"Wait!!!" napatayo na rin si Ivory.
"Sabi mo dumaan yung killer kung na saan ako nakatambay? Tama?"
"Oo" tumatangong sagot ko "Kapag lumiko duon..." tumuro ako sa labas "Isa lang naman lalabasan di'ba?"
"Oo, pero wala ni isang dumadaan duon hanggang sa makabalik na si Sky tsaka si Mark" nag mamadaling pagpapaliwanag ni Ivory.
"Na rinig naming may bumagsak, sinilip yon ni Mark at na kita ka niya dinadampot mo raw phone mo. Sinenyasan kami ni Mark na mauna na kasi nga hindi mo pa alam noon yung samin ni Ivory kaya nag tatago kami" dagdag na paliwanag ni Sky.
"Hindi nag basketball si Mark kasi wala siyang dalang extra t-shirt, sinamahan niya lang si Sky" na lipat ang tingin ko kay Ivory.
Sa puntong 'to unti unting na bubuo ang mga tanong ko sa mga nangyari noong araw na 'yon.
"Sinabayan ka ni Mark bumaba para maiiwas samin pero nakatadhana na atang makita mo kami" mahinang sabi ni Sky.
Tinignan ko si Ara, Ellah, at Neil, bakas ang pagkalito sa mga mukha nila.
"Mas okay pala na alam ng lahat ang buong nangyari" nakayuko kong sabi. "Na bibigyan ng linaw ang lahat" dagdag ko sa mahinang boses.
"Paano natin masu-sulosyanan 'to kung mayroon ka palang hindi sinasabi samin?" na ramdaman kong tinignan ako ni Ara.
"Sorry" na hihiya akong iharap ang mukha ko sa kanila.
"Sorry para saan?" kahit kailan talaga bigla bigla na lang sumisingit 'tong si Ellah.
"Pinaghinalaan ko si Sky tsaka si Mark na pumatay kay Clandestine kaya hindi ko kinuwento ng buo yung nangyari"
"Ayos lang malinaw naman na ngayon" tumayo si Sky at tinapik ako sa balikat.
"Hindi niyo ba na iisip yung sinabi ni Mervin?" tinignan kami ni Neil isa isa.
"Ano yun?" pag tatanong ni Ellah habang nag susuklay ng buhok. Parang nakikichismis lang talaga 'to. Hay!
"Na kita ni Mervin na lumiko yung killer papunta kung saan nakatambay si Ivory pero ang sabi ni Ivory walang dumadaan duon. Saan na punta yung killer?"
Lumakas ang ihip ng hangin na nanggagaling sa mga bintana. Nagkatinginan kaming lahat at na tahimik.
Ilang segundo rin kaming nag lilipatan ng tingin sa isa't isa hanggang sa marinig naming bumubukas ang pinto sa likod.
Sabay sabay kaming napatingin sa dahan dahang bumubukas na pinto.
Napaatras si Sky nang may na aninag kaming nag bubukas nito.
Lumakas lalo ang ihip ng hangin dahil tuluyang na buksan ang pinto. Ramdam ko ang pag tabi ni Ellah at Ivory kay Ara. Si Sky at Neil ay nakahanda ang mga kamao. Nanatili akong nakatayo at nag hihintay kung sino ang papasok.
"Hi!" nakangiting bati ni Mark. Puta! kala ko kung sino na. Na ramdaman ko ang pag hinga nang maluwag ng lahat.
"Puta! Mark!" nakahawak sa dibdib si Sky.
"Bakit? Parang nakakita kayo ng mamamatay tao ah!" nag lalakad papalapit samin si Mark habang sinusubo ang hawak na burger.
"Wala, tara na!" pag-aaya ni Sky.
"Tanghaling tapat na tatakot kayo?" mayabang na sabi ni Ellah.
"WOW!" tinignan ni Sky si Ellah mula ulo hanggang paa "Tignan mo nga ikaw, nakatayo parin mga balahibo mo" pang-aasar ni Sky.
Inirapan lang ni Ellah si Sky. Lumabas na kaming lahat ng classroom at nagkasundo na umuwi na lang.
Nag mamadali akong pumasok sa kwarto dahil ang alam ni Mama ay gabi pa ang uwi ko.
Humiga na agad ako sa kama ng may magaan na pakiramdam.
"Gaan na sa pakiramdam dahil na sabi ko na rin sa kanila. Clandestine, wala pala sa tropa natin ang pumatay sa'yo pero aalamin parin namin kung sino 'yon"
Papikit na 'ko para matulog nang bigla kong maalala si Neil.
"Neil??" napaupo ako sa kama.
BINABASA MO ANG
HUSTISYA
Mystery / ThrillerHindi tumitigil ang mag babarkada sa pag hahanap ng katotohanan upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang kaibigan. Sino ang pumatay? Sino ang ayaw mag salita? Hustisya, makukuha pa ba?