Ikabaynte-tres

5 3 0
                                    

Tanghali na nang magising ako, parang isang ordinaryong araw lamang ito sa akin pakatapos nung mga nalaman ko at nangyari kagabi.

Pero parang bigla akong naalimpungatan nang di ko naramdaman ang haplos ni Nube ngayon—bagay na nakasanayan ko na sa bawat umagang nagigising ako.

Baka nangaso na ulit sila ni Papa, tanghali na din naman ngayon, at hindi ako maglalako ng mga paninda dahil medyo masama ang pakiramdam ko, para bang ang bigat-bigat ng ulo ko. Di ko alam pero parang mas pipiliin ko nlang mahiga ngayon kaysa bumangon at maghanda ng makakain.

Di pa din makasink-in sa utak ko, papaanong naging iisa si Lucas at Pagtuga, si Nube at si Ulap at ako at si Magayon?

Pinilit kong alalahanin ang lahat simula nung binigay sa akin ni Ma'am Mayen ang libro.

Nung araw na binigay niya sa akin iyon, wala pa nga akong nakilalang Lucas o Nube. Sadyang nakita ko lamang si Lucas nung inumpisahan kong basahin ang libro. Bigla-bigla nalang dumating si Lucas na di ko man lang alam kung saan siya nagmula at kinabukasan simula nang magkakilala kami, nagpakilala siya bilang isang manliligaw ko—agad agad.

Wala pa noon ang Nubeng nakilala. Nung umagang nangaso si papa sa gitna ng napakalakas ng ulan, dun ako ulit nagsimulang magbasa. At nung araw ding iyon ang araw na nakita ko siya. Inisip ko pa ngang may pagkaenkantado siya dahil mag-isa niya lang binuhat ang punong pilit naming binubuhat nila Tiyo Lando. Inuwi namin siya dito sa bahay para magtanaw ng isang utang na loob. Dun ko din nalaman na magkakilala nga sila ni Shea...dahil si Shea nga pala ang unang nakabasa ng libro...bago ako..

Naging masaya ang takbo ng buhay ko, medyo may konting balakid nga lang dahil parang nagiging magkaribal si Lucas at Nube sa akin, at nagiging magkaribal din kami ni Shea kay Nube. Pero kahit ganoon ay medyo nakakayanan pa din namin itong ayusin.

Binibigyan nga ako ni Lucas ng mga mamahaling bagay—bagay na siya ding ginawa ni Pagtuga kay Magayon. Kaya pala biglang nagalit si Nube nang tinanggap ko ang kwintas na galing kay Lucas.

Nang sinagot ko si Nube sa Cagsawa Ruins, nandoon din si Lucas nakatanaw sa amin, pero pagkatapos noon, di ko na siya nakita pa. Di na siya nagparamdam. Hinayaan ko nalang din dahil mas mabuti na nga iyon. Buong akala ko mabuti nang nanahimik nalng siya pero nagkamali pala ako ng akala.

Muli kong binasa ang libro at piniling tapusin ito para wala na akong problema. Saktong pagkagising ko, nakita ng dalawa kong mata kung paano mag-away si Lucas at Nube sa labas ng bahay. May mga pinagsasabi din si Lucas na di ko maintindihan na kesho sakim at makasarili daw si Nube 'noon pa'.

Sa Alamat nga ni Daragang Magayon, nang nalaman ni Pagtuga na ikakasal na si Ulap kay Magayon, kinuha nito si Don Makusog—ang ama ni Magayon at nagpadala ng mensahe na papaslangin ito kung hindi sakanya magpapakasal ang dalaga.

Siyang bagay na ginawa din ni Lucas pagkatapos niyang malaman ni sinagot ko si Nube. Kinuha niya si Papa at binigyan ako ng sulat na kung hindi rin lang naman raw ako mapupunta sa kanya ay marapat na lamang raw na mawala na ang aking ama.

Tugmang-tugma ang nangyari.. Pero papaanong inatake si Shea sa mismong araw ding iyon?  Eh wala namang kapatid si Magayon sa Alamat.

Hindi kaya ginawang parusahan ni Mayon—ni Ma'am Mayen si Shea dahil siya ang unang nakabasa ng libro at hindi ako?

O di naman kaya'y iyon ang naging kinahihinatnan ng pagiging tamad ko sa pagbabasa?

Matapos ang insidenteng ganoon sa Alamat, napatay ni Ulap si Pagtuga...napatay nga din ba ni Nube si Lucas?!

At sa katapusan din ng alamat, naisalaysay na namatay si Magayon sa isang ligaw na palaso na tumama sa kanya at namatay din si Ulap dahil sa pagsibat sa kaniya ng isang kawal ni Pagtuga.

Pero hindi din pwedeng mamatay si Nube! At mas lalong hindi ko gugustuhin na muling magalit si Lucas—si Pagtuga dahil minsan ko ulit na tinanggap ang mga kayamanang binigay niya! Hindi pwedeng maglabas ng lava o sama ng loob ang Bulkan dahil sa mga ginawa ko.

Paano na ang bayan ko?





DALI-dali akong bumaba sa hagdan para sana hanapin si Nube..

DAE KO NA MAATIM NA MULING MAGADAN ANG SOLONG TAWONG NAMUMUTAN KO!

"Nube?! Nasan ka? Nube?!" umiiyak na ako dito sa di malamang dahilan. Halos nalibot ko na ang buong bahay pero ni anino ni Nube hindi ko masumpungan.

Tiningnan ko ang mga gamit niya sa kanyang sisidlan, naroon pa din ang lahat na iyon, maayos na nakatupi. Pinipilit kong isipin na baka umalis lamang saglit si Nube at muling babalik maya-maya lang pero bakit ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Di ito maawat at tila ako kinakabahan ng di ko alam kung bakit.

"Anak" nagulat ako ng nakita ko si papa na may dala-dalang mga kahoy, kakauwi pa lang ata niya galing sa pangangaso.

Hindi na ako nakapagmano kay papa, tumingin agad ako sa likod niya, nagbabakasakaling naroon si Nube.

"Si Nube ba ang hinahanap mo Neng?"

"O-opo pa, nasan siya? Ba't di nyo kasama?"

"Hindi ko alam anak, kanina pagkagising ko, wala na siya dito sa hinihigaan niya" sabay turo ni papa sa pahabang upuan namin sa sala.

"Di ko na rin siya nakasama sa pangangaso. Bakit? Wala pa ba siya?"

Naalala ko yung sinabi ni Ma'am Mayen.

"---Ito'y isang kwento lamang Neng, hindi ito totoo."

Shocks! Nung binuksan at binasa ko ang libro, isa-isa silang dumating. Ngayong tinapon ko ang libro, bigla na din siyang nawala! Si Lucas kaya? Nawala din ba siya?Posible kayang nawawala sila dahil nga nagawa kong itapon ang libro?

Dali-dali akong lumabas, nagbabakasakaling naroon pa ang libro sa basurahan na tinapon ko kagabi lang.

Hindi pwedeng mawala si Nube.. Si Nubeng mahal ko... Hindii!

Tila ako nawalan ng pag-asa ng nakita kong wala ng laman ang basurahan. Araw ng Martes nga pala ngayon, ngayon din dumadaan dito ang truck ng basura.

Tila ako sinukluban ng langit at lupa, mag-isang humahagulhol sa gitna ng daan...patuloy na umaasa.  At hindi matanggap-tanggap..na ang taong pinakamamahal ko..

AY WALA NA.

AT DAHIL IYON SA AKIN.

An Sakuyang Pagkamoot (Ang Aking Pag-ibig) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon