Ikadisi-nwebe

8 3 0
                                    

Pauwi na kami ni Nube bandang alas otso ng gabi, di ko na kinakaya ang antok ko, nasa bus palang kami, nakatulog na ako.

NAGISING nalang ako dito na sa kwarto ko.

Shocks. Mukha akong bata. Yung batang natutulog sa sala tapos gigising nang nasa kama.

Pano yun? Last kong naalala nasa bus pa kami ni Nube.. Shocks! Kinarga ako ni Nube papunta dito sa bahay?! Arghhh! Nakakahiyaaa!

Nagmamadali akong bumaba para sana tanungin si Nube kung anong nangyari kagabi ng makatulog ako sa byahe, pero bago ko pa naman siya matanong, nakita niya na ako pababa sa hagdan.

"Magandang umaga Hermosa" paalis ata sila ni Shea? San sila pupunta? Wala na din ata si papa, nangaso na. Medyo mataas na din kasi ang sikat ng araw, baka mag aalas nwebe na ng umaga, di pa ako nkakaluto ng pinangat na ilalako.

"San kayo pupunta?"

"Ah e-enroll ko si Shea, Neng. Sama ka?" gustuhin ko mang sumama pero naisip-isip ko wag nalang, bukod sa maghahabol pa ako ng oras sa pagluto ng pinangat, gusto na lang din ibigay kay Shea ang oras na yun para makasama niya si Kuya niya Nube.

"Ah hindi na, magluluto pa ako, sige mag iingat kayo, mahal ko kayong dalwa"

"Mahal ka din namin Neng"

Hanggang ngayon di pa din ako kinikibo ni Shea. Hinayaan ko nalang baka kase sa sandaling kausapin ko siya umiyak ng umiyak na naman siya. Ayokong nakikita ang kapatid ko na umiiyak ng dahil sa mga pinagagagawa ko.

"Ah yung libro mo palang Alamat ni Daragang Magayon, nakita ko sa ilalim ng upuan kanina paglinis ko, nilagay ko na sa kabinet mo sa kwarto, sinasabi ko lang baka gusto mong basahin ulit" pahabol pa ni Nube bago tuluyang lumabas ng bahay.

Oo nga pala, sa sobrang bilis ng mga pangyayari sa buhay ko ngayong dumating si Nube, di ko na nababasa yung librong binigay sakin ni Ma'am Mayen.




NAGBABALOT na ako ng pinangat nang dumating si papa.

"Pa mano po, aga mo ata pa?"

"Oo nak, di na ako nagpatanghali pa. Wala na din naman akong pag-iipunan pa."

"Ayaw na po ba talaga ni Shea ng manika?"

"Sa tingin ko ay kahit anong pagpipilit ko ay di niya na iyon magugustuhan. Di na rin naman ako nag-aksaya pa ng panahon para bilhin iyon, magagamit p natin sa pagkokolehiyo mo ang pera."

Naawa ako kay papa.. Grabe yung sakripisyo niya para makabuo ng 1500 para mabili yung manika ni Shea.. Ngayong nakapag-ipon na siya, hindi na gusto ni Shea yung bagay na binigyang halaga ni papa.

Si papa talaga yung tipong gagawin ang lahat para lang makita kaming masaya. Kaya sobra sobrang mahal namin si papa. Sayang nga lang rin, dahil di na naranasan ni Shea magkaroon ng buong pamilya.





KATATAPOS pa lang namin kumain ng dumeritso na ako dito sa kwarto. Talagang pinangako ko sa sarili ko na magbabasa ako ngayon ng Alamat, jusko nman baka sa pasukan, tanungin ako ni Ma'am Mayen kung natapos ko na ba, ano nalang isasagot ko.

Magbubukas pa lang ako ng aklat nang narinig ko ang apat na katok sa pintuan ng kwarto ko.

"Inom ka muna gatas, Neng" sabay halik ni Nube sa noo ko.

"Salamat"

"Siguardo ka bang babasahin mo ulit yan?"

"Oo nman nakakahiya kaya pag tinanong ako ni Ma'am Mayen tapos wala mn lang akong maisagot, edi olats ako nun diba? Olats nganga haha!"

An Sakuyang Pagkamoot (Ang Aking Pag-ibig) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon