CHAPTER 1

80 6 0
                                    


MERVIN

"ANAK!!!! MERVIN!!!! MERVIN!!!" na gising na naman ako sa ingay ng sigaw ni Mama. Ah oo nga pala first day sa school ngayon. Eto na didilat na nga ako pero hindi ko magawa aaaaaaaaa inaantok pa ko.

"MERVIN!! ANO KA NA DYAN? ABA BANGON NA"

At dahil sa balibag ng pinto na mulat ang mga mata ko. "Oo eto na" bumangon ako nang bahagya at napahawak ako sa aking dibdib.

"Aba! umaarte pa na may sakit" ang tinis talaga ng boses ni Mama kahit kailan grrr kairita.

"Eto na bababa na nga eh" bumangon na ko at lumabas ng pinto habang nagkakamot ng ulo.

Natapos na ko kumilos. Humarap ako sa salamin para ayusin ang buhok ko.

"Aray!" binatukan ako ni Mama na hulog tuloy earphones ko, grabe talaga "Aba hijo anong oras na at mahuhuli ka na sa klase mo, first day na first day late ka" nakapamewang pa.

Yumuko ako para kunin ang earphones ko at humarap ulit sa salamin. Akmang babatukan na naman ako ni Mama pero naka iwas na ko. Lumabas na ko ng bahay at sumakay na ng jeep.

Kararating ko lang ng school pero gusto ko na umuwi hay kundi lang dahil sa tropa 'di na ko papasok ngayon eh

"OY!! MERVIN!!!"

Naka earphones ako habang papunta sa room pero may naririnig akong tumatawag, boses ng lalaki.

"MERVIN!!!!!" boses naman ng babae pero nag pa tuloy lang ako sa pag lalakad.

"MERVIN" sabay na silang tumawag. Ah kilala ko na ang mga boses na yon. Si Ellah at si Sky. Hinarap ko na sila.

"Oy!! Hintay, sabay na tayo pumasok"

Sila nga. Naka sweater na itim na naman si Sky, wala talagang pinagbago.

Nakarating na kami sa room at nandon na sila Ara, Mark, Neil at Ivory.

"Oy! Mga kups dito" kumakaway na yaya ni Mark.

Saglit pa lamang kami naka upo dumating na ang adviser namin at may kasamang estudyante. Bagong kaklase? Oo nga pala hindi pa pala ko nagpapakilala. Ako si Mervin Kenneth G. Dela Cuesta, 18 years old kami lahat sa barkada, grade 12 student. Naka block section kami kaya alam namin kapag may bagong kaklase.

"Good Morning Class! I'm Michael Kevin, your adviser and also your english teacher"

"Ay ang gwapo ng adviser natin at mukhang na sa 23+ lang hehehe" bulong ni Ellah

"Huy! Ellah parang kuya mo na yan wag mo na pagnasaan" na tatawang sagot ni Ara sa kaniya.

"Ano ba tsk" sagot ni Ellah na may kasamang palipad buhok.

"And also starting today she will be your classmate" hinawakan ni Sir sa balikat ang kasama niyang estudyante

"Ms. kindly introduce yourself"

"Hi! Good Morning Classmates! I'm Mary Clandestine, 18 years old from Magsaysay High School. You can call me 'Tine' or 'Cla' but don't call me on my first name hehe thank you"

"Ang ganda niya" sabi ni Sky habang nakatulala kay Clandestine.

"Ano ba yan may mas maganda sakin tsk" iritang sabi ni Ellah.

"Oy Neil, easy-han mo ang tingin" banggit ni Sky pagkaharap niya kay Neil.

Tinignan ko si Neil na katabi ni Ellah at nanlilisik ang mga mata nito.

"Neil, kung magkakagusto ka na lang din dyan, sana sakin na lang" sabi ni Ellah sabay umirap. Oo nga pala matagal na 'to may gusto kay Neil.

"Ano ka ba Ellah sayong sayo si Neil, ikaw lang ata nagkakagusto dyan" pag bibiro ni Ara.

"Ms. Clandestine, kindly take your seat duon sa bakanteng upuan" at tumuro si Sir dito sa amin. Ang bakanteng upuan sa tabi ni Ivory.

"Lah dito pa satin" iritang sabi ni Ellah.

Na sa dulong upuan kami. Ang magkakatabi ay Neil, Ellah, Ako at Ara, na sa harap ni Neil ang bakanteng upuan, na sa harap ni Ellah si Ivory, na sa harap ko si Sky at na sa harap ni Ara si Mark.

Naka upo na pala si Clandestine sa tabi ni Ivory.

CLANDESTINE

First day sa school ngayon and guess what na sa ibang school na naman ako. Simula nung nag grade 10 ako lagi na kami pa lipat-lipat ng bahay at ako naman palipat lipat din ng school kaya wala akong friends.

Simula nung na upo ako dito hindi na ko nakinig sa mga sinasabi ni Sir. Paano ba naman kasi halos kalahating oras na ng klase ang nakakalipas at hindi parin humihinto sa pagpapaikot ng kutsilyong maliit yung katabi ko, feeling ko any time isasaksak niya 'to sakin. "Bruh sana malipat ako ng upuan"

MERVIN

Mukhang hindi komportable si Clandestine sa tabi ni Ivory. Hindi na naalis kay Ivory ang maliit na kutsilyo na iyon. Napaka weird ni Ivory pero hindi ko alam kung bakit ko siya na gustuhan. Ilang beses ko na sinubukan kunin ang loob ni Ivory pero hindi raw talaga siya interesado sa pagkakaron ng jowa.

Umalis na si Sir at may kalahating oras pang natitira sa subject niya. Nagkaron na ng kaniya kaniyang kwentuhan ang mga kaklase namin at ang ingay na naman ng paligid. Yumuko muna ko sa desk dahil na iirita ko sa ingay.

"Hi! I'm Ara" na rinig ko ang boses ni Ara at mukhang nilapitan niya yung bagong kaklase namin.

"Hello! I'm Clandestine" sa puntong to iniangat ko ang ulo ko at tinignan sila.

Tumayo rin si Sky at lumapit sa kanila. Pagkalapit niya ay inakbayan niya si Ara.

"Cloudine Ara pangalan neto HAHAHAHA"

"Ano ba!" iritang sabi ni Ara at tinanggal ang pagkaka akbay ni Sky.

"Cloudine Ara, yes, pero Ara na lang itawag mo sakin"

"Sky nga pala" iniabot ni Sky ang kamay niya "Clandestine" at iniabot din naman ni Clandestine ang kamay niya para makipag shake hands.

"Twin sister ko pala 'tong si Cloudine Ara"

"Ara na lang gurl"

"Ang cute naman ng pangalan niyo, Sky, Cloud" nakangiting sabi ni Clandestine. Ang ganda niya pala lalo pag naka ngiti.

"Ang sabi kasi ng parents namin nagkakilala sila nung nagkabungguan sila habang nag lalakad, nakatingin sila pareho sa langit tas dun nag simula pag-uusap nila, pareho nilang gustong pag masdan ang langit kasabay ng malamig na hangin na dumadampi sa kanilang mga pisngi"

"Share mo lang?" biglang singit ni Ara.

"Epal talaga kahit kelan, ganda ganda ng kwento ko e tsk"

Pinakilala ni Ara si Ellah at Ivory kay Clandestine at kahit medyo na iirita si Ellah ay binati niya to.

"Ay! Clandestine kami nga pala ang em-n-ems" hinila kami ni Sky para tumayo "Mark, Neil, Mervin, at ako Sky, MNMS" isa isang turo samin ni Sky.

"Anak ng! May bago na naman kayong pangalan amp" natatawang sabi ni Ellah. Kada ipapakila ni Sky kaming mga lalaki, iba iba ang pangalan ng grupo talaga hay

"Mag jowa nga pala 'tong kapatid ko tsaka si Mark, hindi sila mukhang mag jowa pero mag jowa talaga sila, share ko lang. Kung natatakot ka naman dito kay Ivory at Neil, wag ka mag alala mababait naman yang mga yan, nag sasalita naman sila, sadyang ganyan lang talaga sila. Laughtrip din yan kasama, 'yang si Ellah panggap lang yan na mataray" pagpapaliwanag ni Sky kay Clandestine.

Ang dami pang sinabi ni Sky pero unti unting humihina ang boses niya at ang ingay sa paligid.

Nawala ako sa pagkakatulala nang kalabitin ako ni Mark "Arat kain daw muna tayo boi, tama na titig kay Ivory baka matunaw" inakbayan na ko ni Mark at lumabas, sinama rin ni Ara si Clandestine.

HUSTISYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon