Ika-Kinse

8 5 0
                                    

Nandito ako ngayon sa kusina, mag-isang humihikbi pagkatapos ng mahabang araw. Parang kailan lang ansaya-saya ko nang makita ang lahat ng taong nakasuporta saakin... Pero bakit tila yata kaybilis ng pag-ihip ng hangin?

Required bang umiyak pakatapos mong maging masaya ng ilang saglit?

Kahit isa walang nabili sa yema, mani at polvoron ko. Sino ba namang bibili sa isang kadiring tulad ko? Naturingang Daragang Magayon pero hindi marunong mag-ayos ng sarili.

Ang sakit. Oo, aaminin ko, nasasaktan ako. Ang hirap. Ang hirap hirap.. Lalo pa ngayon, umiiyak ako ng walang nakakakita, ng walang nakakarinig, alam niyo yun? Yung umiiyak ka ng tahimik? Dahil di mo din nanaisin na isipin ng iba na mahina ka, na madrama ka sa buhay. Oo alam ko, simpleng bullying lng yung nararanasan ko ngayon. Pero hindi ito ang buhay na nais ko, at kung sakaling malampasan ko to, hinihiling ko kay Bathala na wag na sanang maulit pa dahil hindi ko na ata kakayanin pang masaktan ng ganito kasobra.

"Panyo?" unti-unti kong inangat ang ulo ko sa isang taong may hawak ng panyo sa harap ko.

Si Nube.

Hindi ko tinanggap ang panyo niya, sa halip pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang sarili kong mga kamay.

Dahan dahan niyang tinanggal ang mga kamay sa mukha ko, at naupo sa harap ko. Dahil hindi ko naman na ginamit ang panyo niya para punasan ang mga luha ko, siya na mismo ang kusang gumawa nito para sa akin. Ramdam na ramdam ko ang maingat at dahan dahan niyang pagpunas ng panyo sa mukha ko, kitang-kita ko din ang kaisa-isang bagay na ninanais kong makita sa mga mata niya. Hindi iyon pandidiri, at hindi rin awa...kundi ang natatangi niyang pag-aalala.

Tiningnan niya ang lahat ng paninda ko sa mesa, nakakalat ito dahil medyo nainis din ako kanina na hindi ko man lang ito naibenta at wala akong choice dahil luging-lugi ako dito.

Umupo si Nube sa upuan sa harap ko, at marahan niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi ko ito tinanggal dahil kahit papano nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng karamay.

"Wala akong maibibigay... na ginto at pilak.. Pero nais ko sanang masilayan muli mula saiyong mga labi ang ngiti na lagi mong dala-dala noon"

Alam ko na alam niya na mahirap iyon para sa akin ngayon, pero bilib din ako sa lakas ng loob ng meron siya dahil nakuha niya iyong sabihin sa harap ko nang hindi man lang bahid ang hiya dulot ng pangyayari sa amin kaninang tanghali.

"Batid kong di ko mababayaran ang lahat ng mga paninda mo Neng, pero sana'y hayaan mo akong palitan ng saya ang lungkot na iyong nadarama, dahil mula pa noon...wala akong ibang binigay saiyo, kundi ang puso ko lamang at magpahanggang ngayon, wala akong ibang maibibigay saiyo kundi ang bagay na naibigay ko na sayo noon"

"Salamat Nube. Salamat dahil narito ka"

"Kailanman ay hindi ako nawala, at kung papalarin sana ayoko ng ako'y mawala pa"

"Wag mo ako iiwan Nube"

Di ko na namang mapigilang maluha ngayon sa harap niya, ngayong nakikita ko ang namumuo niyang luha sa kanyang mga mata.

"Iyan din ang nais ko, ang wag kang iwan Hermosa ko"


NAGBIYAHE kami ni Nube ngayon papuntang Kawa-Kawa Hills, Tuburan Ligao City. Dito sa Bambusetum, Kawayan Tinik Plantation.  Ito din ay isang sikat na lugar dito sa kabikolan, maganda at napakapeaceful din ng lugar na ito.

Ewan ko ba dito kay Nube, pero parang sa lahat ng nais niyang puntahan namin, gusto niya palagi niyang nakikita ang Mayon.

Alam ko naman na ginagwa niya to bilang pakikiramay sa lungkot na dala-dala ko ngayon. Alam ko din na nais niya munang makapagpahangin man lang ako mula sa kadramahang ginawa namin kagabi.

Pero teka? Nasaan na ba si Nube? Nakatayo lang ako dito sa gilid, pero di ko na masilayan kahit pa ang anino ng lalaking yun.. Nasaan na nga ba siya? Paktay, di ko pa naman kabisado ang lugar na to.

Di ko mawari pero parang kusang humahakbang ang paa ko papunta sa mga nag-iilaw na mga puno ng kawayan doon. Ang daming kawayan. Napakaganda ng lugar na to. Kaya siguro patuloy tong binabalik-balikan ni Nube dahil sa yamang meron ang probinsyang to. Hindi lang isang normal na parke, ang ganda. Napakaganda. As in sobra. Para akong nasa mini forest na puro kawayan lang ang mga puno.

Mukhang tama nga ang deriksyong pinuntahan ng paa ko, dahil ayun nakita ko na si Nube na nakaupo na pang indian dun sa gitna ng mini forest na to, may hawak siyang papel at panulat.

Babasahin ko palang sana yung sulat niya ng bigla niya itong inilayo sakin.

"Andaya!"

"Haha lahat ng bagay ay may kanya-kanyang panahon Neng"

"Teka ba't mo ba ako iniwan dun? Di ka man lang ba natatakot kung baka mapano ako, tingnan mo oh gabi na"

"Haha lika nga dito" para naman akong tuta na tumabi din sa kanya. At ginawa talaga akong tuta dahil ginulo-gulo din niya ang buhok ko—bagay na palaging ginagawa ni papa pag inaasar niya ako.

"Neng.. Hindi naman kita iniwan para mapahamak ka, ginawa ko lang yun para subukin muli ang puso mo."

"Ha? Papanong subukin?"

"Ang pusong nagmamahal ay hindi nang-iiwan. Kahit kailan patuloy akong hinahanap ng puso mong iyan, at sa patuloy niyang paghahanap, ay padayon niya akong nahihiling"

Taray ah. Lakas din ng trip neto.

Dahan-dahan siyang tumingin sakin, at nilagay ang buhok ko sa likod ng tenga ko..

"Basta palagi mong tatandaan, na kahit kailan man o kahit saan, palagi lamang akong naririto at hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo"

"Para tayong magjowa uy! Tayo ka nga jan! Dun tayo oh sa may ilaw ilaw na daanan!"

Tumayo ako at hahakbang na sana ako papunta dun sa parte na tinutukoy ko nang bigla niya akong  hinarangan para di makahakbang paabante.

Pangisi-ngisi pa ang lolo niyo, anyare na kaya dito?

"Ano sabi mo? Mag jowa? As in magkasintahan? Tayo?"

Ay echusera!

"P A R A N G, bingi ka ata eh"

"Wag ka mag-alala, tingin ka dun oh!" sabay turo kung nasaan ang Bulkang Mayon, sabi ko na nga ba Bulkan na naman nasa isip neto.

"Oh ano naman jan?"

"Sa sandaling makita mo yan ng buo, walang halong kahit isang ulap na nakatakip sa kaniya, makikita mo...yang parang na yan, magiging totoo. Isinusumpa ko."

Wow ah. Ano bang klaseng kayabangan meron to? To the highest level ata?

"Asa ka! Bleh!"  sabay ko takbo dun sa may daanan na punong-puno ng ilaw.

An Sakuyang Pagkamoot (Ang Aking Pag-ibig) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon