"Na sabi ko na kay Sky yung tungkol kay Neil" bungad sa'kin ni Ara pagkaupo ko.
"Kelan natin sasabihin sa iba?" hindi ko masabing hindi ko na intindihan yung na i-kwento sa kaniya ni Sir.
"Mamaya pagkatapos ng klase, duon ulit tayo sa dati nating classroom. Bulungan mo si Ellah, ako na kay Mark, si Sky kay Ivory. 'Wag niyo sabihin kay Neil na pupunta tayo" tango lang ang isinagot ko kay Ara. Napaka seryoso ng itsura niya. Ano na bang hindi ko alam?
Buong araw nag hihintay lang akong matapos ang klase dahil hindi ako mapalagay. Kanina pa ako parang kinakabahan. Malalaman na ba namin kung sino ang na sa likod ng pag patay?
Pumatak na ang alas-otso, hinihintay na lang namin mag dismiss ang Prof. Inutusan si Neil ng Prof. namin para dalhin ang mga gamit niya sa faculty. Sinabihan ni Sky si Neil na sumunod na lang at dahil dito kailangan namin mag madali.
Mabilis naming tinungo ang dati naming classroom. Ang sirang ilaw lang sa likod ang pinabukas ni Ara para raw mabilis namin makikita kung paparating na si Neil.
Nakaupo sila Ellah at Ivory. Si Mark ay bumaba para bumili ng makakain. Tatlo kami nila Sky ngayon ang nakatayo sa unahan. Nasa gitna namin ni Sky si Ara.
"Umpisahan na natin kahit wala si Mark" mabilis na sabi ni Ara.
"Okay!" huminga siya ng malalim bago mag simula.
"Ang sabi ni Sir, nakita niya si Neil sa CR no'n at na banggit niyang na iwan niya si Clandestine dito sa classroom" pagmamadaling sabi ni Ara.
"Tapos..." tumingin si Ara sa labas ng classroom at agad din ibinalik ang tingin kila Ellah.
"Pagkabalik ni Sir, na kita niya si Neil, nakaupo sa gilid ni Clandestine, nakatulala. Ilang segundo pa raw ang lumipas bago mawala sa pagkakatulala si Neil" bakas sa itsura nila Ellah ang pagkalito at takot.
"Agad naman daw siyang nilapitan ni Neil at sinabing hindi raw niya alam ang nangyari. Dahil sa gulat wala na rin daw ibang na gawa si Sir kundi tumawag ng mga guard"
"Ara..." mabilis na nalipat ang tingin namin kay Sky na nakayuko.
Iniangat niya ang ulo niya at tinignan ang paligid.
"Na sabi ko na ba sa inyo ang tungkol kay Mark? Pero ngayon ko lang din kasi na alala, hindi ko alam kung na banggit ko na ba" mahinang sabi ni Sky.
"Anong meron kay Mark" agad na tanong ni Ara.
"Noong maglalaro dapat kami ng basketball pero hindi siya nakalaro dahil wala siyang extra t-shirt..." naka tuon lang ang tingin ni Sky kay Ara.
"Buong laro ko wala siya duon. Nagpaalam siyang bibili lang ng pagkain pero bumalik siya halos tapos na laro namin"
Mas lalong na lito na ang lahat. Hindi nag react si Ara ng kung ano man tungkol kay Mark. Kalmado at nag iisip parin ang makikita sa kaniya.
"Ilang oras kayo nag laro?" malamig na tanong ni Ara.
"Halos isa at kalahating oras din" mabilis na sagot ni Sky.
"So... pwedeng magkasabwat si Mark at Neil?" nakatingin lang si Ara kay Sky habang kami naman ay nag hihintay lang ng mga sasabihin nila.
"Si Clandestine tsaka yung killer lang ang nakita ko noon" pag singit ko sa kanila at agad naman nalipat ang tingin nilang lahat sakin.
"Hindi mo naman na saksihan ng buo di'ba?" tanong ni Sky.
"Hindi" mahinang sagot ko.
"Sabihin na nating may kinalaman si Mark at Neil. Yung na kita mo, pwedeng si Neil na lang at bumalik na si Mark kay Sky. Yung na kita mo rin na lumiko papunta sa tinatambayan ni Ivory ay si Neil....pero ang sabi naman ni Ivory walang dumadaan duon" pinagdudugtong dugtong ni Ara ang mga nangyari.
"Teka, sigurado ka bang lumiko siya kung saan nakatambay si Ivory?"
"Oo?" bigla akong napaisip. Saan nga ba lumiko 'yon? Basta ang na kita ko lang ay pakaliwa dahil wala naman daan pakanan.
"Hindi kaya...lumiko siya papasok sa room kung na saan ka nakatago? Ang sabi mo naman lumipat ka sa harap nung marinig mong malapit na siya sa likod na pinto tapos nung sinilip mo siya gamit ang front cam mo na kita mo na lang lumiko" na gulat ako nang sabihin iyon ni Ara.
"Kung kasabwat nga niya si Mark, alam ni Neil na nandoon si Ivory at hindi siya dadaan duon kung sakaling may mangyari mang hindi nila inaasahan" pagpapatuloy ni Ara.
Tinignan ko sila isa isa, bakas sa mga itsura ang pagkalito sa mga sinasabi ni Ara.
"Omg! Guys! Hindi ko gets, ano na ba? Mark tsaka Neil magkasabwat. Bakit naman nila papatayin yung kaibigan natin?" nalilitong pag tatanong ni Ellah. Si Ivory ay nanatiling nakayuko at tila nag iisip.
"Okay! Wait! Ganto. Sabihin nating magkasabwat nga si Neil at Mark. Si Mark kasama ni Sky pero umalis, si Neil na kita sa may CR. Maaaring nag message si Neil kay Mark nung malaman niyang nandito pa si Clandestine sa room at duon nag paalam si Mark kay Sky na bibili lang ng pagkain. Tapos....nung matapos na si Mark sa kung ano mang ginawa niya kay Clandestine iniwan na niya kay Neil at bumalik na siya kay Sky. Yung mga susunod ay yung na kita na ni Mervin...." it makes sense WTF!! Natulala lang kaming lahat kay Ara.
"And duon sa tanong na bakit naman nila papatayin yung kaibagan natin? Maybe hindi nila intensyon patayin, maybe it was something else. Remember? Nung unang araw ni Clandestine nanlilisik ang tingin ni Neil. Siguro lumaban si Clandestine nung may ginagawa si Mark at Neil sa kaniya kaya na uwi sa hindi inaasahang pangyayari" hindi halata sa itsura ni Ara na nalulungkot siya pero halata sa kung paano siya mag salita.
KILLER
"Nice deduction, Ara"
BINABASA MO ANG
HUSTISYA
Mystery / ThrillerHindi tumitigil ang mag babarkada sa pag hahanap ng katotohanan upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang kaibigan. Sino ang pumatay? Sino ang ayaw mag salita? Hustisya, makukuha pa ba?