CHAPTER 13

12 1 1
                                    

MERVIN

Inilibot ko ang tingin ko sa buong classroom dahil hindi parin ako makapaniwala sa na buo ni Ara. Bigla kong na alala na parang may itinatanong yung killer no'n kay Clandestine. Sasabihin ko na dapat kila Ara nang may bigla akong na kitang mata sa likod na pinto. MAY MATA????

"HUY!!" tinuro ko ang pinto sa likod.

"Gago! Sino yan?!" agad kaming tumakbo ni Sky pa labas ng classroom.

Pagkabukas namin ng pinto sa harap na kita naming na dulas pa ang hinahabol namin. Mabilis kaming tumakbo pero mabilis din siyang nakatayo kaya hindi na namin na abutan. Na kita ko na lang sa sahig ang trumpo. Puta! Nandito pa 'tong trumpo na 'to?

"Tara na! Tara na! Baka maabutan natin sa ground floor" walang pag aalinlangan tumakbo kami nang mabilis pababa.

Pagkababa namin wala kaming ibang na kita kundi ang bilang na estudyanteng papauwi pa lang at mga guard.

"Hinihingal din 'yon, tignan niyo kung sino nag hahabol ng hininga dyan baka siya 'yon" sabi ni Sky habang nililibot ang tingin sa mga estudyante.

"Huy! N-Nandito pala kayo" pamilyar na boses.

"Neil...Saan ka galing bakit hingal na hingal ka?" pag usisa ni Sky at agad naman kaming nagkatinginan.

"Di'ba inutusan ako tas sabi niyo sumunod na lang ako, tinakbo ko mula roon sa faculty ni Sir hanggang duon sa room kaso wala na kayo pag dating ko" pagpapaliwang ni Neil habang nag pupunas ng pawis.

"Huy!" biglang sumulpot si Mark na may dalang isang burger at pawisan. Tinignan lang namin siya.

"Pag balik ko sa taas wala na kayo, buti na lang na kita ko pa kayo dito" kumagat siya sa dala niyang burger.

"Ano na nangyari?" pag iiba ni Neil ng usapan.

"Wala naman, ang tagal niyo eh kaya bumaba na lang kami" pagpapalusot ni Sky.

"Uwi na tayo" malamig na aya ni Ara.

"Tara na!" umakbay si Mark kay Ara at na una silang mag lakad. Nagkatinginan kami ni Sky nang makita naming ika ika maglakad si Mark.

"Mark! Anong nangyari sa'yo bakit ganyan ka mag lakad?" inakbayan ni Sky si Mark. Nasa likod lang nila kami kaya rinig ang pag-uusap nila.

"Ah!" tinignan ni Mark ang tuhod niya "Wala 'to, dahil lang sa basketball 'to"

Nilingon ako ni Sky at nagpatuloy na rin maglakad.

Tahimik ang lahat papalabas ng Univeristy.

Na uuna maglakad sila Ara, Mark at Sky. Nakabantay si Sky kay Ara na katabi ni Mark. Na sa likod nila si Ellah at Ivory, nakahawak si Ivory sa braso ni Ellah at nakayuko. Na sa likod nila kami ni Neil. Wala namang kahinahinala kay Neil.

ARA

Nakauwi na kami ni Sky. Hindi ko parin lubos maunawaan ang mga nangyayari. Kung tama ang na buo namin na may kinalaman si Mark parang hindi ko yata kakayanin. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko.

Wala akong nakikitang dahilan para gumawa si Mark ng gano'n. Hindi perfect ang relationship namin pero alam kong kahit kailan hindi magloloko si Mark, sa kaibigan ko pa. Hindi nga ba talaga o mali lang ako ng akala?

"Huy!" tinabihan ako ni Sky. Tinignan ko lang siya.

"Maaayos din 'to ha! 'Wag ka na malungkot, hindi pa naman tayo sigurado kung may kinalaman talaga sila di'ba?" ang lambing ng boses ni Sky. He's my protector ever since. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya nung nakaraan na muntik niya kong patayin pero mas gugustuhin kong mamatay sa kamay ni Sky dahil buong buhay ko naman siya ang nag tatanggol sa'kin at feeling ko napakapabigat ko sa kaniya.

Ginulo niya ang buhok ko at bumalik na rin siya sa kama niya.

Na kitang kong may message galing kay Mark. Nanikip na naman ang dibdib ko. I want to ask him para sa ikakaluwag ng damdamin ko pero I know it's too risky and selfish. Ayokong madaliin pero habang unti unti naming na bubuo ang lahat pakiramdam ko sasabog ang puso ko lalo na't kasama si Mark. "Hindi mo naman ako lolokohin, di'ba Mark?"

MERVIN

Pagkauwi ko sa bahay na gulat ako nang makita kong umiiyak si Mama. Tinabihan ko siya at tinanong kung bakit.

Hindi ko agad namalayan na tumutulo na rin pala ang mga luha ko dahil ipinakita sa akin ni Mama ang picture ni Papa. Sa buong buhay ko ngayon ko lang na kita si Papa, sobrang galit sa kaniya si Mama dahil iniwan niya kami.

Patay na pala ang Papa ko. Nakatanggap ng text message si Mama na dalawang taon na patay si Papa. Death Anniversary niya ngayon at sa pagkakatanda ko two years ago ito yung araw na gusto akong makita ni Papa pero ayaw ni Mama.

Tinitigan ko lang ang litrato. Unti unti na pawi ang lungkot ko dahil parang na kita ko na 'tong litrato na 'to hindi ko lang matandaan kung saan. "Saan ko nga ba 'to na kita?"

HUSTISYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon