MERVIN
Napakabilis nga naman talaga ng mga araw parang kahapon lang ay iritang irita si Ellah kay Tine pero ngayon close na sila, isang buwan na rin pala ang nakakalipas at naging kasama na namin si Tine. Kalog, mabait, matalino, maganda, talented, sino ba naming ang hindi hahanga sa babaeng 'to? Hanga rin ako sa kaniya pero si Ivory parin ang sinisigaw ng puso ko.
"Uy! Hindi muna ko makakasabay ngayon, may ipapagawa lang si Sir Michael" nagmamadaling paalam ni Clandestine
"Aweeee! Dami ko pa naman chika gurl" sagot ni Ellah habang nag susuklay ng buhok.
"Ako rin 'di muna ko sasabay pa uwi, ayoko pa makita pagmumukha ng kuya ko baka kung ano magawa ko ron, dito muna rin ako sa school, Ara sabihin mo na lang nag basketball ako ah" singit naman ni Sky.
"Pre! Kapag kailangan mo ng backup, nandito ako ah" sagot ni Mark habang nagpapatunog ng daliri
"Hoy!" binatukan ni Ara si Mark "Ano ka? basagulero ka na?"
"Eh tropa ko yung inaaway eh"
"Ako rin hindi muna sasabay" singit ni Neil
"Okay! Bye! Ingat kayo" nagpaalam na si Ellah at bumeso kay Clandestine.
Naglalakad na pa alis sila Ara, Mark, Ellah, Ivory. Nagkatinganan pa uli si Mark at Sky, sumenyas si Sky gamit ang kaniyang mga mata at sinagot din naman ni Mark. Na kita namin ni Clandestine ang senyasan ng dalawa at hindi na lamang pinansin, sumunod na lang ako sa kanila sa paglalakad.
CLANDESTINE
Sad naman dahil kay Sir 'di ako makakasabay umuwi pero 'di ko inaasahan na marami rin palang 'di makakasabay.
"Sky! Neil! Una na ko, pasok na ko sa room, kanina pa nag hihintay si Sir"
"Ay sige sige! Ingat ka pag uwi ah"
"Kayo rin" ngumiti ako nang bahagya at pumasok na sa room.
"Sorry po Sir na tagalan"
"Okay lang, ni-ready ko na 'tong ipapa fill-up ko sa'yo" umupo na ko sa harap at may inabot na papel si Sir "Pakisagutan lang 'to, pupunta lang akong CR"
"Sige po Sir"
ELLAH
Nakababa na kami at na uuna kami maglakad ni Ara, na sa likod namin si Mark at Mervin. Si Ivory ay sinabing hindi muna rin sasabay.
"Ano ba yan hindi tayo sabay sabay ngayon" irita kong sabi dahil nag tatampo ko at hindi kami kumpleto ngayon.
"Okay lang yun minsan lang naman" mahinahong sagot ni Ara.
May nag ring na phone galing sa likod, nilingon namin ni Ara at huminto.
"Sino yan?" tanong ni Ara kay Mark
"Ah!" tumingin sa phone si Mark at binasa ang message
Tara na Mark, takas ka na, gawa ka na palusot
"Kapatid mo nag aaya mag basketball"
"Ngayon na? Dito sa school? Oki ingat kayo pag uwi ha message mo ko"
Ang bilis talaga payagan ni Ara si Mark kapag kapatid niya ang kasama, sabagay wala rin naman silang ibang ginagawa kundi mag basketball.
"YON!! Thank you love" hinalikan ni Mark sa noo si Ara.
Nagpatuloy na kami mag lakad at si Mark ay kumaripas ng takbo.
"SHIT!!" malakas na sabi ni Mervin kaya napalingon agad kami ni Ara.
BINABASA MO ANG
HUSTISYA
Mystery / ThrillerHindi tumitigil ang mag babarkada sa pag hahanap ng katotohanan upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang kaibigan. Sino ang pumatay? Sino ang ayaw mag salita? Hustisya, makukuha pa ba?