CHAPTER 6

30 2 1
                                    

ARA

Ang gaan sa pakiramdam ngayon na may na sabihan na ko at may makakasama na kong alamin ang lahat. To be honest hindi ko masyadong kilala ang kambal kong si Sky, close kami pero pag dating sa personal na ginagawa naming dalawa ay wala na kaming pakielamanan, kung hindi ko pa siguro na kitang hinalikan ni Sky sa pisngi noon si Ivory baka hanggang ngayon hindi ko parin alam na sila na.

Kahit naman halatang may problema siya ay hindi niya sinasabi sakin, parating sinasarili ang lahat dahil ang na aalala kong sabi niya noon ayaw niyang nakikita ko siyang mahina. Kambal kami pero na una parin siyang ilabas ng Nanay namin kaya kuya parin ang turing ko sa kaniya.

Ngayong nag senior high lang medyo tumino si Sky, laging napapaaway yan noon, halos araw-araw umuuwing duguan ang mukha kaya galit sa kaniya ang nakakatanda pa naming kapatid. Si Emman, ang nakakatanda pa naming kapatid, ayaw niyang magpatawag ng kuya kaya Emman lang tawag namin. Madalas sila mag away ni Sky dahil sa mga grades niya, gusto lang naman ni Emman na tumino siya sa pag-aaral pero laging na uuwi sa pag aaway ang pag-uusap nila. Matalino si Sky, tamad lang, simula noong naging sila ni Ivory ang laki ng pinagbago niya sa school at sana mag tuloy tuloy 'yon dahil na babawasan na ang pag babangayan nila ni Emman.

Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko na pansin nandito na pala si Sky sa kwarto. Na alala ko bigla ang kutsilyo sa bag niya, basagulero 'tong kapatid ko pero hindi naman siguro masisikmura nito pumatay ng tao.

"Bakit?" na basag ang katahimikan nang mag salita si Sky. Nakatingin pala ko sa kaniya.

"Bakit ngayon ka lang?" tama tanungin ko na lang kung bakit ngayon lang siya, galing pa 'ko kila Mervin pero na una pa kong umuwi.

"Hinatid ko si Ivory" malamig na sagot niya at agad na humiga sa kama. Dalawang bedside table lang ang pagitan ng kama namin.

"Hindi ka ba muna mag papalit ng damit pang bahay?"

Umiling lang siya at tumalikod na. Sinilip ko kung saan nakalagay ang bag niya dahil susubukan kong tignan kung nandoon pa ang kutsilyo.

Na sa may baba lang ng kama niya ang bag, hindi naman niya siguro mararamdaman kapag binuksan ko 'to dahil nakaharap naman siya sa pader. Nag hintay muna ko ng isang oras bago silipin ang bag para makasiguro na tulog na siya

Dahan dahan akong lumapit sa bag ni Sky. Agad akong umupo at yumuko para buksan ito. Pagkabukas ko ng bag, kutsilyong nakabalot agad ang bumungad sakin, inusisa ko pa 'to ng dahan dahan.

"Omg! Kay Ivory ito ah?" bulong ko sa sarili ko.

Iniangat ko ang ulo ko para silipin muna ang natutulog na si Sky dahil kukunan ko 'to ng litrato at ipapakita kay Mervin.

"Putangina!! Sky!!" kumalabog ang dibdib ko at napapikit saglit, halos mahiwalay din ang kaluluwa ko sa katawan ko nang makita kong nakatingin lang si Sky. Nakatagilid siya, nakalagay ang kanan niyang kamay sa ilalim ng unan, ang kaliwa naman niyang kamay ay na sa loob ng kumot, hindi kumukurap ang mga mata at nakapako lang ang tingin nito sakin. "Hindi ko na ramdaman ang pag-ikot niya sa kama, kanina pa kaya siya nakatingin?"

"Anong ginagawa mo dyan?" ang lalim at ang lamig ng boses niya. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil hawak ko ang telang may kutsilyo.

"Ballpen....hiramin ko ballpen mo" wow Ara, congrats hindi ka masyado na utal. Naka-aircon kami pero pinagpapawisan ako.

"Anong ballpen yan?" nakatingin lang talaga siya sakin at 'di kumukurap.

Yumuko ulit ako para itago na ang kutsilyo at mag hanap ng ballpen pero napakamalas walang ballpen hindi ko nga pala na ibalik nung nakaraan dahil sa na kita kong kutsilyo.

"Wala...akong....ballpen" dahan dahan niyang sabi. Agad na nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa lalim at lamig ng kaniyang boses. Babangon na siya at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Mabilis kong isinara ang bag at tumayo na rin "Oo nga wala ko mahanap, sige, thanks" congrats ulit self at mukhang hindi halatang kabado. Hindi na ko nag lakas ng loob na tignan siya ng mata sa mata, bumalik na lang agad ako sa kama.

"Ara..." napatigil ako hindi dahil sa tinawag niya ko kundi dahil ngayon ko lang na ramdaman ang napakalamig na pag tawag niya sa pangalan ko "Cellphone mo" pagpapatuloy niya at agad naman ako nakahinga ng maluwag.

Pagkalingon ko ay naka-upo na siya sa kama at nakapako parin ang tingin sakin. Mabilis kong kinuha ang phone ko, ramdam ko parin na nakatingin siya kaya tumalikod ako at nag talukbong ng kumot.

MERVIN

Nandoon pa sa bag ni Sky ang kutsilyo at sinabi rin ni Ara na kutsilyo iyon ni Ivory. Hindi na rin ako nag dalawang isip na sabihin sa kaniya na kaya ako na pa hinto noong tutulungan ko na si Clandestine ay dahil na aninag kong kutsilyo ni Ivory ang hawak.

May na isip agad na plano si Ara kung paano mahuhuli si Sky at Ivory dahil malakas na ang kutob niya na sa si Sky ang pumatay, damay dito si Ivory dahil sa kaniyang kutsilyo ang ginamit.

Biyernes na ibig sabihin ay pupunta kami sa kwarto kung saan pinatay si Clandestine, sa classroom namin dati. Hindi na 'to pinagamit samin pagkatapos ng insidente, inilipat kami sa ibang building. Si Ara rin ang nag sabing tuwing Biyernes pagkatapos ng klase ay pupunta kami dito para mag usap tungkol sa updates. Ang mga na kuha naming impormasyon –kung meron man simula Lunes hanggang Huwebes ay pag-uusapan namin ng Biyernes sa classroom kung saan pinatay si Clandestine. Alas otso ang tapos ng klase namin, sa mga oras na 'yon ay wala na ang nagagawi sa palapag kung na saan ang dati naming classroom kaya ito na rin ang piniling lugar ni Ara na sinang-ayunan ng lahat.

Sinabihan kami ni Ara na dala-dalawa lang ang pag punta para raw hindi kami mahalata. Sila ni Mark ang na una, sumunod naman si Sky at Ivory. Partner kami Neil pero dahil na realize naming walang partner si Ellah ay pinauna ko na sila.

Pagkarating ko ng classroom na sa harap si Ara, nakasandal sa table, nakahalukipkip at nakayuko. Si Mark ay nakaupo sa unahan sa bandang kanan, nakayuko rin at nagkukuyakoy. Si Sky at Ivory sa bandang gitna ng classroom nakaupo, nakatulala si Sky habang si Ivory ay nakayuko sa desk. Neil at Ellah naman ay na sa bandang kaliwa sa unahan, nakaupo si Neil sa desk at nakatingin sa bintana habang si Ellah naman ay nakatulala.

"Anong nangyari?" pag basag ko sa katahimikan. Agad naman silang napatingin sakin.

Lumapit ako kay Ara at nakasunod silang lahat ng tingin.

"Wala naman, hinihintay ka lang" mahinang sagot ni Ara at umayos ng tayo.

"May nakakuha ba ng ebidensya? May pag-uusapan bang importante?" pagsisimula ni Neil.

"Meron." mariin na sagot ni Ara sabay tingin sakin. Na ramdaman ko ang pag-ayos ng upo nila.

Teka ang ibig niya bang sabihin ay yung kutsilyo sa bag ni Sky? Ito na ba yung sinasabi niyang plano?

"Huh?" mahina kong sensyas sa kaniya.

Umayos ulit ng tindig si Ara at huminga ng malalim.

"Sky..."

HUSTISYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon