"Sky..." nakangiting pag-uulit niya. Nakakaaning ka Ara, ano bang plano mo?
"Sorry, hindi na ko nag paalam sayo, puno na kasi yung bag ko kaya dyan ko inilagay sa bag mo yung regalo ko kay Mark" rinig ang pag buntong hininga ng mga nakaupo.
"Gusto mo lang pala i-surprise si Mark bakit kailangan nandito pa kaming lahat?" iritang pag tatanong ni Neil.
"Wala lang hahahaha na pansin ko lang kasi nitong mga nakaraang araw na madalang na tayong nag uusap lahat, gusto ko lang mabuhayan ulit ang barkada tsaka ganto naman tayo kapag may surpise di'ba?" nakangiti si Ara habang tinitignan ang lahat isa isa.
"Akala ko naman kung ano na" napakamot ng ulo si Sky at ibinato ang bag kay Mark.
Hawak na ni Mark ang bag "Para saan? Bakit may pag regalo?" na tatawang tanong niya kay Ara.
Tumingin si Ara kay Mark nang may magandang ngiti "Na isipan ko lang" hindi ko parin lubos mawari ang nangyayari. Gusto niya lang ba talaga surpresahin si Mark? Bakit dito pa?
"Buksan mo na lang" malamig na sagot ni Neil habang nag lalakad pa labas ng classroom.
Binuksan na ni Mark ang bag at inilabas ang maliit na box.
"Daming time para sa surprise, Ara" na sa tabi na pala ni Ara si Ellah, nag aabang din kung ano ang laman ng box.
"Sino may gunting? Hirap tanggalin ng ribbon e"
"Sa bulsa niyan meron....ata" mabilis na sagot ni Sky habang nag uunat.
Nanatiling nakatingin ang lahat kay Mark. Nakangiting hinahanap ni Mark ang gunting sa bulsa ng bag ngunit wala pang isang segundo ay na pawi ang kaniyang mga ngiti at sa puntong 'to mabilis na nag proseso sa utak ko ang sinabi ni Ara na plano niyang hulihin na si Sky at Ivory. Tinignan ko si Ara na nakatingin din kay Mark pero wala na ang mga ngiti.
"Ano? Meron?" mabilis na tumayo si Sky at nag lakad papalapit kay Mark. Sumunod na lumapit si Ivory pero nanatili sa tabi ni Ara.
"Sky..." mahinang pag tawang ni Mark habang nakatingin sa bulsa ng bag.
"Ano? Sensya na walang kwentang bag" mabilis na hinila ni Sky ang bag kay Mark. Kasabay ng pag hila ang pag bagsak sa sahig ng kutsilyo at telang na tuyuan ng dugo.
"Putangina! Saan galing yan?!" mabilis na napaatras si Sky.
"Saan galing yan? Eh! Kay Ivory yan!" pa sigaw na sabi ni Ellah at bahagyang na itulak si Ivory na nasa harap niya.
"Hindi yan sa akin!!" pa sigaw na pag tanggi ni Ivory.
"Kung hindi sayo yan, na saan yung iyo?" kalmadong pag tatanong ni Ara.
Mabilis na hinanap ni Ivory sa kaniyang bag ang tinuturing niyang laruan.
"Eto!" nakaturo ang matalim na parte ng kutsilyo sa mukha ni Ara.
"Hoy! Ano na nangyayari? Nagpapahangin lang ako dito sa labas tapos maririnig ko nag sisigawan na kayo" mabilis na pag singit ni Neil "Ano yan? Ibaba mo nga yan?" sita niya kay Ivory.
"Ara...." mahinang pag tawag ko. Na kita kong kalmado parin si Ara pero bakas sa mukha niya ang pagkadismaya.
"Ara...ano to?" mahinang pag tatanong ko sa kaniya.
"Akala ko kasi-" pinutol ni Sky ang sasabihin ni Ara.
"Plano mo 'to?" galit na pag tatanong ni Sky "Kaya ba tayo nandito dahil dyan?" itinuro ni Sky ang kutsilyo na nasa sahig.
"Oo" mariin na sagot ni Ara.
Dinampot ni Sky ang kutsilyo sa sahig gamit ang kaliwang kamay.
"Eto ba yung surprise?"
"Puta! Ano ba? Parang laruan niyo lang kung hawakan ang kutsilyo ah" nag aalalang sabi ni Neil habang tinitignan si Ivory at Sky.
Dahan dahan lumapit si Sky kay Ara.
"Pinaghihinalaan mo ba kami?" pa bulong niyang tanong kay Ara at ngumisi. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Sky pero parang may kung anong baliw ang sumanib sa kaniya. Baliw na demonyo? Na kakatakot ang itsura niya, nanlalaki ang mga mata, nakikita ang mga ugat sa ulo dahil sa pang-gagalaiti, kapag ngumisi ay akala mo papatayin ka ng wala sa oras.
"Hindi sa pinaghihinalaan ka namin" humarang ako sa harap ni Ara.
"Tumabi ka dyan!" tinulak ako ni Sky papunta kay Neil. Saan galing ang gantong lakas niya? Nagmamadaling lumipat si Ellah sa tabi namin ni Neil kaya na iwang mag-isa si Ara sa harap nila Ivory.
Lumapit naman agad si Mark kay Sky.
"Sky, tama na, hayaan mo muna siyang mag paliwanag" hinawakan ni Mark sa kaliwang balikat si Sky.
Dahan dahan nilingon ni Sky si Mark "Huwag mo kong utusan" malamig na sagot niya at ibinalik ang tingin kay Ara.
Akmang hihilahin ni Mark si Ara pero mabilis na lumipad ang kanang kamao ni Sky sa mukha niya at napaupo agad siya sa sahig.
Agad na nilapitan ni Ellah si Mark para tulungan, si Neil ay sinusubukang kuhain ang kutsilyo sa kamay ni Sky.
"Sky..." niyuyugyog ni Ivory ang kanang balikat ni Sky.
"Ano ba?!" mabilis namang lumipad ang braso niya kay Ivory kaya napaupo ito sa sahig.
Nilapitan ko si Ivory at inalalayan.
"Hoy! Anong nangyayari sa'yo?!" hinarap ni Neil sa kaniya si Sky ngunit na iwan ang mga mata kay Ara.
Pumiglas ng malakas si Sky sa pagkakahawak ni Neil at dahan dahan nilapitan si Ara. Habang papalapit ay umaatras si Ara hanggang sa nakapa na niya ang blackboard.
"Sky!!" pa sigaw na tawag ni Neil.
Inilipat ni Sky sa kanang kamay ang hawak na kutsilyo at idiniin sa blackboard si Ara gamit ang kaliwang kamay.
"Pinaghihinalaan mo 'ko?" nang gagalaiting tanong ni Sky.
"Hindi...a-ako....m-maka....hinga" hawak ng dalawang kamay ni Ara ang kamay ni Sky na nasa leeg niya.
Pa tuloy na hinihila ni Neil si Sky ngunit hindi niya maalis.
Iniangat ni Sky ang kanang kamay at nakaturo sa mukha ni Ara ang matalim na parte ng kutsilyo.
"Putaninga! Sky!" mabilis na lumapit si Mark at sabay nila ni Neil hinila papalayo si Sky.
Nang mahila nila papalayo si Sky mabilis na nilapitan ni Ellah si Ara na nag hahabol ng hininga. Mabilis ding lumipad ang kanang kamao ni Mark sa mukha ni Sky.
Binitawan ni Neil si Sky kaya napaupo ito sa sahig. Dalawang segundo ang lumipas at parang na gising sa pagkakatulog si Sky.
"Anong nangyari?" tinignan ni Sky ang paligid ngunit walang nag sasalita.
Agad na napatayo si Sky at binitawan ang kutsilyong kanina niya pa hawak.
"Anong nangyari?!" pa sigaw niyang tanong.
"Muntik mo na patayin yung kapatid mo, gago!" pa sigaw na sagot ni Mark na nasa tabi ni Ara.
"Ha? Patayin? Wala akong maalala" pag tanggi ni Sky.
"Ivory..." nilapitan ni Sky si Ivory na umiiyak sa balikat ko "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" pag tatanong niya sa malambing na boses.
Humarap si Ivory at agad na niyakap si Sky.
BINABASA MO ANG
HUSTISYA
Mystery / ThrillerHindi tumitigil ang mag babarkada sa pag hahanap ng katotohanan upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang kaibigan. Sino ang pumatay? Sino ang ayaw mag salita? Hustisya, makukuha pa ba?