CHAPTER 3

33 4 2
                                    


MERVIN

Naka tapos na ko ng ilang kanta at napag desisyunan ko na umuwi.

Pagkalabas ko ng classroom huminto ako sa pinto sa likod ng aming classroom para silipin kung nandon pa si Clandestine at sasabay na sana ko umuwi.

Patay na ang mga ilaw, tanging sirang ilaw na lang ang nakabukas. Aalis na sana ko ngunit may naaninag akong nag tanggal ng damit. Nakaluhod at nag tanggal ng damit pang itaas.

"Teka long sleeves yun ah"

Nag tagal ang pagkakatitig ko roon at bigla kong na realize na si Clandestine ang naka higa at may naka patong na lalaki sa kaniya.

Inilibot ko ang mga mata ko sa room at na kita ang bag ni Clandestine.

"Si Clandestine nga" bulong ko sa sarili ko.

Ibinaling ko muna sa iba ang mga mata ko dahil natataranta na ko sa kakaisip kung anong gagawin ko, kung sino yung lalaking 'yon na naka long sleeves at kung paano ko tutulungan ang kaibigan ko.

CLANDESTINE

Nakapatong na siya sakin at tinanggal na niya ang sweater niyang itim.

Naglabas siya ng kutsilyo at plastic na tali galing sa bulsa ng pants niya sa likod at inilagay sa sahig.

"Kay Ivory yang kutsilyo ah, paano na punta sayo yan?" na gawa ko pa talaga mag tanong sa lagay kong 'to.

"Huwag ka na matanong" agad niyang sagot at itinali ang kamay ko sa upuan na sa uluhan ko.

MERVIN

Sinilip ko ulit si Clandestine at nakatali na siya. Umalis ang lalaki sa pagkakapatong at umupo sa sahig.

"SAGOT!!!" malakas na sigaw ng lalaki.

Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila pero halatang may itinatanong ang lalaki kay Clandestine.

"MALI!!" sa pagkakataong 'to ay na galit nang husto ang lalaki at inuntog ang ulo ni Clandestine.

Tumayo ang lalaki at pa balik balik sa pinto sa harap at kay Clandestine habang nakahawak sa buhok.

"SAGOT!! SAGOT!! SAGOT!!" pa ulit ulit na sigaw ng lalaki.

Lumuhod siya sa harap ni Clandestine.

Dinampot niya ang kutsilyo, sa pagkakataon na 'to papasok na sana ko ngunit napatigil ako ng maaninag kong kutsilyo 'yon ni Ivory. Nanatili akong nakatulala, hindi ako makakilos.

"MALI AAAAAAAAAAAAA"

Para kong na bingi sa pangyayari dahil buong pwersa niyang sinaksak sa dibdib si Clandestine.

Pa talikod ang ginawang hakbang ng kanan kong paa ngunit na tapakan ko ang trumpo na kanina kong sinipa. Na out-of-balance ako pero nakahawak ako sa door knob at dahil dito nakagawa ako ng ingay "Tangina mo talaga kanina pa ko muntik mapahamak sayo" tinignan ko ang trumpo at sinipa ko ito ulit.

Bumalik ang tingin ko sa loob ng room at sa pagkakataong 'to nakatingin sakin ang lalaki.

Agad siyang tumayo at walang pag aalinlangan na binunot ang kutsilyo na nakasaksak sa dibdib ni Clandestine.

Kumaripas na ko ng takbo. Dadaan sana ko sa nagdudugtong netong building na 'to at sa building kung na saan si Ivory kanina pero nandon parin siya hanggang ngayon at hindi ko alam kung bakit tumakbo pa balik ang mga paa ko.

Hindi ko na pwede lagpasan ang classroom kung na saan si Clandestine dahil na rinig kong nag bukas na ang pinto kaya pumasok ako sa room kung na saan ako kanina at nag tago.

HUSTISYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon