Ikabaynte-uno

7 5 0
                                    

Hindi ko na maintindihan kung bakit nagiging ganto ang takbo ng buhay ko. Masaya naman nung una eh. Pero bakit biglang nagkaganto?

Maging ako ay gulong-gulo, di ko na alam bakit ba. Mali ba na umibig ako? Mali ba na nagmahal ako ng isang tao?


"Ate" bigla akong napalingon nang marinig ko ang malambing na boses ni Shea.

"Bakit? Ayos ka lang ba?" para siyang namumutla, maging ang pagpirok ng mata ay mabagal kung ikumpara sa normal na paggalaw nito.

"Shea? Ayos ka lang ba? Anong nangyayari sayo?"

"Ate si papa?"

Napaangat ang tingin ko sa orasan, maga-alas tres na nga ng hapon, di pa din dumadating si papa. Di naman sumama si Nube sa kaniya kanina kasi pinaayos ni papa sa kaniya yung parte ng kusina naming bibigay na ata sa sobrang rupok ng kahoy, medyo matagal na kasi tong bahay kaya ganun.

"Wala pa Shea pero darating rin si papa, ayos ka lang ba?" 

"Ate nahihilo po ako, sumisikip po ito" sabay hawak niya sa dibdib niya.

Naku shea wag ngayon please, di ko alam ang gagawin ko.

"Ate--" di na natapos ni Shea yung sasabihin niya dahil bigla nalang siyang natumba at nawalan ng malay.

"Nube! Nube! Tulong! Si Shea, Nube!"

Dali-daling tumakbo papalapit sa amin si Nube, sabay kuha sa akin si Shea.

"Anong nangyari??"

"Dalhin natin siya sa hospital bilis"




Pabalik-balik na ang lakad ko dito sa hospital, di ko n alam kung ano ba dapat ang iisipin ko, ang kalagayan ni Shea na nasa loob ng ER na hanggang ngayon ay di pa din nagkakaroon ng malay, si papa na hanggang ngayon ay di pa nalalaman na sinugod nmin si Shea dito, o ang malaking gastusin na kailangan namin paglabas dito.

Gulong-gulo na yung utak ko patungkol kay Nube at Lucas.. Sumabay pa ba naman to. Ano ba namang klaseng buhay to.

"Magiging maayos din ang lahat Neng" niyakap nalang ako ni Nube, na para bang alam niya kung gaano kabigat ang pinapasan-pasan ko ngayon.

"Sisay po ang pamilya kan pasyente?" nagulantang kami ng biglang nagtanong ang Doktor na lumabas sa ER.

"Ako po, ate po ako ni Shea"

"Miss hahaputon taka po, may history po ba ng sakit sa puso si Alshea?"

"O-opo. M-may inborn Ischemic Heart Disease po siya" paputol-putol na ang boses ko, di ko na mapigilan, pagod n pagod na ako, sobra na din akong nasasaktan. Di ko alam kung ano ng nangyayari sa kapatid ko sa loob.

"Marahil ito ang dahilan kung nata maluyahon ang puso kan tugang mo Ms. Bonaobra, kung dae siya maooperahan, baka dae na siya umabot saaga, I'm sorry Miss. Wara kitang heart transplant digdi sa Bicol, sa Manila, duman mo siya mapapaparahay"

Parang inuntog ang ulo ko sa pader matapos kong marinig ang sinabi ng Doktor. Wala kaming pera. Wala kaming kahit na anong kalaking halaga para mapaoperahan si Shea.

Mas lalo akong naguguilty dahil alam ko sa sarili ko na isa ako sa mga dahilan kung bakit mas lalong humina ang puso ng kapatid ko, at alam kong dahil kay Nube yun.

"Uuwi ako ng bahay, titingnan ko kung nandun na si papa. Dito ka lang bantayan mo si Shea, magpapamanila tayo pagbalik ko dito"

Hinalikan lng ako ni Nube sa noo bago ako umalis.


PAGBUKAS ko ng pinto ng bahay, wala pa din akong nakikitang kahit na anong bakas ni papa. Dali-dali na lamang akong umakyat at kumuha ng mga gamit namin at inilagay iyon sa isang bag para mas madaling bitbitin.

Kinuha ko na din ang lahat ng perang inipon ko para sana sa page-enroll ko next semester pati na yuong mga perang iniipon namin ni Nube para sa susunod naming pamamasyal.

Nang muli na akong paalis sa bahay, nakita ko ang isang di pamilyar na papel na nakapatong sa mesa sa aming sala.

"Kung hindi rin lang ako ang pipiliin mo Neng, mabuti ng mawalan ka ng ama."

                -Lucas-


Ano???!!! Ano bang katangahan to?!!

Ano ba Lucas!? Tao ka pa ba?!!!

Umiiyak akong bumalik sa hospital. Wala pa ding malay si Shea. Pinakita ko kay Nube ang papel na nakuha ko.

"Hindi pa din nagbabago si Lucas! Pumunta ka na sa Manila, ipagamot si Shea, eto, eto yung kwintas na binigay sayo ni Lucas, marapat lamang na isangla o ibenta mo ito para maipagamot mo si Shea, ako na ang bahala kay Tiyo Valiente"

"Pero Nube--"

"Mahal kita Neng, mahal na mahal" hinalikan niya muna ako bago siya umalis.

Hindi ko alam kung papano kami tutungo sa Manila ni Shea. Hindi pa ako nakakaapak sa siyudad na ito, pero buong puso ko tong haharapin para sa kapatid ko.

Nasa loob kmi ng ambulansya ngayon para daw mapabilis ang byahe paMaynila. Labis nalang ang pasasalamat ko dahil kahit papano ay may natira pang isang ambulansya dito na maghahatid sa amin.

Madaling araw na, nasa byahe pa din kami. Tuyo na ata ang mga mata ko sa kakaluha, ano kayang nangyari kay papa. Kay Lucas.. Kay Nube.

Bakit ganito ang nangyayari? Bakit halos hindi ko na maipaliwanag ang bawat problemang dumarating sa buhay ko? Bakit ganto?

An Sakuyang Pagkamoot (Ang Aking Pag-ibig) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon