Dinner
Ilang oras na rin ang nakakalipas simula ng matapos ang lunch namin ni Rapha. Kaya naman ngayon ay pinapanood ko siya na pinapaikot ang hawak na ballpen sa kamay habang tutok sa isang makapal na papel.
Salubong ang kilay niya habang binabasa 'yon. Umayos ako ng pagkakaupo. Mabuti nalang at sliding door ang pinto ng opisina niya at kitang-kita ko ang ginagawa niya.
Bahagya pa siyang napahawak sa labi bago umiling-iling hindi ko tuloy mapigilan ang mamangha sa napakaperpekto niyang mukha.
Sumalumbaba ako habang pinagmamasdan siya. There's something in his face that can hooked a girls heart easily. Para bang kapag napatingin ka sa mukha niya ay mapapasabi ka talaga na 'gusto kona 'tong lalaki na 'to.'
Dahan-dahan niyang hinilot ang kaniyang sentido. Habang salubong parin ang kilay na nakatutok ang paningin sa binabasa.
"Tingin ka naman," mahinang bulong ko.
Alam kong hindi niya maririnig dahil sa distansya namin sa isa't-isa.
Bumuntong hininga ako at umayos ng upo kasabay ng paghawi sa buhok.
Wala naman kasi siyang pinapagawa sa akin kaya wala akong magawa kundi ang tumunganga. Sana pala ay hindi na lang muna ako pumasok kung wala rin namang ginagawa?
Pinalobo ko na lang ang aking pisnge at tinusok-tusok gamit ang dalawang hintuturo. I looks like a idiot here for sure. Ilang minuto ang lumipas na tanging ganun lang ang ginawa ko.
Napagpasyahan ko na lang na matulog. Hindi ko alam kung ilang minuto or oras ako nakatulog naramdaman ko na lang na may bahagyang humihimas sa aking buhok. Dahan-dahan akong umayos ng pagkakaupo, nakapikit pa ang kaliwang mata.
Nag-angat ako ng tingin kay Rapha na nakaupo sa aking lamesa. Automatic na napaayos ako ng upo at ginawaran siya ng ngiti. Ngumiti rin siya sa akin pero 'yung ngiti niya ay mukhang nagpagising rin sa puso ko.
Kumurap-kurap pa ako, Tumaas ang dalawang kilay niya at nginitian ako. Pinanood ko siyang umayos ng pahkakatayo at inilagay sa loob ng magkabilang bulsa ang kamay. Nahagip pa ng aking tingin ang paggalaw ng kaniyang biceps.
Ginawaran ko ng tingin ang suot niya, Nakakulay puti na siya ngayong tshirt na dahil kung bakit nadepina ang magandang hubog ng kaniyang braso at dibdib. Ganun parin ang suot niya slack na kulay itim. Mukhang napahaba siguro ang tulog ko.
Umangat ang kaniyang labi "Let's eat dinner, Masyadong napahaba ang tulog mo," Nakangiting sabi niya.
Napakamot ako sa aking batok "Sorry, Hindi ko namalayan. Sobrang nakakabored naman pala maging secretary mo walang ginagawa," natatawang sabi ko bago kunin ang sling bag. "
He chuckled "Maybe next week.. Magiging busy kana rin like me," Sabi niya habang pinapanood ako sa ginagawa.
Tumayo ako at hinarap siya "Uuwi na ako after ng dinner natin?" curious kong tanong bago maglakad.
He nodded and smiled "Yeah.. Bakit may iba ka pa bang pupuntahan after ng dinner natin?" Tinaasan niya ako ng kilay.
Sa pagtaas niya ng kilay parang mayroon pa siyang hinihintay na isagot ko. Umiling-iling lang ako para ipakita sa kaniya na wala na.
"Just asking, Rapha," simpleng sagot ko.
Tumikhim siya ng makapasok kami sa elevator " Uhm, How about Reil?"
Taka akong tumingin sa kaniya, Nag-iwas siya ng tingin at itinikom ang bibig para bang hindi niya rin inaasahan ang tanong niya.
Tumaas ang kilay ko "Reil? Anong mayroon kay Reil?" Takang tanong ko pero nahihimigan ko rin ang mapanuyang tono ko.
BINABASA MO ANG
LET ME IN DARK (COMPLETED)
Romance[COMPLETED] Rights Series 1: Let me in dark She doesn't care if anything else happens in the lives of those around her. If her help is required she will be given. Building herself with no help from others. Not until she met a guy, the guy who would...