Kabanata 2- Respect

1.3K 57 9
                                    

Umayos ako ng pagkakaupo rito sa ilalim ng puno nakakrus pa ang paa ko habang hawak hawak ang libro na kakabili ko lang nung nakaraang linggo. Umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagdaan ng ibang estudyante at pinagbubulungan ako. Isinilid ko sa likuran ng aking tainga ang ibang hibla ng buhok na tumatama sa aking mukha. Miski isa ay walang lumalapit sa akin at gustong makipag-usap. Well, wala naman akong pakialam kung ayaw nila hindi ko sila pipilitin na kausapin ako dahil kung ayaw nila ay bahala sila. May mga kaibigan naman ako katulad ni Mint at Magen.

Ilang buwan pa lang ang nakakalipas simula ng makulong si Tito Seran dahil sa pagnanakaw ng pera sa taong bayan. Wala naman akong dapat na sisihin kung dahil d'on ay lumayo ang loob sa akin ng mga kaklase ko o sino mang nakakakilala pa sa akin. Minsan napapaisip nga ako bakit? Si Tito Seran ang may kasalanan pero bakit parang ako? Basta wala akong ginastos o hininging kahit katiting kay Tito at basta wala akong ginagawang masama ay mamumuhay ako ng payapa.

"Kaela, Mamaya may group meeting tayo?" tanong ng pamilyar na boses.

Agad akong napatigil sa paglipat ng pahina at iniangat ang tingin sa nagsalitang si Reil. I smiled and nodded "Yes, Doon sa bleachers," turo ko sa bleachers. "Hindi ako sure kung anong exact time pero ang sinabi ni Sindy kanina mga around 5 or 6 tayo mag-i-istart pero magtanong ka na rin sa kaniya hindi kasi ako sure," paliwanag ko.

Napakamot siya sa batok at sinulyapan ang binabasa ko. Ang akala ko ay aalis na siya pero umupo pa siya aa tabi ko. "Ano 'yan?" curious niyang tanong.

Inangat ko naman agad ang hawak kong libro at pinakita sa kaniya ang title. "The 1987 Constitution of the Republic of the Philippines," basa ko sa title.

Kunot-noo niya pang pinagmasdan ang librong hawak ko. "Mahilig ka pala sa mga ganiyang libro? May pinsan akong nag-aral ng law at may mga nakatambak na libro na ganiyan do'n sa bahay nila pero alam ko itatapon na 'yon. Gusto mo ba hingin ko ibibigay ko sa'yo?"

Napangiwi naman ako sa sinabi niya. "Hindi na Reil ayos na 'to sa akin 'tsaka ayaw kong tumanggap ng kahit anong bagay na galing sa ibang tao," sagot ko habang nailing-iling.

Isa na kasi sa kinasanayan ko na hindi tumatanggap ng tulong o mga bigay ng ibang tao bukod kay Mama na nagtataguyod sa'min. Ayaw ko kasing darating sa punto na masusumbatan ako at ayaw ko rin magkaroon ng utang na loob sa ibang tao. H'wag ng tumanggap galing sa iba para walang sumbatan. Hindi naman sa sinasabi kong susumbatan niya ako pero hindi pa rin kasi talaga natin alam ang pwedeng mangyari.

"Sure ka? Sayang naman," ngumuso siya.

Sinara ko ang librong binabasa at nakangiting humarap sa kaniya. "Ayos lang talaga, Reil." Nakangiting sabi ko. "Pero salamat," bawi ko.

Bigla naman siyang namula dahil agad ko siyang hinawakan sa balikat niya upang matapik-tapik. Para tuloy siyang napaso sa kamay ko na dumapo sa kamay niya.

"Sana all si Reil!" sigaw ng kung sino kaya natawa akong umiling-iling.

"Napakaangas naman pala ni Reil! Isang malaking sana all!" sigaw naman ng ibang boses.

Nakanguso at kunot-noo akong bumaling kay Reil. "Crush mo ba ako?" walang pag-aalinlangan kong tanong dahil hindi naman ako pinaglihi ni Mama sa anesthesia para hindi maramdaman.

Nanlaki naman agad ang mata niya at tuluyan ng namula ang mukha bago hindi magkandaugagang tumayo. Sa pinakita niyang akto ay alam ko na ang sagot.

"Ah," kumamot siya sa kaniyang batok. "Yes?" hindi siguradong balik niya sa akin.

Natawa naman agad ako "Normal lang 'yan," ngisi ko. "Pero kung iniisip mo na magpapaligaw ako sorry to say pero hindi pa pwede, Reil. Kailangan ko pa magfocus sa studies ko para makapagtapos," paliwanag ko.

LET ME IN DARK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon