CHAPTER 5

22 2 1
                                    

"'Yang mga pulis na yan kahit kailan 'di talaga naging pantay ang tingin sa mga pinaglilingkuran nila. Kapag mahirap ka ichapwera pero pag mayaman ka kulang na lang lumuhod sa harap mo at halikan mga paa mo" galit na sabi ni Mark.

"So anong gagawin natin? Sasabihin na ba natin sa mga magulang ni Clandestine na murder talaga yun at 'di suicide?" mabilis na tanong ni Neil.

"Hindi, wala pa tayong sapat na ebidensya, kapag sinabi natin yun pwedeng itanggi ng mga pulis yung na rinig ni Ellah at tayo pa ang mapapasama" mahinahong sagot ni Ara.

Kahit sa anong pangyayari talaga napakakalmado ni Ara. Halos natataranta na ang lahat at nalilito pero nananatiling nag iisip at kalmado si Ara sa sitwasyon na 'to. Walang ibang makikitang eskpresyon sa mukha niya kundi ang pagiging seryoso, kalmado at nag iisip. Si Ellah naman ay parang nandito lang para maki-chismis pero halatang takot. Si Ivory kanina pa tahimik, na tutulala at nakayuko. Sila Mark, Neil at Sky halos may iisang ekspresyon, halos sa kanila nang gagaling ang mga tanong at akala mo ay may humahabol sa kanila sa pag mamadaling malaman ang sagot.

"Eh! Anong gagawin natin?" natatarantang tanong ni Sky.

"Basta satin muna 'to hanggang sa makahanap tayo ng ebi—" pinutol ko na ang sasabihin ni Ara.

"Nandon ako nung pinatay si Clandestine"

Sabay sabay silang napatingin sakin. Gulat ang lahat maliban kay Ara na nasa tabi ko, nanlaki ang mga mata ni Ivory na kaninang nakatulala, naiwang nakabukas ang bibig nila Mark, Sky, at Neil. Si Ellah naman ay parang na ginhawaan pero may takot parin.

"Nandon ka pala eh! Bakit hindi mo sinabi agad? Mervin naman!" nakakakunot noo'ng pag tatanong ni Ellah.

"I tried, okay?? Pero 'di ko talaga alam kung paano sasabihin sa inyo" sagot ko habang tinitignan sila isa isa sa mata "Dahil isa rin sa inyo ang pinaghihinalaan ko" kapag sinabi ko kaya 'to may aamin sa kanila?

"Nandon ka edi kilala mo kung sino pumatay?"

"Nandon ka edi na kita ka rin nung killer?? Paano ka nakatakas?"

"Nandon ka pero wala kang ginawa?"

Sunod sunod na pag tatanong nila Mark, Sky, at Neil.

"Ayan! Alam kong ganyan magiging reaksyon niyo kaya 'di ko parin sinabi. Hindi ko kilala kung sino yung pumatay at wala akong idea kung sino. Hindi ko alam kung anong gagawin nung mga oras na 'yon kaya wala akong na gawa at pinagsisisihan ko yun"

"Okay! Tama na, mahirap yun para kay Mervin. Kahit sino naman siguro kapag na lagay sa sitwasyon na 'yon hindi rin alam ang unang gagawin diba?" singit ni Ara.

"Pero pwede mo bang sabihin samin kung anong na saksihan mo? Baka makatulong sa paghahanap natin ng ebidensya" na buhayan ang kaninang nakatulalang si Ivory.

"Naiwan ko yung phone ko sa room diba? Na abutan ko si Clandestine sa room pero wala si Sir dahil nag CR daw. Pagkakuha ko ng phone tumambay muna ko sa katabi nating room, mahigit kalahating oras din siguro akong nakatambay. Naka earphones ako non kaya 'di ko na rinig kung sumigaw man siya. Uuwi na ko pero sumilip muna ko sa likod na pinto ng room natin kasi sasabay na sana ko sa kaniya umuwi at duon ko na kitang sinaksak si Clandestine, susubukan ko sana siyang tulungan pero ang bilis ng pangyayari hindi ko na namalayan na nasa labas na ko ng school" walang pag aalinlangan pero bawas na kwento ko sa kanila.

Hindi ko sinabi na nakita ko si Ivory na may kausap na lalaki nung araw na 'yon at may inabot siya, ang malinaw sakin ngayon ay si Sky yun at hindi ko rin sinabi yung biglang pag sulpot ni Mark sa likod ko. Hindi ko sinabi dahil inoobserbahan ko parin sila at kung iuungkat ba ni Mark na nakita niya pa ko nung araw na yon. Ako ang unang makakaalam kung na sa inyo man ang pumatay. Hindi ko rin ipinakita sa kanila na may na kuha akong punit na litrato malapit sa bangkay ni Clandestine. "Mas mabuti na rin siguro na sa akin na lang muna ang mga impormasyon na 'to kaysa sabihin sa inyo, tsaka ko na sasabihin ang mga 'to kapag na pag dugtong dugtong ko na"

Nag salita pa si Ara pero hindi ko na naintindihan dahil nakatingin lang ako sa bawat ekspresyon na binibigay nila. Matapos mag usap ay nagkasundo kaming walang ibang pag sasabihan hanggang sa sigurado na kami kung sino ang na sa likod ng pag patay at kung bakit niya pinatay ang kaibigan namin.

Lumabas na kami ng cafeteria. Na uunang mag lakad si Ara, na sa likod niya ang magkahawak kamay na si Ellah at Ivory, na sa likod nila ako at na sa likod ko ang tatlo.

Tahimik lang ang lahat habang papalabas ng University.

Nag hihiwa-hiwalay na kami ng daan pauwi pero nag paalam si Ara sa kapatid niyang si Sky at sa boyfriend niyang si Mark na pupunta siya sa bahay namin para gawin ang project sa English. Oo nga pala may project pa kami at pumapasok pa pala kami sa school para mag-aral, ang akala ko ay mag iimbestiga na lang ang gagawin namin.

Nakarating na kami sa bahay at dumiretso sa kwarto.

"Hindi tayo gagawa ng project, okay na yon, tapos ko na yon" agad na sabi ni Ara pagkasarado ko ng pinto.

"Anong gagawin mo dito?" ibinaba ko ang bag ko at tumayo sa harap ng cabinet.

"I have to tell you something..." umupo siya sa kama ko. Tinignan ko lang siya at hinintay ulit mag salita.

"Hindi sa pinaghihinalaan ko ang kambal kong si Sky pero nung nang hiram ako ng ballpen pagkauwi niya galing sa school nung araw na may nangyari kay Clandestine na kita kong may nakabalot na kutsilyo sa bulsa ng bag niya" pag papaliwanag niya sa mahinang boses "Pero hindi ko sigurado kung alam niya yun dahil alam mo naman si Sky hindi nag bubukas ng bag ever"

Tama si Ara pwedeng hindi alam ni Sky yun dahil ni isang beses hindi pa namin nakikitang nag bukas ng bag 'yon, may laman bag niya pero puro hingi ng papel at hiram ng ballpen lang yun, madalas pa ay iniiwan sa locker ang bag. Tumagal pa nga ng isang buwan sa bag niya yung nilagay naming maliit na paso noong grade 11, halos makalimutan na nga rin namin na may nilagay kaming paso kung hindi lang pinaalala ni Neil.

"Kung may nag lagay sa bag ni Sky non ibig sabihin kilala niya si Sky na hindi nag bubukas ng bag" dagdag pa ni Ara.

"Pero sino at bakit si Sky?" bigla akong napahalukipkip.

"Yun ang aalamanin natin. Kanina nung sinabi mong nandoon ka nung nangyari yung insidente hindi na ko nag dalawang isip na sayo sabihin yung na kita ko, mahigit isang linggo ko na rin pinag iisipan kung sino sa inyo ang sasabihan ko"

Nakatingin lang ako sa kaniya. Pareho pala kaming may gustong sabihin sa barkada,

dapat ko bang sabihin sa kaniya ang iba pang nangyari nung araw na 'yon?

"Nandoon pa kaya 'yon sa bag niya?"

"Hindi ko sure kasi 'di ko pa ulit tinitignan bag niya pero madali lang naman tignan bag ni Sky. Susubukan ko ulit."

Umuwi na rin si Ara matapos naming mapagkasunduan na walang ibang makakaalam ng na pag usapan. Hahayaan naming makasama ang barkada sa pag hahanap ng impormasyon at pwedeng ebidensya kasabay ng sarili naming pag iimbestiga. Hindi ko parin sinasabi kay Ara ang iba pang nangyari noong araw ng insidente.

HUSTISYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon