Ika-katorse

9 3 0
                                    

"Neng?! Nube?!" pareho kaming napatayo agad ni Nube nang marinig namin ang boses ni papa na gulat na gulat ding nakatingin sa amin.

"Ate Neng?" maging si Shea ay nagulat ding nakita kami sa ganoong posisyon, at shocks sa may pintuan pa!

"Nagkakamali po kayo ng iniisip Tiyo Valiente, aksidente lamang po iyon, pareho po naming hindi sinasadya ang mga nangyari, magtatapon lang po sana ako ng basura nang sakto naman pong bumungad sa akin si Neng na tila yata ay nagmamadali din pumasok, pasensya na po talaga hi-hindi po namin sinasadya" maayos at magalang na paliwanang ni Nube kay papa at shea.

Magsasalita na din dapat ako nang ...

"Ano't ba't ganyan ang suot mo Neng?!"

Shocks oo nga pala!

Di ko na nasagot si papa, dali-dali na akong umakyat papunta sa taas para ayusin ang suot ko, hanggang ngayon ay hapong-hapo pa din ako sa layo ba namang tinakbo ko kanina plus yung nangyari pa samin ni Nube! Shocks ano ba nman kasi yun! Sa dinami-dami ng oras na pwede siyang magtapon ng basura, ba't kanina pa? Ano nalang ang mukhang ihaharap ko sa kanya?!

At isa pa..  Pati sa eskwelahan. Ano nalang rin ang mukhang ihaharap ko sa mga estudyanteng nakakita sakin kanina pati na kay Maestra Diwani?!

Bakit ba naman kase ganto ang buhay?! Masyado atang nakakahiya!

ALAS dos na ng hapon ngayon...nandito ako naglalakad sa campus papunta sa opisina ni Maestra Diwani para magtake ng finals naming hindi ko man lang naabot kanina.

"Uy frenny! Ba't para ka naman yatang Muslim jan?!" sabi ko na nga ba eh, eto yung sasabihin ni Kc kung sakaling makita niya ako ngayon. Nakatalukbong kasi ako ng balabal, at nagmumukha akong babaeng Muslim, nahihiya kasi akong baka may makakilala sakin na siya ding nakakita sa akin kanina, mahirap na.

"Ah eh wala, trip lang"

"Echusera ka! Di sayo bagay!" pambabara ni Kc sabay alis ng balabal n nakatalukbong saken.

"Uy! Ano ba KC---"



"Uy diba siya yung Ms. Daragang Magayon? Yak kadiri naman pala, di nag aayos ng sarili oh"

"Oo nga be, siya nga"

"Siguro be ginamitan niya ng dudesa powers yung judges kaya sya nanalo"

"Bro, si Ms. Dede oh! Hahaha!"

"Shh! Wag ka maingay! Akin yan!"

"Uy bakla! Kuha ka camera bilis! Ka babloy mo naman! Yan na si Daragang Magayon oh!" *click*



"Hoy ano mga pinagsasabi nyo ah?! Frenny ko ba pinag-uusapan nyo?! Mga echuserang to! Bumalik nalng kayo sa klase niyo!" pagsisigaw sigaw ni KC dun sa mga kapwa namin estudyanteng walang ibang bukambibig kundi ako.

Mukha yata akong mangiyak-ngiyak ngayon dito, di ko alam pero dahil sa pagkapanalo ko dun sa pageant, parang mas lalo ako naging madali makilala—bagay na kinaayawan ko lalo sa mga gantong sitwasyon.

"Kc tara na, hayaan mo na sila"

"Hindi frenny eh! Reputasyon mo nakasalalay dito!"

"Eh baket? Kung marunong sana mag ayos ayos yang kaibigan mo edi sana di siya patok na patok ngayon sa social media!" sabi nung bakla kanina na pinicture-an ako na wala man lang pakundangan.

Halos lahat napatango-tango sa kanya.

Ba't ganyan ang mundo? Makita lang nila na may mali sa isang tao, huhusgahan nalang nila ng basta-basta na wala man lang pag-aalam sa tunay nitong dahilan?

Di ko naman sinasadya yun. Sino ba namang dalaga ang aalis ng walang ganong saplot? Ako ba talaga yung kadiri? O yang mga utak nilang mga makikitid?


HINDI ko na lang pinansin ang lahat ng nangungusap ng patalikod tungkol sa akin. Oo alam ko, ang iba nga sinasadya pa nilang iparinig sakin habang ang iba naman kung makatangin para bang ako na ang pinakakadiring tao sa mundo.

Hindi ko din alam kung papasa ba ako sa exam, medyo lutang din akong nagtake ng test kanina. Ni hindi ko nga ata alam kung multiple choice ba yun, basta nilagay ko lang lahat ABCD bahala na! Total first year palang naman ako, mabuti na nga kung maging first year ulit ako next year para di ko na makakasabay tong batch namin na sobrang judgemental.

Palabas na ako ng gate ng nakita ko si Lucas na nakatayo malapit sa may kotse niya, tila may hinahantay na kung sino sa harap ng campus.

Iiwas na sana ako para di nya ako makita dahil baka pati siya husgahan din ako, pero masyado na atang  nahuli ang paglakad ko dahil nakita niya na ako.

"Neng! Wait" tumawid siya ng kalsada at lumapit sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang awa at hindi ang pandidiri. Di ko alam, pero parang pareho ko hindi gusto ang ganoon. Hindi ko gusto na pandirian ako, pero sa kabilang banda, hindi ko din naman gustong kaawaan ako.

"Are you okay? I saw the viral photos of yours"

Di ako sanay ng ganto. Di ako sanay ng kinukumusta ako. Dahil sa labing-pitong taon kong pananatili sa mundong ito, kilala ko ang sarili ko bilang isang matapang na tao. Isang masipag at isang dalagang hindi nagpapatinag sa kahit na sino. Pero bakit ngayon ay tila nagbago ang lahat sa akin? Bakit para akong isang halamang makahiya na kapag nagalaw ay kusang tumitiklop. Bakit? Hindi ko gusto ang ganto. At ayokong maging ganito.

Nakita ko nalang ang sarili kong umiiyak habang yakap-yakap ni Lucas. Di ko mapigilan, hindi ko man gustuhing wag lumuha pero parang kusang bumibigay ang mga mata ko. Napapagod na ako.

"Shh I'm always here for you, Hermosa"

Sandali akong natigilan ng binanggit niya ang pangalan ko. Iisang tao lamang ang tumawag sa akin niyon.

At alam kong hindi siya ang taong iyon.

Bali-baliktarin man ang mundo, hindi si Lucas ang taong tinutukoy ko.

An Sakuyang Pagkamoot (Ang Aking Pag-ibig) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon