Agad akong napatingin sa pulis.
Suicide?? Suicide?? Suicide???
Nagpatuloy sa pagpapaliwanag ang pulis ngunit hindi ko na naintindihan dahil unti unting humihina ang mga boses sa paligid ko. Nanatili lang akong nakatayo at natulala.
Suicide? Si Clandestine nag suicide? Hindi ho na kita ko pong may sumasaksak sa kaibigan ko. Hindi po siya nag suicide. Hindi.
Bumalik ang ingay nang tapikin ako ni Mark.
"Pre! Ayos ka lang?"
Tumango lang ako at pinilit kong makapasok sa loob ng classroom para makita si Clandestine.
Wala na ang tali sa mga kamay niya at wala rin ito sa paligid, na sa kamay niya ang kutsilyo pero hindi iyon ang na kita ko kanina.
Lumuhod ako malapit sa bangkay ni Clandestine at may na kita akong punit na litrato malapit sa paanan niya, hindi makilala ang mukha dahil sa pagkakapunit nito.
Tinawag ako ni Mark at agad kong binulsa ito.
"Pre! Tara na makibalita na lang tayo bukas"
"Mervin" sabay tapik sa balikat ko, si Ivory pala.
Tinignan ko lang siya sa mata at tumalikod na ulit, aalis na sana ko pero pinigilan pa ko ni Mark.
"Usap muna kayo"
Tinignan ko lang din siya sa mata at hindi na nag abalang sumagot pa.
"Hindi ngayon yung tamang oras para pag usapan 'to, namatayan tayo ng kaibigan, sa susunod na lang Mark, salamat" sabi ni Sky habang nakatingin sakin.
Binitawan na 'ko ni Mark at nagpatuloy na sa pag lalakad.
Nakarating na 'ko sa bahay at dumirecho sa'king kwarto at humiga. Inilabas ko ang na pulot kong punit na litrato.
"May kinalaman kaya 'to sa pumatay kay Clandestine?"
Pinaikot-ikot ko ang punit na litrato at tinitigan.
"Clandestine, I'm sorry kung wala akong na gawa, sorry kung na duwag ako at hindi na kita na tulungan, sorry kung hindi ako na kapag salita. Pangako, mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay mo, hindi ko pa alam kung paano at kailan pero pangako mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay mo. Alam kong mali ang pag hinalaan agad ang mga kaibigan natin pero hindi ko maiwasan. Alam kong hindi ka matatahimik kapag hindi na bigyan ng hustisya ang pagkamatay mo, ako rin naman hindi matatahimik dahil ako ang nakasaki. Hintayin mo lang, panagako. "
Lumipas ang isang linggo sa school na parang walang nangyari. Walang nag uungkat ng kwento tungkol sa nangyari pero ramdan ang tensyon ng bawat isa. Wala akong mapagsabihan ni isa sa barkada na nakita kong may pumatay kay Clandestine at hinahanap ko kung sino man 'yon para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaibigan namin. Hindi parin mawala sa isip ko ang biglang pag sulpot ni Mark sa likod ko nung araw na 'yon, pagmamadali ni Sky na damputin yung kutsilyo ni Ivory at si Neil na biglang na sa classroom.
Mahigit isang oras na kaming nasa cafeteria at walang sumusubok na mag salita, wala paring nakakaubos ng kaniya kaniyang pagkain, puro pakiramdaman ang nangyayari.
"Okay!" binalibag ni Ellah ang tubigan niya sa lamesa "WTF!? Guys!? Mahigit isang linggo na tayong ganto, ganto na lang ba tayo?? Puro pakiramdaman na lang ba??"
"Alam naman nating lahat na may kailangan pag usapan diba?" dagdag ni Ara.
"Ilang beses ko na sinubukan mag initiate pero iniiwasan parin ako" sagot ni Sky sabay tingin sakin.
"Oh! Marunong pa pala kayo mag salita" iritang sabi ni Ellah.
"Kahit hindi naman na pag usapan, alam ko na rin naman na, hindi ko na kailangan ng paliwanag" singit ko sa usapan nila.
BINABASA MO ANG
HUSTISYA
Mystery / ThrillerHindi tumitigil ang mag babarkada sa pag hahanap ng katotohanan upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang kaibigan. Sino ang pumatay? Sino ang ayaw mag salita? Hustisya, makukuha pa ba?