Simula
Umayos ako ng pagkakaupo at bahagyang nagdekwatro. Mga tilian at sigawan ng mga tao sa paligid ang bumabalot sa tainga ko. Mga kalampagan ng paa na tumatama sa bakal na inuupuan namin at syempre hindi mawawala ang mga hagikgikan ng iilan na babae. Napatingin ako sa ibang babae na nasa baba namin at bahagyang nagkukurutan para bang sobrang kilig na kilig sila sa mga nakikita nila.
Pinagkrus ko ang braso ko bago umayos muli ng pagkakaupo. May mga napapabaling pa sa akin na para bang gusto akong lapitan at kilalanin pero wala silang nagawa kundi ay lagpasan na lang ako dahil ngayon ay hindi ko sila kayang bigyan ng ngiti sa labi. Alam kong salubong ang kilay ko, mahal ngayon ang ngiti ko at ayaw ko naman nangitian sila lalo't alam kong magiging peke lang sa paningin nila.
"Salubong na naman 'yang kilay mo. Ano na namang problema mo sa buhay?" rinig kong tanong ni Magen.
Napangiwi ako ng mapatingin kay Magen na ngayon ay nagngingiting aso. Nakasuot siya ng usual na white t-shirt at tanging khaki short pero kahit na simple lang ang suot niya ay naaagaw pa rin niya ang atensyon ng iilan na kababaihan.
Inis ko siyang tiningnan bago hawiin ang buhok dahilan ng lalong pagngisi niya.
"Pupunta raw si Rapha?" nakataas ang kilay kong tanong.
Sinabi kasi sa akin ni Mint kanina bago mag-start ang game kaya wala akong nagawa kundi ang sumimangot buong nakaupo ako dito. Umiling-iling siya bago nagkibit-balikat kasabay ng pag-upo niya sa tabi ko as usual may nakakalokong ngiti pa rin sa labi. Napahilamos ko ang palad sa mukha. Mabuti na lang kahit paano ay maayos ang suot ko! Nakakainis naman kasi 'tong si Magen ang sarap hampasin!
He shrugged "Hindi niya naman kasi sinabi na pupunta siya. He told me he's not sure! So, stop glaring at me like I'm the one who broke your heart into pieces," ngising sabi niya.
May inabot pa siya sa aking bottled water. Tinitigan ko lang siya ng masama, ngumisi siya at tinaasan ako ng kilay. Winagayway niya pa sa ere ang hawak niya na para bang sinasabi na nangangawit na ang braso niya dahil sa hawak niya kaya agad ko ng tinanggap.
"Kung makapagsabi ka naman ng mga gan'yang salita parang mag-ex kami or may past. One sided love, hello," sarkastikang balik ko.
He patted my head and grinned "Masyado ka pa kasing bata dati kaya gano'n,"
Ngumisi ako bago hawiin ang side bangs ko "Hindi naman porket bata pa ako that time when I developed feeling towards him hindi ibig sabihin no'n na require na s'yang saktan ako," ng paulit-ulit.
Naramdam ko na naman ang pagguhit ng sakit sa dibdib ko na parang isang kidlat na hindi humihinto sa pagguhit sa madilim na kalangitan.
"At least that pain made you stronger. Look at you now! Kung dati lang wala kang pakialam sa itsura mo ngayon may pacolor-color ka na sa mukha," proud niyang sabi.
Tinuro-turo niya pa ang mukha ko na may makeup bago ako ngisian.
Tama siya dahil sa sakit na dinulot niya sa akin natuto akong maging malakas. Natuto akong alagaan ang sarili ko. Natuto akong mas pahalagahan pa kung sino ako.
"Thanks to him," I mouthed. "Anong color color sa mukha. Make up tawag dito. Makeup!" natatawang sabi ko habang tinuturo ang mukha.
Hindi naman ga'nong makapal!
Agad akong tumayo dahil kanina pa ako naghihintay dito. Kung hindi nga lang kapatid ni Magen ang naglalaro sa court kanina baka kanina pa ako umuwi.
"Oh! Where are you going?! Kakain pa tayo sa labas!" he panicked.
Inis kong hinawi ang buhok ko, Tinusok ko pa ng dila ang aking pisnge at iritadong binalingan siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
LET ME IN DARK (COMPLETED)
Romance[COMPLETED] Rights Series 1: Let me in dark She doesn't care if anything else happens in the lives of those around her. If her help is required she will be given. Building herself with no help from others. Not until she met a guy, the guy who would...