CHAPTER 18

17 3 4
                                    

"Mervin..." ramdam ko sa boses ni Sky ang pag-aalala.

Nakakunot ang noo ni Sir at ibinaba ng kaunti ang baril.

"Nung inutusan m-mo 'kong kunin yung re-result ng exam, i-inutusan ako nung babaeng teacher d-duon na kumuha ng envelope at pagkakuha k-ko na laglag 'to" kinuha ko sa bulsa ko sa likod ang mga litratong ipapakita ko dapat kila Ara.

Iniabot ko kay Sky ang punit ng litrato.

"N-Na kita ko yung isa malapit sa katawan ni Clandetine a-at yung karugtong sa drawer mo"

"Litrato 'yan namin ng tatay at kapatid ko" mahinang sabi ni Sir.

"Nung nakaraan pag kauwi ko sa b-bahay, n-nakita k-kong umiiyak si Mama. B-Binigay n-niya s-sa'kin 'to" kinuha ko sa kabilang bulsa ko sa likod ang isa pang litrato. Pareho ang litratong binigay sa'kin ni Mama at ang litratong punit "S-Siya r-raw si Papa at kayo raw ang mga kapatid ko" nag simulang tumulo ang mga luha ko.

Lumuhod sa harap ko si Sir.

"Ikaw ba yung kapatid ko na dapat ipapakilala sa'min ni Papa noon?" Malabo na ang paningin ko pero na aninag kong umiiyak siya. Tango lang ang sinagot ko at ngiti dahil hindi na 'ko makapag salita.

Hinawakan niya ang pisngi ko ng marahan.

"Hinanap kita" ramdam ko ang nginig ng mga kamay niya. Hinawakan ko ang mga kamay niyang na sa pisngi ko

"K-K-Kuya....n-n-nag kita n-n-na rin tayo" pinilit kong mag salita at ngumiti.

Rinig ko ang pag hagulgol niya.

"Tumawag kayo ng ambulansya!!!" utos niya kila Neil at na ramdaman kong agad silang kumilos.

"Kapag magaling ka na, bibisitahin mo 'ko sa kulungan ha" inilagay niya ang ulo ko sa balikat niya.

"Patawarin mo 'ko. Sana maniwala ka hinanap kita, hinanap ko kayo ni Mama Carla. Kumapit ka lang, please!" humigpit ang yakap niya sa'kin.

"'Yung sinasabi mong babaeng teacher na nag utos sa'yo na kumuha ng envelope sa drawer ko, si Kyla siguro 'yon, kapatid natin. Walang babaeng Prof sa faculty. Siguro gusto ka niya tulungan at para mag kita na tayo" kahit nang hihina na ko pinilit kong higpitan ang yakap kay Kuya.

Hindi na rin nag tagal ay na ramdaman kong may bumuhat sa akin. Nanatiling nakahawak sa kamay ko si Kuya hanggang sa pababa na kami ng ambulansya.

Hindi ko makita ang paligid pero rinig ko ang ingay ng kotse ng pulis. Papasok na kami ng hospital pero hinarang si Kuya.

"Sir! Maaari po ba kayong sumama sa amin at magpaliwanag sa presinto"

"Sasama ko pero pwedeng ihatid ko lang yung kapatid ko sa ER?" mabilis na sagot ni Kuya.

Pumayag ang mga pulis at pumasok na kami. Nag mamadali na silang ipasok ako sa ER at na rinig ko ang boses ni Mama.

"ANAK!!! MERVIN!!!!"

Na kita kong hinarang na siya ng mga Doctor pero na gawa ko pang sabihin na hayaan na dahil pakiramdam ko ay hindi ko na rin kakayanin.

"M-Mama s-s-siya s-s-si Kuya" itinuro ko si Kuya na nasa kabilang gilid ko. Tinignan siya ni Mama.

"Michael?"

"Opo, Mama Carla" agad siyang nilapitan ni Mama at hinawakan sa pingi

"M-M-Mama.....k-k-kuya" sabay silang napalingon sa'kin.

"M-M-M-Masa-ya k-ko d-d-dahil nag kita k-k-kita n-na tayo" ngumiti ako ng ngiti na sa tingin ko ay magiging magandang ngiti sa paningin nila. Ngiting hindi makikitaan ng kahit ano mang lungkot o sakit.

HUSTISYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon