Again
Napabalik ako sa aking ulirat ng maramdaman ang malamig na bote na nasa noo ko.
"Ano ba Mint!" Saway ko sa kaniya.
Inis kong hinawakan ang bottled water na nakalapat sa noo ko. Umiling-iling siya habang dahan-dahan na umupo sa aking tabi. Medyo bumukaka pa siya bago ipatong ang siko sa kaniyang hita at tanguan ang ibang nadaan.
Binuksan ko ang binili niyang tubig at tinungga. I don't know if I should be nervous or not. Halo-halo na ang nararamdaman ko na sa sobrang gulo ay hindi ko na mapinpoint.
Lumingon sa akin si Mint at ngumisi "The last time I checked sinabi ko lang sayo na inaya ni kuya si kuya Rapha na magdinner tapos nagkagan'yan ka na,"
I don't know if I should be happy with what he said, but there is a part of me that is already happening. Sa ilang taon na nakalipas, ang bilis ng pagtakbo ng panahon katulad na lang ng pagbilis ng pintig ng puso ko.
"Mint!" Tawag ng kung sino, maybe his coach? "Let's go! Bumaba ka na dito mag-uumpisa na!" Sigaw pa nito.
Parang stress na stress na siya sa mga nangyayari sa buhay niya. Iniwas ko na lang ang tingin dahil buhay niya 'yan.
"Yes coach!" Natatawang tumayo si Mint.
Tinapik niya ako sa ulo bago tumakbo.
Some girls are looking at me na para bang may ninakaw ako sa kanila na ayaw kong ibalik. Umiwas na lang ako ng tingin.
Umayos ako ng pagkakaupo at bahagyang nagdekwatro. Mga tilian at sigawan ng mga tao sa paligid ang bumabalot sa tainga ko. Mga kalampagan ng paa na tumatama sa bakal na inuupuan namin at syempre hindi mawawala ang mga hagikgikan ng iilan na babae. Napatingin ako sa ibang babae na nasa baba namin at bahagyang nagkukurutan para bang sobrang kilig na kilig sila sa mga nakikita nila.
Pinagkrus ko ang braso ko bago umayos muli ng pagkakaupo. May mga napapabaling pa sa akin na para bang gusto akong lapitan at kilalanin pero wala silang nagawa kundi ay lagpasan na lang ako dahil ngayon ay hindi ko sila kayang bigyan ng ngiti sa labi. Alam kong salubong ang kilay ko, mahal ngayon ang ngiti ko at ayaw ko naman nangitian sila lalo't alam kong magiging peke lang sa paningin nila.
"Salubong na naman 'yang kilay mo. Ano na namang problema mo sa buhay?" Rinig kong tanong ni Magen.
Napangiwi ako ng mapatingin kay Magen na ngayon ay nagngingiting aso. Nakasuot siya ng usual na white t-shirt at tanging khaki short pero kahit na simple lang ang suot niya ay naaagaw pa rin niya ang atensyon ng iilan na kababaihan.
Inis ko siyang tiningnan bago hawiin ang buhok dahilan ng lalong pagngisi niya.
"Pupunta daw si Rapha?" nakataas ang kilay kong tanong.
Sinabi kasi sa akin ni Mint kanina bago mag-start ang game kaya wala akong nagawa kundi ang sumimangot buong nakaupo ako dito. Umiling-iling siya bago nagkibit-balikat kasabay ng pag-upo niya sa tabi ko as usual may nakakalokong ngiti pa rin sa labi. Napahilamos ko ang palad sa mukha. Mabuti na lang kahit paano ay maayos ang suot ko! Nakakainis naman kasi 'tong si Magen ang sarap hampasin!
BINABASA MO ANG
LET ME IN DARK (COMPLETED)
Roman d'amour[COMPLETED] Rights Series 1: Let me in dark She doesn't care if anything else happens in the lives of those around her. If her help is required she will be given. Building herself with no help from others. Not until she met a guy, the guy who would...