Deserve
"Ano ba!" Iritadong singhal ko kay Rapha.
Nakatayo siya sa likuran ko habang pinaglalaruan ang buhok ko. Napangiwi siya sa biglaan kong pagsigaw.
Nahihiya akong bumaling kay Ein na nakangisi sa amin. Nakadekwatro siya, Pinakatitigan kami habang nilalapag ang isang folder.
Rapha chuckled "What? Baby.. I'm just touching your hair," malambing niyang sabi.
Nakagat ko ang aking labi, Parang may kumukurot sa puso ko. Paano ko mabibitawan 'tong lalaking 'to? Bahagya akong pumikit para pigilan ang luhang nagbabadya.
Tumikhim si Ein "So.. heto na nga 'yung schedule mo and follow up na lang 'yung appointment ni Sir Jireh," may nilagay pa siyang isang enveloped naman "Naprint ko na dito 'yung iilan na nagpaappoint sa kaniya. Kaya ikaw na bahala mag-ayos. Mayro'n na rin d'yang contact info nila at iinform mo na lang sila kung kailan at anong oras sila nakaappoint," ngumiti siya "Ayan kasi 'yung sa mga magpepresent ng mga furniture nila para magamit dito sa hotel," tumingin siya kay Rapha "H'wag mo masyadong pahirapan baka iwan ka," natatawang sabi niya.
Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi. Kasi kung tatawa ako.. anong karapatan ko?
Nakita kong ngumisi si Rapha "As if hahayaan ko siyang iwan ako. Sige, subukan mo ako, Yves." malamig niyang sabi.
Parang nanlamig rin ang kaloob-looban ko. Umayos ako ng pagkakaupo at kinuha ang mga inabot ni Ein.
"Salamat, Ein. Pwede ba kapag may mga tanong ako ay tanungin kita?" pag-iiba ko.
Ngumiwi siya at bumaling kay Rapha na para bang nanghihingi ng tulong.
"Oh, She have a child. Masyado magiging busy 'yan, Baby." ngumisi si Rapha at pinaglaruan muli ang buhok ko. "If you have a serious question then ask me," sambit niya.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakita ko pa na umangat ang labi niya ng magtama ang paningin namin. He looked at me like he's worshiping me. Hindi tuloy maiwasan na tumibok ng mabilis ang puso ko.
"But.. Don't ask me if i'm serious. Dahil baka kapag ako naman ang nagtanong sa'yo tanging Yes lang ang tanging isasagot mo," mahinahon niyang sabi.
Biglang nagtayuan ang balahibo ko ng unting-unti siyang lumapit sa akin. Naramdaman ko ang hininga niya sa aking tainga. Napapikit ako dahil hindi na ko magkandaugaga.
"Wanna bet?.. Baby.." paos niyang bulong.
Napalunok ako at napatingin ako kay Ein na natatawang umiling-iling. Naramdaman ko naman agad ang pamumula ng aking pisnge.
"Tumigil ka nga!" Inis kong sabi at hinawi ang kamay niya sa aking buhok "Mahiya ka naman kay Ein. Respect, Rapha. Ex mo siya," wala sa wisyo kong sabi.
Rapha chuckled "I know.. pero it's fine to her. Diba Ein?" bumaling siya kay Ein na tumango "Oh diba.."ngisi niya.
Pinaglaruan niya muli ang buhok ko. Naiirita ako dahil halos isang oras kong kinulot tapos paglalaruan niya lang?
"Tigilan mo nga 'yung paglalaro sa buhok ko," saway ko sa kaniya bago umayos ng upo.
Ngumisi siya "Don't worry, Buhok mo lang ang paglalaruan ko hindi 'yung puso mo," malambing niyang sabi.
Nasapo ko na lang ang aking noo. Inis ko siyang tiningnan na ngumuso lang. Kinagat ko ang aking labi.
Sorry, Anica.
"Tumigil ka," iritadong saway ko at binuksan ang enveloped.
"Titigilan lang kita kung sasabihin mong papakasalan mo ako bukas din," seryosong sabi niya.
BINABASA MO ANG
LET ME IN DARK (COMPLETED)
Romance[COMPLETED] Rights Series 1: Let me in dark She doesn't care if anything else happens in the lives of those around her. If her help is required she will be given. Building herself with no help from others. Not until she met a guy, the guy who would...