tao para tratuhin siya ng ganoon?

Sa totoo lang, napakadeserving ni Lucas.. Deserving na deserving si Lucas sa lahat.. Deserve niya ang kahit na sinong matinong babaeng mamahalin siya. Pero siguro hindi talaga ako ang babaeng yun. Alam ko mga bata pa naman kami, pero parang nakokonsensya ako dahil di ko man lang masuklian ng patas ang kabutihang pinapakita niya sakin. Naiinis ako sa sarili ko dahil malinaw na sa akin ang lahat.

Umiibig ako sa isang tao, at ang taong yun ay tiyak na hindi si Lucas.













JULY 03,2016

Eto na ang araw na pinakahihintay ko. Katulad ng ibang dalaga, eto yung araw na pinapangarap namin. Ang matawag kaming isang ganap na dalaga. Wala lang, parang ang sarap sa pakiramdam na yung baby nyo noon, dalagang-dalaga na ngayon.

Si Shea ang pinapili ko kung saan namin ipagdiriwang ang kaarawan ko—bagay na labis kinakasabikan ni papa para sa una niyang hija. Pero dahil nga adik na adik tong kapatid ko kay Nube eh si Nube ang pinapili niya kung saang lugar kami tutungo.

At dahil si Nube nga ang pumili. Asahan na nating malapit sa Bulkang Mayon ang lugar nato—ang Cagsawa Ruins Park. Oo eto nga yung may simbahan malapit na malapit sa Mayon.

Wala kaming engrandeng ganap na gaya ng gusto ko, saka magastos yun kung iisipin.

Pero napakasaya ko ngayon dahil nandito kasama ko si papa, si Shea, si Nube, si Kc at syempre ang di mawawala sa eksena si Tiya Dolor... Sayang nga lang kasi ayaw sumama ni Lucas.. Di ko naman siya mapilit, pero binigyan niya ako ng isang pulseras na mukhang mamahalin din tulad ng kwintas, pero sinabihan ko si Nube na wag ng kukunin to sakin alang-alang nalang kay Lucas, ayokong makita siyang muling nasasaktan sa kadahilanang baka iniisip niya na hindi ko man lang siya pinapahalagahan, maging ang mga regalong binibigay niya.

Todo awra kami dito, tamang picture picture lang. Si papa nga pala nakakalakad na din pero di pa kasing bilis ng gaya ng dati, di pa din namin siya pinapangaso, dahil si Nube na ang nagtatrabaho para saamin ngayon, kaagapay na nga lang ako sa paglalako.

Hindi ko na din pinansin yung mga nambuburully sa campus, kaya ayan! Sila na ang kusang tumigil dahil sila narin lang naman ang napapagod sa kakaganun nila na wala naman akong pakialam. Pakihanap nga muna ng pake ko, choss haha

"Frenny tayo ka dun bilis! Picture-an kita"

Tumayo namn ako sa may gilid ng simbahan at sa likod ko naman ang Mayon.

"Ay panget frenny"

"Ha? Grabe ka naman saken Kc di mo man lang ako pinagbibigyan dito sa araw ko oh!"

"Ako kukuha ng litrato, akin na" biglaang paglapit sa amin ni Nube. Kinuha niya nga ang camera ni Kc at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam pero parang nahihiya ako lalo pa't alam kong nakatingin saamin si papa.

Alam ko namang dalaga na ako choss haha pero iba pa din pag nakatingin si papa, baka mamaya neto pag uwi sa bahay, olats na agad ako.

At dahil di ko naman na napigilan, tumalikod ako sa camera at tumingin nalang sa Mayon.

At sa di ko inaasahan..na ang paggawa ko palang pagtalikod sa camera habang hawak hawak ni Nube ang kamay ko ay makalilikha ng pagkaganda-gandang larawan.

"Dawa anong anggulo, malisyang-malisya ang imong kagayunan, Hermosa"

Kayhilig niya talaga ako tawagin gamit ang 2nd name ko, ewan pero parang kinikilig ako sa tuwing tinatawag ako niyan. Dahil sa segundong marinig ko yan, alam ko na agad sa sarili ko na si Nube.. Si Nube lamang iyon...

An Sakuyang Pagkamoot (Ang Aking Pag-ibig) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon