CHAPTER 16

11 1 1
                                    

Na tulala lang kaming lahat sa lalaking ito na nakatayo sa gitna ng classroom.

"Oh! Bakit kayo tumigil?" pamilyar ang boses na iyon.

Nagkatinginan lang kami ni Sky.

"Na saan na ang live suntukan dito?" tumawa siya ng marahan.

"Sino ka?" nag lakas ako ng loob mag tanong.

"Oh!" tumawa ulit siya ng marahan.

Pumunta siya sa harap at umupo sa teacher's table.

"S-Sir M-Michael??" na gulat kami ni Sky nang marinig namin ang sinabi ni Ellah na nasa harap.

Hindi kami sigurado kung si Sir Michael nga dahil hindi namin kita dito sa likod. Labi niya lang ang nasisinagan ng ilaw.

Kung si Sir Michael nga iyon, anong ginagawa niya rito?

"Good Evening, class!" pang asar ang ginawa niyang pag ngisi.

"Hay!" may kinuha siya sa likod niya, nakaipit yata sa pants niya sa likod "Dalawang bala pala ang na gastos ko kay Ara tsk!"

Hindi ako sigurado pero mukhang nilagyan niya ulit ng bala ang baril. Mukhang revolver ang baril dahil may inikot siya sa rito.

"Sino ka?! Bakit mo pinatay ang kapatid ko?!!" pa sigaw na tanong ni Sky habang papalapit sa harap.

"Na huli lang naman niya kong papaakyat dito kanina at dahil matalino ang kapatid mo na laman niya agad na makikinig ako sa kung ano man ang pag uusapan niyo.....kung ano na bang update niyo sa pumatay kay Clandestine" mabilis niyang sagot.

"No choice eh kailangan ko siya patayin, ang kaso ang bilis niya tumakbo, ayan na kita niyo tuloy" dagdag niya pa.

Nilapit ni Sky ang mukha sa lalaki at hinawakan sa kwelyo.

"Sino ka?!" galit ang maririnig sa boses ni Sky. Ngunit wala pang limang segundo ay binitawan niya ito at napaatras.

"S-Sir...."ang tanging na sabi ni Sky.

"Pero bakit?" ramdam sa boses ni Sky ang pag tataka at lungkot.

"Tanga ka ba o tanga ka?" inilapag niya ang baril sa table at tumayo. Lumapit siya kay Sky "Surprise!!! Ako yung pumatay kay Clandestine".

Hindi nag tagal ang mga ngiti niya sa labi dahil mabilis na lumipad ang kamao ni Sky sa mukha niya.

Napaatras siya ng bahagya. Nasisinagan na ng ilaw ang buong mukha niya. Si Sir nga, pero bakit? Bakit niya pinatay si Clandestine?

Pinunasan ni Sir ang dugo sa labi niya.

"Wala man lang ka thrill thrill ang revelation ko sa inyo hay!" tinanggal niya ang salamin sa mata at pinunasan, isinuot niya rin agad ito.

Pagkasuot niya ng salamin ay mabilis siyang kumilos at binawian ng suntok si Sky. Napaupo si Sky sa sahig at mabilis kaming lumapit ni Neil.

Umupo si Sir sa desk ng armchair.

"Simula no'ng unang punta niyo rito inaabangan ko na kayo. Inaabangan ko kung malapit niyo na kong makilala kaso kung sino sino pinagbibintangan niyo" tinignan lang namin siya.

Nilingon niya si Ara na nasa kamay parin ni Ellah at Ivory.

"Wala naman talaga kong balak pumatay pa kaso..." ibinalik niya ang tingin sa amin "Matalino kapatid mo Sky, na laman niya agad"

Lumapit si Sir kay Ellah at Ivory. Hindi namin makita ang ginagawa niya dahil nakatalikod siya sa amin.

Tumayo si Neil at naglakad ng dahan dahan papunta sa table kung na saan ang baril.

Hawak na ni Neil ang baril at itinutok kay Sir.

"Bakit mo pinatay si Clandestine?!"

"Neil....'wag!" tumayo kami ni Sky at lumapit ng kaunti kay Neil.

Lumingon si Sir sa amin at tumayo.

"As expected, may isang kukuha ng baril sa inyo. Umaayon ang lahat sa plano ko" nakakaasar ang tawang ginawa niya. Inilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa magkabilang bulsa.

"Eh! Ikaw, bakit mo pinuntahan si Clandestine noon?" pag babalik ni Sir ng tanong.

"M-May kailangan akong tanungin sa kaniya noon" nanginginig ang kamay ni Neil.

"Alam mo bang pinag bibintangan ka na ng mga tinuturing mong kaibigan?"

"Oo" mariin na sagot ni Neil. Humigpit ang hawak niya sa baril "Kaya nga late ako nakarating nung nakaraan at ngayon dahil nag iimbestiga ko mag isa at para ako mismo ang mag sasabi sa kanila na hindi ako ang pumatay"

Pinalakpakan lang siya ni Sir.

"Pero ano yung itatanong mo kay Clandestine no'n?" pang aasar na tanong ni Sir.

Lumunok si Neil at muling hinigpitan ang hawak sa baril.

"Itatanong ko kung p-p-paano manligaw kay Ellah" yumuko ng bahagya si Neil. Na kita kong napatingin si Ellah kay Neil at nag simulang tumulo ang mga luha.

"Wow!!! HAHAHAHAHA lover boy pala 'to" lumapit si Sir kay Neil at ginulo ang buhok.

Nanatiling nakatutok ang baril kay Sir pero kitang kita na nanginginig ang kamay ni Neil.

"Gusto mo manligaw? Akin na 'yang baril. Kung ako si Ellah hindi ko papayagan manligaw yung taong kakayanin pumatay ng tao"

"Kung ikaw lang din ang papatayin, okay lang!!!" pa sigaw na sabi ni Ellah.

Ngumiti si Sir at dahan dahan inaabot ang baril. Nanginginig at tumatagaktak ang mga pawis ni Neil.

"Neil! 'Wag!!" pag aawat ni Sky. Muling humigpit ang pagkakahawak ni Neil sa baril.

"Neil! Sa akin mo ibigay. Mas mabuting kamay ko ang mabahiran ng dugo kaysa ang mga kamay mo" inilapit ni Sky ang kaniyang kamay, tinignan siya ni Neil.

"Pero...."hindi pa natatapos mag salita si Neil ay na wala na sa kamay niya ang hawak niyang baril.

"Tsk! Tsk! Tsk! Hindi ba kayo nanonood ng pelikula? Napaka pamilyar na ng gantong eksena pero ang tanga niyo parin" sabi ni Sir habang tinitignan ang bala ng baril.

Ikinasa niya ang baril at itinutok sa amin. Na aninag kong pa tayo si Ellah para lusubin si Sir ngunit mabilis na nalipat ang kanang kamay ni Sir sa direksyon nila Ellah at ipinutok ang baril. Tinamaan sa dibdib si Ellah na naging dahilan ng pagkabagsak niya sa sahig.

"Ellaaaaaaah!!!" pa sigaw na tumakbo si Neil kay Ellah.

"Sinabi ko naman na sa inyo na parang eksena lang 'to sa pelikula" nanatiling sa amin ni Sky nakatingin si Sir.

"Sabi mo wala ka ng balak pumatay" umiiyak pero galit ang maririnig sa boses ni Neil.

"Oppps! Sorry! Na kita ko yung anino niya eh" sa amin parin ni Sky nakatingin si Sir.

Wala kaming magawa kundi pag masdan na unti unting na uubusan ng dugo ang kaibigan namin.

"Ellah! Ellah! Ellah! Please lumaban ka!" pilit na ginigising ni Neil si Ellah.

Tanging haplos na lang sa pisngi ni Neil ang na gawa ni Ellah. Umiiyak si Neil ngunit pinilit niyang magpakatatag kaya matapos sa halikan sa noo ay itinabi niya ang katawan ni Ellah sa katawan ni Ara.

"Ivory, pumunta ka duon kay Mark sa likod, iwan mo na si Ara at Ellah" utos ni Sky kay Ivory. Umiiyak na tumakbo si Ivory papunta kay Mark sa likod. Na walan ng malay si Mark dahil sa pa ulit ulit na suntok ni Sky

"Bakit mo pinatay si Clandestine?" mahinahong tanong ko sa kaniya.

Ikinasa muli ni Sir ang baril bago sagutin ang tanong ko. Tinignan niya si Neil na nakatayo na sa likod niya.

"Hustisya" nagkatinginan kami ni Sky sa isinagot ni Sir.

HUSTISYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon