CHAPTER 17

12 1 1
                                    


Sumandal siya sa pisara na para bang nang hihina.

"Gusto kong makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Papa at ng kapatid ko" nakayuko siya at nakatingin sa hawak na baril.

"Anong kinalaman ni Clandestine roon?" humakbang ng isa si Neil papalapit kay Sir.

"Two years ago..." nag simulang tumulo ang mga luha ni Sir. Nakayuko at nakatingin parin siya sa hawak niyang baril.

Nagkatinginan kami ni Sky at lumapit din kami ng kaunti kay Sir.

"Pinatay si Papa at ang kapatid ko sa harap ko" isa isa kaming tinignan ni Sir sa mata. Nakangiti siya ngunit tumutulo ang mga luha.

"Hating gabi nangyari 'yon, pauwi kami. Nag advance celebration kami ng birthday ko sa sementeryo –sa puntod ni Mama. Nung araw ng birthday ko tatlong buwan na rin patay si Mama kaya duon kami pumunta" mabilis na tumutulo ang mga luha ni Sir. Muli siyang yumuko at tinignan ang baril.

"Sa isang eskinita may limang pulis na nag iinuman, mga naka uniporme pa sila..." humigpit at pagkakahawak ni Sir sa baril at kumunot ang noo.

"Nakiusap ng maayos si Papa  na kung pwede makiraan dahil nakaharang sila. Nung una ay tinignan lang kami. Wala kaming ibang pwedeng daanan kundi duon lang kaya nakiusap si Papa ng maayos" huminga siya ng malalim.

"Pangalawang pakiusap ni Papa ay tinutukan na siya ng baril at sinabing nakakabastos siya. Nag tawanan lang sila at yung isa sa kanila pinagdiskitahan pa ang kapatid ko" muli kaming tinignan ni Sir. Kita sa mga mata niya ang galit at lungkot.

Hindi ko namalayan na tumutulo na rin pala ang mga luha ko. May gusto akong sabihin pero hindi ako makapag salita.

"Hinila nila ang kapatid ko at sinabing iwan na lang duon para makaraan na kami. Syempre hindi kami pumayag, sinong ama at kapatid ang papayag duon 'diba? Hinila ko ang kapatid ko pa balik pero na hila rin nila agad at pinosas ako" napahinto si Sir at mas lalong bumilis ang pag tulo ng mga luha niya.

"Binaboy nila ang kapatid ko sa harap ko at sa harap ni Papa. Lumalaban si Papa pero bigla na lang bumagal ang paligid ko nang makita kong bumagsak na siya" nakatulala na si Sir sa hawak na baril pero patuloy parin ang pag tulo ng mga luha.

"Tinulak nila ang kapatid ko kay Papa at walang pag aalinlangan na pinagbabaril silang dalawa. Wala akong magawa kundi umiyak at pag masdan na nawawalan ng buhay ang kapatid at si Papa" pinunasan niya ang kaniyang mga luha at muli kaming tinignan.

"Tinutukan din nila ko ng baril pero may biglang papalapit na wang-wang kaya Mabilis nilang tinanggal ang posas sa kamay ko at tumakbo pa layo. Nilapitan ko si Papa at ang kapatid ko at humihinga pa sila. Tinignan ko ang paligid namin, na kita kong may babae na nakatayo" umayos ng pagkakatayo si Sir.

"Nilapitan ko siya para mang hingi ng tulong pero ang ginawa niya ay tumakbo. Hinila ko siya pero nag pumiglas at na hulog ang envelope na hawak niya, dinampot ko 'yon. Na kita na kami ng mga pulis at na idala na sila hospital kaso...dead on arrival" umupo ulit si Sir sa teacher's table. Napaatras kami ng kaunti ni Sky at si Neil naman ay lumapit ng kaunti.

"Pagka-uwi ko sa bahay, tinignan ko ang laman ng envelope at na kita ko ang mga impormasyon ng babaeng 'yon" na palitan ng galit ang boses ni Sir.

"Si Clandestine" mariin na sabi ni Sir at muli kami tinignan isa isa.

"Habang pinaglalamayan ang kapatid ko at si Papa. Tinatawagan at tine-text ko si Clandestine na tulungan akong tumistigo pero nung magkikita na dapat kami lumipat na sila ng bahay at lumipat na rin siya ng school. Hanggang sa na laman ko na Tatay niya yung isang pulis na pumatay kay Papa at sa kapatid ko" tumawa si Sir ng marahan.

"Naka move on na ko eh pero netong pasukan nag transfer siya rito, bumalik na naman ang lahat sa akin. Wala talaga kong balak patayin siya, ang gusto ko lang tulungan niya kong tumistigo pero ang tanga niya puro mali ang sinasagot sa tanong ko. Hindi ako nakapag timpi, naisaksak ko sa kaniya ang kutsilyo" kung kanina ay makikita sa mata ni Sir ang lungkot at galit ngayon naman ay tila na de-demonyo.

"Mervin, tama si Ara. Nung lumabas ako para habulin ka, pumasok ako sa room na pinag tataguan mo dahil na kita ko sila Mark. Pagkalagpas niyo ni Mark sa room na 'to noon, sinet-up ko na suicide, nag CR ako para mag linis pero pag balik ko nanduon na si Neil" tumayo si Sir at itunutok ang baril kay Neil. Nakatingin samin ni Sky si Sir pero kay Neil nakatutok ang baril.

"Nandito na rin naman tayong lahat, tapusin na natin 'to. Wala na rin namang silbi ang buhay ko, wala na kong pamilya dito" kakalabitin na ni Sir ang gatilyo pero pa takbo kaming lumapit ni Sky.

Napatigil kaming lahat. Nakatikom ang bibig ko pero may tumutulo. Dugo? Bakit may tumutulong dugo? Tinignan ko si Sky, nanlalaki ang mata niya na nakatingin sa'kin, ganoon din si Neil. Tinignan ko si Sir, sa'kin pala nakatutok ang baril. Yumuko ako, nakahawak pala ko sa tiyan ko, ang daming dugo.

Nang hihina ako. Napaluhod ako at na kita kong nilapitan ako ni Neil at Sky. Tumingila ako para tignan si Sir na nakatutok parin ang baril sa'kin.

"N-Na k-kuha m-mo ba ang h-hustisya nung pumatay ka...Kuya?" 

HUSTISYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon