Ikatolo

29 8 2
                                    

Maghahatinggabi na di pa din ako binibisita ng antok, ano ba yan kailangan kong makatulog, bukod sa finals na bukas eh kailangan ko pang gumising ng maaga para magluto ng mani na ititinda bukas. Whoo selp matulog kana pliz. Pikit mata, tulog na...

Hays.. Wala no epek!

"Ate?" boses ni bunso na papasok sa pintuan ng kwarto, ba't kaya hindi pa din to natutulog..

"Oh Shea, banguihon na mata ka pa?"

"Ate kawawa naman si Daragang Magayon at si Ulap, nata sinda nagadan basta basta" ang inosente niyang mukha na tila pinagsukluban ng langit at lupa ang epektibong nakapalambot ng puso ko.

"Sandali.. Teka. Paano mo nalam-- binasa mo yung Alamat?!"

"Opo bakit ate? Bawal po ba?" malungkot pa din ang mukha niya.

Naalala ko yung sinabi ni Ma'am Mayen..

"May mga bagay lang talagang mangyayari Neng, kahit di natin sukat akalaing mangyari, maghanda ka dahil malapit na..Ikaw ang dapat maging unang tagapangalaga ng libro, ang unang magbabasa nito"



"Jusko Shea, ba't mo binasa?!"

NAKU naman lalo ako netong di makakatulog, isang paglabag na ang ginawa ko kay Ma'am Mayen hindi ko nmn siya masisi, ket kinder yun napakagaling na nun magbasa, at akong si tamad na magi dapat na tagapangalaga ng libro, di lang tamad burara pa! Huhu Lord help me pls huhu dami ng problema , dumagdag pa to----

"Ay mani mong nahulog!!"

"Uy Neng di naman nahuhulog tong mani ko oh" pang aasar ni KC sabay hawak sa may mani--ah este basta dun, sa baba hehe.

"Ano ba KC nagmumuni muni ako, bibigla bigla ka nalang susulpot, bakit ba?"

"Highblood te? May regla?" apakabulgar talaga netong babaeng to, sarap batukan.

"Bakit ba? Ano ba kase yun?"

"Pinalista ta taka na sa mga kandidata kang Daragang Magayon---"

"Anoo?!! Shunga ka ba?! Anong gagawin ko dun? Maglalako ng pinangat? Ng mani, yema at polvoron!? Susko naman KC bakit? Bakit ako? Panget ba ako? Kapalit-palit ba-- aray! Kasampal to, ikaw ba naghihilamos ng mukha ko ha?!"

"Liza ka? Liza ka? Kala mo naman may Enrique Gil, Bentong nga wala. Enrique pa kaya? pwe!"

"Shunga! Pero bakit nga? Bakit ako?"


"Dahil ikaw.. Ikaw ang Daragang Magayon"
sabat nung Mamang Janitor sabay alis





"Ha? Pinagsasabi ng janitor na yun Kc?"

"Aba ewan, baka ikaw mananalo hehe ayaw mo yan may pa good luck charm ka kay Manong haha baka siya na yung Enrique mo, di nga lang sugar daddy.. Salt daddy haha pobre eh"

"Loko! Pero KC kinakabahan ako wala nga akong pangpananghalian, isusuot pa kaya? Utak mo kasi may pawis!"

"No problem mah sissy, sagot ni Ma'am Mayen lahat...from head to toe" sabay kindat.

"Anoo?! Si Ma'am Mayen??!"

"Oh baket? Multo ba si Ma'am Mayen?!"

"Naku po! Pinagtataguan ko nga si Ma'am Mayen, lalo tuloy magkukrus ang landas nami--"

"Hoy Alnhea Hermosa Bonaobra! Bakit mo pinagtataguan si Ma'am Mayen ha?! May utang ka noh?! Lagot ka estaffa yan!"

"Loko hindi! Yung ano kasi basta! Wala ka na dun! Mind your own business, not my mani tse!"

"As if may magkagusto sa mani mo oh tse!"

Haha! Lakas talaga naming magkaibigan, kahit kailan walang sweet talk na nangyari samin, lahat pikunan. Pikunan to the highest level. Pero teka, ano ba talaga gagawin ko sa pageant na yun? Ni hindi nga ako sanay magsuot ng heels eh, oo maganda ako. Heheh ano ba syempre, gandang Bicolana dapat hehe.

"Ay echuserang hangin! Totoo naman kaya"

Kainis na hangin to, bibigla bigla nalang iihip na animo'y salungat sa sinabi kong "maganda ako" makapagbasa na nga lang netong alamat na to kahit alam ko naman na talaga to, naunahan pa nga ako ni Shea hays.

        ANG ALAMAT NG BULKANG MAYON

Katulad ng lahat ng alamat, nangyari ang kuwentong ito noong unang panahon.

Naganap ito sa payapang rehiyon ng Ibalong, sa maliit na bayan ng Rawis, na

pinamumunuan ng makatarungang datung si Makusog. Ang asawa ng datu na si Dawani

ay namatay sa panganganak. Kaya’t nanatiling iisa ang anak ni Datu Makusog—isang

anak na babaeng walang kapares sa kagandahan at kabaitan, si Daragang Magayon.

Hindi tuloy nakapagtataka kung bakit dumadayo ang napakaraming manliligaw mula sa

ibang tribu, kabilang na ang nasa malalayong bayan, upang mabihag ang puso ng dalaga.

Ngunit wala ni isa sa mga binatang ito ang nakakuha ng pagtingin ng magandang binibini---



"Mainam at iyong binabasa ang alamat na iyan binibini" kakagulat naman si Ma'am Diwani, kita nyang nagbabasa ako dito ng tahimik eh

"Ah eh opo maestra, galing po ito kay Ma'am Mayen, basahin ko daw po hehe"

Weird din talaga to gaya ni Ma'am Mayen, bigla bigla nalang nangyayakap na di mo maintindihan kung para saan, minsan minsan mangingiyak ngiyak nalang.

"Binibini...nais ko lang na maghanda ka.. Patatagin ang iyong loob, at wag hayaan ang kahit na anong bagay ang muling makasira sa iyong buhay...lalo ang bagay na ito" sabay turo sa aking dibdib.. Dudesa ba tinutukoy nito? Grabe ka ma'am ah.. Lantaran talagang ipapamukha saken? Meron naman ako ma'am konti lang hehe.

"Itong puso mo....wag nawang maging sanhi upang ika'y mapahamak.. Mauuna na ako"

Ano daw? Puso ko? Luh baka nachismis na ako dito sa school na may jowa, naku naman. Buti pa sa chismis meron, hehe.. Pano kaya ako mapapahamak ng pusong to eh NBSB naman to.. No boyfriend since break. Ah este since birth..






"PINANGAT! Pinangat kayo diyan! Pagkasiram siram! Dyes pesos sana! May free taste! Pag dae mo namuyahan, pwede man ako na sana ang tanan!" ay ano ba yan! Mali mali--

"Manggurano?"

Echuserong palaka! Eto na ba yung sinasabi ni ma'am Diwaning makakasira sa puso ko. Pagkagwapoo uy! Tangkad tangkad, puti puti, tangos ilong arghhhhh!

"Hey miss manggurano? Matunaw ako nyan sige ka" ay echusero pala talaga neto.

"Assumero! A diyes nga diba?"

"Eh yung free taste?"

"Free nga diba?!--" ay jusko hindi pwede ang free taste, bukod sa lugi ako.. Eh bakaa.....no no no no... Hindi pwede

"Loko! Walang free taste free taste! Ano ka gwapo!?"

"Bakit hindi ba?" kagat kagat labi pa. Oo gwapo nga, sama naman ng ugali. Pwe

"Slight hehe. Bibili ka ba? O bibili ka?"

"Lahat"

"Lahat?! As in pakyaw?!"

"Bakit ayaw mo ba?" jusko blessing nga!

"Hindi naman sa ayaw, pero pang piyestahan ba yang tiyan mo?!"

"Ibebenta mo ba o ibebenta?"

"Hehe ito na nga oh, dalawang daan"

"Salamat. Lucas nga pala"

Taray ah. Suki ko na ba to? O future jowa? Namakyaw lang, nagpakilala na HAHA

"Neng hehe daghang salamat"

An Sakuyang Pagkamoot (Ang Aking Pag-ibig) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon