Kabanata 26- Meeting

642 24 3
                                    

Meeting

Wearing my usual uniform. Formal white long sleeve and pencil cut. I looked at Rapha. Nakanguso siya habang pinapanood akong inaayos ang buhok niya. Parang nalulunod ako sa titig ng kulay brown niyang mata!

"Dapat gan'to, Guluhin ng kaunti 'yung buhok mo. Mas gumagwapo ka kasi kapag medyo messy hair," sabi ko habang nakangisi.

Matangkad siya kaya bahagya akong nakatingala para magulo ang buhok niya.

"Just mess my hair, it's fine to me," namamaos niyang sabi bago ako hapitin sa baywang.

Ngumuso ako habang pinagpapatuloy ang paggulo sa buhok niya. Mas lalo talaga siyang gumagwapo kapag magulo ang buhok. Unlike others wait--- no offend, pero kasi.. nevermind.

"Baby.. do you love it? Your boyfriend having a messy hair, huh?" may panunuya niyang sabi.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Parang nahihiptismo ako sa titig niya at sa boses niya.

Tumango ako "Yeah.."

"Say it,"

"Huh?" I raised my brows.

"Baby.. say it, that you love it," ngumisi siya at hinigpitan ang pagkakahawak sakin.

Napalunok ako habang tinitingnan siya. Seriously?

"I love it," alanganin kong sabi.

He groaned "You love it?" ulit niya.

Kunot-noo akong tumango, Nakita ko naman ang pag-angat ng labi niya na agad niyang pinigilan. Bahagyang namula ang pisnge niya hindi ko alam kung kinikilig ba siya?!

"Oh.. My baby love it when I have a messy hair huh?"

"Gwapo mo kasi 'pag messy hair.."

Kumunot noo niya "Pa'no kapag hindi magulo?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Kahit naman anong ayos ng buhok mo. Ikaw pa rin ang pinakagwapo sa buong mundo. Tsaka kahit magulo gwapo ka naman na talaga hindi lang sa tingin ko pati sa tingin din ng iba,"

Ngumuso siya "But the most important is your opinion.."

Dumako ang tingin ko sa kwelyo ng suot niyang longsleeve. Walang pag-aalinlangan kong inayos, nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakangisi pa din siya.

"Tagal naman nila..." sabi ko at nilibot ang tingin sa kabuuan ng conference room.

He chuckled "Maaga pa naman and.. baby, don't you like it? We can spend some time," yinakap niya ako.

Humilig ako sa dibdib niya, amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango. Umupo siya sa lamesa habang hapit hapit ang baywang ko.

Inikot niya ako dahilan kung bakit nakatalikod ako sa kaniya.

"Let's stay like this baby.." malambing niyang sabi kasabay ng pagpatong ng baba niya sa balikat ko at paghimas niya sa tyan ko.

I swallowed hard, parang nataranta ang puso ko sa ginawa niya.

"Ang clingy mo talaga!" Natatawang sabi ko.

"Hmmm.."

Napasinghap ako ng tumama ang hininga niya sa leeg ko. Parang binuhusan ako ng isang balde ng kuryente dahilan ng pag-alarma ng buong katawan ko.

Automatiko akong napalayo kay Rapha ng biglang bumukas ang pinto.

As I know, Zelh ang pangalan ng lalaking may mapanlokong ngiti sa labi habang pabalik balik ang tingin sa amin ni Rapha.

LET ME IN DARK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon