CHAPTER 15

16 1 2
                                    

Kinausap ko sila Ara na pupunta kami sa dati naming classroom pagkatapos ng klase pero hindi ito tungkol kay Clandestine, tungkol ito sa Papa ko at napakaimportante nito sa amin.

Na sobrahan sa overtime ang Prof. namin kaya halos alas nueve na tapos ang klase. Pinuntahan pa kami ng guwardiya para sabihin na kami na lang ang klase na nasa school.

Dahil nga gabing gabi na, nag kaniya kaniya na kami ng punta sa dati naming classroom. Na una si Sky at Ivory. Magkasamang pumunta si Neil at Mark. Kaming dalawa ni Ellah ang sabay na pumunta, na iwan si Ara dahil may inutos pa sa kaniya.

Pagkarating namin ni Ellah si Sky at Ivory lang ang na abutan namin.

"Na saan si Neil tsaka Mark?" agad na tanong ni Ellah pagkapasok namin.

"Hindi rin namin alam" malamig na tugon ni Sky.

Sa bandang gitna nakaupo si Sky at Ivory. Nakaupo sa desk si Sky at si Ivory naman ay nakayuko sa desk. Tumabi si Ellah kay Ivory at ako naman ay umupo sa dulo –sa dati kong upuan.

Pinatay ni Sky ang mga ilaw at isinara ang dalawang pinto para hindi kami mapansin ng mga guwardiya dito.

Sampung minuto na rin ang lumipas pagkarating namin ni Ellah ngunit wala parin sila Ara.

"Na saan na sila?" hindi mapakali si Sky.

Lumakas ang ihip ng hangin at bigla akong kinabahan. May nangyari na ba sa kanila? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari sa kanila dahil ako ang nag sabing pumunta kami dito.

Limang minuto pa ang lumipas. May na ririnig kaming tumatakbo, sa sobrang tahimik ng paligid rinig namin kahit malayo pa ito.

Papalapit ang tumatakbo sa amin. Kanina ay tila isang tao lang ang papalapit sa amin ngayon ay may dumagdag na mga yabag. Sino ang hinahabol at sino ang humahabol?

Nakaabang ang mga tingin namin sa pinto sa harap dahil duon malapit ang pinanggagalingan ng mga yabag.

Papalapit na ang isa sa amin pero dito ba talaga ang punta niya?

Bumalibag ang pinto sa harap at bumungad sa amin si Ara na nag hahabol ng hininga.

Agad kaming napatayo at nilapitan ni Sky si Ara.

"Anong nangyari sa'yo? Saan ka galing?" nag aalang tanong ni Sky.

Hinawakan ni Sky sa magkabilang balikat si Ara at tinignan sa mata.

"K-Kilala k-ko na kung sino ang pumatay kay Clandestine" na gulat kaming lahat sa sinabi ni Ara.

"Sino?" mariin na tanong ni Sky.

"Si –"

Biglang bumagal ang paligid at wala akong marinig. Nakakabingi ang katahimikan. Tinignan ko si Ellah at Ivory, pa takbo sila kay Ara, si Sky ay nakaalalay sa unti unting bumabagsak na si Ara.

Nakaluhod na si Sky at yakap niya ang kapatid niyang si Ara. Hindi ko parin marinig ang paligid pero na kikita kong humahagulgol si Sky. Basa sa kaniyang bibig ang pa ulit ulit na pag tawag sa pangalan ni Ara.

Hinawakan ni Ara sa pisngi si Sky at tinignan sa mga mata.

"Kuya...."may ngiti sa kaniyang mga labi at tumutulo ang mga luha. Hindi nag tagal ay na kita kong mas lalong lumakas ang hagulgol ni Sky, mas humigpit din ang yakap niya. Wala na si Ara?

Bumalik ang ingay sa paligid nang bumalibag ang pinto sa likod.

"Ara!!!" pa takbong pumunta si Mark sa humagulgol na si Sky at walang buhay na si Ara.

HUSTISYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon