CHAPTER 10

15 2 0
                                    

Pagpasok ko sa classroom agad kong hinila si Ara pa labas.

"Ano 'yon?"

Tinignan ko muna kung sino ang mga taong na sa paligid namin.

"Hindi parin buo ang lahat" pa bulong na sabi ko.

"Huh?"

"Si Neil..." tinignan ko ulit kung sino ang mga na sa paligid dahil baka may makarinig.

"Ang sabi nila isa si Neil sa nakakita ng bangkay ni Clandestine, saan siya galing? Bakit niya pupuntahan si Clandestine ng gano'ng oras? Anong pakay niya kay Clandestine?" tinignan ko nang mariin si Ara.

"So si Neil naman ang pinaghihinalaan ngayon?"

Tinignan ko lang si Ara na mukhang nag iisip ng gagawin.

"Buti naman sinabi mo yan. Sasabihin natin sa iba yan" mabilis niyang sabi.

"Paano kung pagtakpa – " mabilis na pinutol ni Ara ang sasabihin ko.

"Ayoko na maulit yung nakaraan na tayo lang ang nag obserba kay Sky. Anong nangyari? Di'ba na pahiya lang tayo, muntik pa 'kong mapahamak"

Wala na 'kong na sagot. Pagkatapos ng klase agad kaming tinawag ni Ara. As usual pupunta na naman kami sa dati naming classroom para mag-usap. Sakto wala si Neil.

"Anong chika?" agad na tanong ni Ellah pag pasok ng classroom. Kumakain pa ang gaga.

"Si Neil" mariin na sabi ni Ara.

"Anong meron?" na gulat kaming dalawa ni Ara dahil biglang pumasok si Neil, nakalagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa.

"Bakit ang dumi ng uniform mo?" pag-usisa ni Mark.

"Ah! Inutasan ako sa parang bodega" sagot niya habang nag papagpag ng uniform "Pag balik ko kasi wala kayo kaya na isip ko na baka dito kayo pumunta"

"Ano nga ulit ang chika?" pag-uulit ni Ellah ng tanong.

"Wala naman. Gusto ko lang tumambay ulit dito" pagpapalusot ni Ara.

"Ah! Tambay" papalapit si Neil sa'min.

"Oo nga nakakamiss dito" nililibot ni Neil ang classroom.

Hindi nag tagal ay niyaya siyang lumabas ni Sky para bumili ng makakain namin.

Nakaakbay si Sky kay Neil papalabas ng classroom. Nang makalagpas sa pinto ay nilingon kami ni Sky at sumenyas gamit ang mata.

"Oh! Anong meron kay Neil?" pa upo si Mark sa upuan sa harap. Tumabi sa kaniya si Ellah at Ivory, na iwan na naman kami ni Ara na nakatayo sa unahan.

"Ang sabi di'ba si Neil ang isa sa mga unang nakatagpo ng bangkay ni Clandestine..." tinignan ako ni Ara bago magpatuloy.

"Bakit niya pupuntahan si Clandestine ng gano'ng oras? Hindi naman sila masyadong nag uusap kapag magkakasama tayo di'ba?" pagpapatuloy ni Ara habang nililipat ang tingin kila Mark, Ellah at Ivory.

"Gets! Pero ang babaw ng dahilan na 'yan para pag hinalaan si Neil tsaka bakit naman niya papatayin yung kaibigan natin? Hindi rin naman sila nag uusap" mabilis na sagot ni Mark.

"Oo nga, kaya nga susubukan natin tanungin si Sir Michael dahil silang dalawa ang nakakita di'ba?"

Tumango lang si Mark kay Ara. Dumating na si Sky at Neil na may dalang napakaraming sitsirya at soft drinks.

Hindi pa nailalapag ang mga pagkain sa sahig nakakuha na si Ellah ng kakainin niya.

Umupo ang lahat sa sahig para kumain at mag kwentuhan.

"Grabe! Memories bring back, memories bring back you" napakanta si Neil at agad naman kaming nag tawanan.

Nagkatinginan lang kami ni Ara. Nag simulang mag balik tanaw sila Sky. Matapos ang insidente ngayon ko na lang ulit na rinig na nag tawanan kami ng ganito pero kahit na puro tawanan ay may mga oras na hindi ako mapalagay dahil nakaupo kami sa pwesto kung saan na kita kong sinaksak ang kaibigan naming si Clandestine, sa pwesto kung saan nagkalat ang dugo ng kaibigan namin

HUSTISYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon