Walang kumikibo hanggang sa makalabas na kami ng University.
"H-hatid ko lang si Ivory, A-Ara" pag basag ni Sky ng katahimikan. Tango lang ako sinagot ni Ara at umalis na ang dalawa.
Naiwan kaming lima na nagpapakiramdaman.
"Ano 'yon?" pagsisimula ni Mark "Bakit wala kaming alam sa nangyayari?"
Ipinaliwanag ni Ara ang lahat ng napag-usapan namin tungkol sa na kitang kutsilyo sa bag ni Sky at ang pag sasarili sana namin ng pag iimbestiga.
"Sana man lang sinali niyo kami dyan para naman hindi kami nangangapa dito" kalmadong sabi ni Neil.
"Muntik na may mangyari sayo oh!" nag aalalang sabi ni Mark "Wala kaming alam na may kutsilyo na pala sa bag ni Sky, paano kung baril 'yon edi baka naiputok na niya 'yon sayo" dagdag niya sa mahinahong boses.
"Sorry, hindi namin ipinaalam sa inyo" nakayukong sagot ni Ara.
"Na isip kasi namin na mas makakabuti kung kaunti lang ang nakakaalam" dagdag ko.
"Eh! Para naman kaming tanga. Magugulat na lang kami may ganto na palang mangyayari" mabilis na sagot ni Neil.
"Sa susunod na Biyernes pag-usapan natin ng maayos 'to. Huminahon muna kayong lahat" singit ni Ellah.
Sabay sabay kaming tumango at naghiwa-hiwalay na rin ng daan pauwi.
Dumaan ang Sabado at Linggo na walang pag-uusap na naganap sa group chat namin, kahit tanong tungkol sa mga takdang aralin ay wala.
Na sa akin pala ang mga na kuha naming maaaring ebidensya sa pag patay –ang punit na litrato at kutsilyo na kapareho kay Ivory na ginamit sa pag patay kay Clandestine. "Eto nga ba yung ginamit o kapareho lang din?"
Lunes na naman. Ano kayang mangyayari sa araw na 'to?
Matatapos na ang klase namin kay Sir Michael pero wala parin kibuan ang nangyayari, kahit tinginan ay wala.
"Mervin" na wala ako sa pagkatulala nang tawagin ako ni Sir.
"Pwede bang pakikolekto na lang ang papel ng mga kaklase mong hindi pa tapos? Pakilagay na lang din sa table ko" nakangiting pakikisuyo niya sakin "May meeting kasi kami ngayon kaya hindi ko na mahihintay"pa tingin tingin siya sa kaniyang relo na parang sinasabing pumayag na ko dahil kailangan na niya umalis.
"Sige po, Sir" nakangiting sagot ko sa kaniya at agad naman siyang nag madaling umalis "Thank you!" bulong ko sa sarili ko habang tinitignan siya papalayo..
Lumipas ang sampung minuto. Hawak ko na ang lahat ng papel. Magpapasama sana ko kay Sky kaso na alala kong hindi pa pala kami okay.
Matamlay akong nag lalakad papuntang faculty ni Sir na nasa kabilang building pa. Pagkarating ko ay may isang Prof. ang naroon.
"Good morning po, ilalagay ko lang po sa table ni Sir Michael" nakangiting pag bati ko.
Tumango lang siya at itinuro ang table ni Sir. Agad ko naman itong tinungo para makaalis na rin.
"Hijo, pwede bang makisuyo ng small envelope sa pang-apat na drawer ni Sir Michael?"
"Ah! Sige po"
Pagkabukas ko ay bumungad sakin ang napakaraming small envelope at small bondpaper. Hinila ko ang isa at may mga papel na sumama. Napakamalas naman talaga mag liligpit pa 'ko.
"Hijo! Na kita mo?"
"Opo! Maam, wait lang po aayusin ko lang po yung mga papel na nahulog" hindi na ko nakarinig ng sagot.
Iniabot ko na ang small envelope at agad na lumabas. Mawawalan ba ng trabaho 'tong mga Prof. na 'to kapag nag sabi ng 'thank you'? Tsk!
Paakyat na ko sa classroom ngunit nakasalubong ko ang nag mamadaling maglakad na sila Sky. Na huhuling mag lakad si Ara.
"Huwag na natin hintayin mag Biyernes, tara na" malamig na sabi ni Ara habang mabilis na nag lalakad.
"May klase pa tayo..." pag pigil ko sa kanila pero mukhang walang nakarinig kaya sumunod na lang din ako.
"Ano? Sino mag papaliwang sa inyong dalawa?" mabilis na sabi ni Sky habang papasok ng classroom.
"Pwedeng maupo muna tayo? Nakakahingal ah!" sabi ni Ellah habang paupo sa harap na upuan.
"Na aalala mo yung araw na nangyari ang insidente? Pagkauwi mo nang hiram ako ng ballpen, dun ko na kita yung kutsilyong puno ng dugo" mabilis na sagot ni Ara.
"Pwede bang sandali lang? Hinga muna tayo oh! Pwede?" pag singit ulit ni Ellah at tumungga ng tubig.
"Umupo muna kayo" mahinahong utos ni Neil.
Lahat ay nakaupo sa unahan, kaming dalawa ni Ara ay nakatayo sa harap.
"Bakit hindi mo sinabi sakin?" medyo mataas na boses ni Sky.
"Aba! Malay ko ba! Sorry ha? Hindi ko alam anong gagawin ko, nang hiram lang ako ng ballpen tapos ang bubungad sakin kutsilyong duguan" ngayon ko lang na rinig na medyo tumaas ang boses ni Ara.
"Teka, na saan si Mark?" inilibot ni Neil ang tingin sa classroom. Kundi pa tinanong ni Neil 'di ko pa mapapansin na wala si Mark.
"Huwag niyo na intindihin si Mark, na pag usapan na namin 'to nung weekends" mabilis na sagot ni Ara.
"Na kita mo lang may kutsilyo sa bag ko pinaghinalaan mo na agad ako?"
Sasagot pa dapat si Ara pero inunahan ko na.
"Na kita ko si Ivory bago mangyari ang insidente na may kasamang lalaki at may inabot. Hindi ko na kita kung ano yung inabot pero siguro ikaw yung lalaki na yon di'ba?"
"Oo, magkasama kami nung araw na 'yon, yung na kita mong inabot ko ay yung t-shirt niya pang laro ng basketball" nahihiyang sagot ni Ivory.
"Hindi pala buo ang kwinento mo sa'min" ramdam ko ang pagkadismaya sa boses ni Ara "Pero pwede bang i-kwento mo na lahat? Para maayos na!"
Tinignan ko muna sila isa isa sa mata bago mag salita.
Yumuko ako at tinignan ang sahig sa bandang kaliwa namin ni Ara.
"Noong na kita kong sinaksak dito si Clandestine, tumakbo ako, dadaan sana ko kung saan ko na kita si Ivory na may kasama pero nandoon parin siya –mag-isa nga lang kaya bumalik ako. Wala na kong ibang na pagtaguan kundi yung kabilang classroom" iniangat ko ang ulo ko at tumingin ng diretso sa pader.
"Na rinig kong lumabas ng pinto yung killer, rinig ko rin ang bawat hakbang niya. Sinilip ko siya gamit front cam ko pero paa lang na kita ko, nung na kita ko na siya lumiko papunta kung na saan si Ivory umalis na 'ko" tinignan ko sila na nakikinig nang maigi.
"Tapos?" pag uusisa ni Neil.
"Tapos..." tinignan ko si Ara.
"Hindi pa 'ko nakakalagpas sa classroom na 'to biglang sumulpot si Mark sa likod ko" na kita kong nanlaki ang mga mata ni Ara.
"Mark?!?!?!?" napatayo si Neil.
BINABASA MO ANG
HUSTISYA
Mystery / ThrillerHindi tumitigil ang mag babarkada sa pag hahanap ng katotohanan upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang kaibigan. Sino ang pumatay? Sino ang ayaw mag salita? Hustisya, makukuha pa ba?