Star
Pinilit ko ang manlaban, Sobrang sakit na ng wrist ko dahil sa taling nakabuhol. Pati sa tyan ay nakatali ako. Gumalaw-galaw ako kahit na alam kong hindi ako makakatakas. Naramdaman ko naman agad ang pagtulo ng luha ko at pagkamanhid ng buong katawan.
May kulay itim na telang nakapiring sa'king mga mata. Hindi mainit ang paligid at mukhang nasa isa akong air conditioned room or what. Napalunok ako ng maramdaman ko na may parang pinto na bumuksa.
Sunod-sunod na ang naging paghinga ko, Pinilit kong pakalmahin ang sarili kahit na nangangatog na ang tuhod ko.
"Nasaan ako?!" Sigaw ko.
Kahit sa pagsigaw ko ay narinig ko ang takot na nararamdaman ko.
Ang huling natandaan ko ay ang nagpaalam ako na magpapowder room lang at heto na ako ngayon. Nakatali... hindi alam kung nasaan... walang kalaban-laban.
Narinig ko ang takong na tumama sa tiles. Sa bawat segundo at palakas ng palakas ang tunog senyales na palapit ng palapit sa'kin.
Walang sumagot sa halip ay pagngiwi lang ang narinig ko. Binalot ng isang katahimikan na nagpabalot rin ng kaba sa dibdib ko.
Hindi ko na napigilan ang paghikbi "Please.. Pakawalan niyo na ako," pagmamakaawa ko.
Naramdaman ko na agad ang pagtulo ng luha ko sa pisnge. Kahit na nakapiring ako ay alam kong nakita nila ang pagluha ko.
Natatakot ako, May gagawin ba silang masama sa'kin? Kung mayro'n bakit? Wala naman akong sinaktan na tao para gawin 'to sa'kin. Kaya bakit? Anong dahilan?
"Iwan niyo po muna kami.." magalang na sabi ng tinig babae.
Kahit na nahihirapan ako ay umayos ako ng pagkakaupo at bumaling kung saan nanggaling ang boses.
"Maam, Mahigpit pong pinag-uutos ni Maam na huwag iiwan 'tong babaeng 'to," sagot ng kung sino.
Nakagat ko ang labi "Please! Pakawalan niyo na ako! Wala naman akong ginawang masama para mangyari 'to!" naiyak kong sabi.
Hindi ko na napigilan ang paghikbi.
"Shut up!" sigaw ng babae. "Iwan niyo muna kami ako na ang bahala na magpakain sa kaniya. Don't worry dahil wala akong balak na pakawalan siya."
Isang katahimikan ang bumalot bago ko marinig ang pagsara ng pinto.
Naalarma naman ako ng maramdaman na parang tinatanggal ang piring na suot ko.
"Please, Pakawalan niyo na ako," pagmamakaawa ko.
Napadilat ako ng matanggal ang piring agad rin akong napapikit ng bahagyang magblur ang paligid. Muli akong dumilat.
A girl in white dress and pink high heel with a curly hair looked at me a awkwardly said.
"Pakawalan niyo ako!" sigaw ko at sinamaan siya ng tingin.
Napatingin siya sa pinto at tinapat ang index finger sa bibig niya senyales na manahimik ako.
"Wala ako gagawing masama sa'yo. I'm against with this plan pero wala akong magawa para mapahinto ang plano dahil inutusan lang ako," mahinang sabi niya bago tumingin muli sa pintuan. "Tutulungan kita pero please po mangako ka na makikinig ka muna sa'kin,"
Umiling ako "Nasaan ba ako?! Bakit n'yo 'to ginagawa?! Sinong nagpakidnap sa'kin?! " Natatarantang tanong ko ant luminga-linga.
Sa bawat paghinga ko ay parang pinipiga ang puso ko.
BINABASA MO ANG
LET ME IN DARK (COMPLETED)
Romance[COMPLETED] Rights Series 1: Let me in dark She doesn't care if anything else happens in the lives of those around her. If her help is required she will be given. Building herself with no help from others. Not until she met a guy, the guy who would...