CHAPTER 14

18 1 0
                                    

Na sa school na 'ko pero hanggang ngayon iniisip ko parin kung saan ko nga ba na kita yung litrato. Na kita ko na nga ba o guni-guni ko lang.?

"Mervin..." nilingon ko ang tumawag sa'kin.

"Sir?"

"Nakalimutan ko yung result ng exam niyo sa drawer ko, pwede bang makisuyo habang inaayos ko 'tong projector?" tango lang ang sinagot ko at agad na lumabas.

Pagkarating ko sa faculty na abutan ko na naman yung Prof. na nag utos na kumuha ng small envelope.

Bumati ako at dumiretso sa table ni Sir.

"Hijo, pwede bang makisuyo ng small envelope sa pang-apat na drawer ni Sir Michael?" ayan na naman siya.

Tinignan ko lang siya at hindi na nag salita. Pagkakuha ko ng small envelope ang dami na namang papel na nasama pero ngayon may na samang mga picture ata ni Sir 'to noong bata siya.

Mabilis kong inayos isa isa ang lahat at....

"Mervin..." pinasunod pala si Ara.

"Bilisan mo raw sabi ni Sir" lumabas din agad si Ara ng faculty.

"Eto na, saglit lang" tumayo na ko at ibinigay ang small envelope.

"Na kita mo na" nakangiti niyang sabi sa'kin.

Ngumiti na lang din ako at agad na lumabas ng faculty. "Medyo weird"

"Bakit ang tagal mo?" tanong ni Ara habang nag lalakad kami pa balik ng classroom.

"May inutos yung Prof. sa loob"

"Huh? Sinong Prof.?"

"Hindi ko rin kilala pero Prof. siya, babae"

Tinignan ako ni Ara at tinawanan. Hindi ko alam kung bakit niya ko tinawanan, ang alam ko lang ay napakanada niya kapag tumatawa. Hay! Ara.

Hindi ko namalayan ang oras at break time na pala. Nandito kami sa usual spot namin sa cafeteria.

"Mervin!" tinabihan na ako ni Sky habang yung iba ay bumibili pa ng makakain. Tinignan ko lang siya at hinintay makaupo.

"Bakit parang ang tamlay mo ngayon?" tanong ni Sky habang hinahalo ang biniling spaghetti. Dumating na ang iba at umupo na rin. Umupo si Ivory sa tabi ni Sky.

Na sa harap ko si Neil. Katabi niya sa kaliwa si Ellah at katabi niya sa kanan ay si Mark at si Ara.

"Na kita ko na yung Papa ko" matamlay na tugon ko. Nakayuko ako pero ramdam ko na napahinto silang lahat sa pagkain at napatingin sa'kin.

"Omg! We're happy for you" masayang sabi ni Ellah.

"Sa personal mo na kita, pre?" tanong ni Neil habang binubuksan ang tubig.

"Sa picture lang...death anniversary niya kahapon" iniangat ko na ang ulo ko at tinignan sila ng may ngiti sa'king mga labi.

Naibuga ni Neil sa sahig ang ininom na tubig.

"Sorry" nahihiyang sabi ni Ellah.

"Okay lang! At least na kita ko na di'ba" tumawa ako ng bahagya at hinimas ni Sky ang balikat ko. Tumutulo na pala ang mga luha ko. Yumuko ako sa table dahil hindi ko na mapigilan ang pag tulo ng mga luha ko.

Matapos ang buong araw sa school nag kulong lang ako sa kwarto.

Kahit anino ni Papa hindi ko na kita sa labing walong taon na nabubuhay ako. Ang parating sinasabi sa'kin ni Mama ay ang gago ni Papa dahil iniwan kami.

Nagkakilala raw sila may dalawang anak na si Papa, isang lalaki na limang taon gulang at isang babae na dalawang taon gulang. Iniwan si Papa ng unang asawa niya at kami ang naging pamilya niya.

Ang na aalala ko pang kwento ni Mama ay limang buwan pa lang ako noong na laman ni Mama na nagkakaayos ulit si Papa at yung una niyang asawa pero hinayaan lang ni Mama dahil ang sabi naman daw ni Papa ay hindi na siya babalik duon, closure na lang daw 'yon para sa mga anak nila.

Kasama pa namin sa bahay ang unang dalawang anak ni Papa at sa amin parin siya umuuwi hanggang sa pinuntahan kami ng unang asawa ni Papa at kinuha ang dalawa kong kapatid.

Ayaw daw sumama ng dalawa kong kapatid sa Mama nila dahil ayaw na rin sumama ni Papa. Walang ibang na gawa si Papa kundi sumama sa una niyang asawa para sumama rin ang dalawa nilang anak, galit na galit si Mama dahil mas pinili ni Papa na sumama sa kanila.

Na galit din ako noon kay Papa pero ngayong may isip na 'ko na iintindihan ko na ang ginawa ni Papa noon ay para sa mga bata. Hindi naman tumigil sa pag bibigay ng sustento sa akin si Papa kaya nagpapasalamat parin ako.

Two years ago noong nag pupumilit si Papa na makita ako, naririnig ko silang nag uusap sa telepono at gusto ako isama sa birthday celebration ng Kuya ko. Ayaw ni Mama dahil galit parin siya kay Papa.

Sabik na sabik akong makita si Papa pero hindi ko na pala siya makikita kahit kailan. Simula noong natuto akong mag sulat, nag susulat ako para kay Papa tuwing Father's Day –dahil kahit birthday niya ay hindi ko alam at ibibigay ko sa kaniya kapag nag kita kami pero hindi ko na pala maibibigay.

Gusto ko lang naman makasama ang Papa ko kahit saglit lang.

HUSTISYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon