CHAPTER 11

15 1 2
                                    

Break time namin at napagdesisyunan namin ni Ara na puntahan si Sir Michael para mag tanong tungkol sa kanila ni Neil na unang nakakita ng bangkay ni Clandestine.

Nagkataong si Sir lang mag isa sa loob ng faculty kaya pinagbigyan niya kami na sagutin ang tanong namin na kung ano pang nangyari noon.

Agad niya kaming pinaupo sa harap ng kaniyang table.

"Alam kong darating din 'tong araw na 'to na tatanungin niyo 'ko kaya hindi na 'ko na gulat" nagkatingan lang kami ni Ara at hinintay ang susunod na sasabihin ni Sir. Inayos ni Sir ang kaniyang upuan at inilagay ang dalawang kamay sa ibabaw ng table.

"Hindi rin ako ang naniniwalang nag suicide si Clandestine" pa lipat lipat ang tingin ni Sir sa'ming dalawa ni Ara.

Huminga ng malalim si Sir at muli kaming tinignan ni Ara.

"Iniwan ko muna saglit si Clandestine kasi nga tinatawag ako ng kalikasan" tuloy tuloy na sabi niya.

"Papasok pa lang ako ng CR may na rinig na akong pamilyar na boses...'akin ka na lang' o 'akin lang' ang sinabi niya hindi 'ko na matandaan" tinignan ko si Ara at mukhang nakikinig siya ng maigi kay Sir.

"Si Neil ang na kita ko sa CR, nung na kita ko pa siya ay pawis na pawis ang mukha at nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa salamin" pagpapatuloy ni Sir habang nakatingin kay Ara.

Tinignan ko ulit si Ara. Napakaganda niya kahit naka side view. Naririnig kong tuloy tuloy lang ang pag kwento ni Sir pero hindi ko 'to maintindihan dahil na pako ang mga tingin ko kay Ara.

Ang haba ng kaniyang mga pilik mata, kitang kita ang kulay brown niyang mga mata dahil na sisinagan ng araw. Ang tangos ng kaniyang ilong at napakaganda ng labi, hindi na siya nag lalagay ng liptint dahil natural ng mapula ang kaniyang mga labi.

"Shit!" na wala ako sa pagkakatulala ng marinig ko ang reaksyon ni Ara. Tumingin siya sa'kin ng nakakunot ang noo at agad din namang bumalik ang tingin kay Sir. Teka, ano na nga ba yung kwento?

"Salamat po sa napakahalagang impormasyon" nakangiting sabi ni Ara. Tinignan ko silang dalawa na nalilito.

"May posibilidad nga na may kinalaman si Neil sa pagkamatay ni Clandestine" mabilis na sabi ni Ara habang nag lalakad kami pa balik sa klase namin.

Hindi ko maitanong kay Ara kung ano pa yung ibang nangyari dahil baka magalit 'to sa'kin.

"Kelan natin sasabihin sa iba?" pagpapalusot ko para rin marinig ko ulit ang kwento.

"Hindi ko alam, siguro bukas" malamig na sagot niya.

Buong araw akong pa sulyap sulyap kay Ara at ramdam kong hindi siya mapalagay sa na laman niya kay Sir.

Uwian na at halatang hindi parin mapanatag ang loob ni Ara. Ano ba kasi 'yon? Bakit ba hindi ako na kinig?

HUSTISYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon