Accusation
Hindi ko alam pero mayro'ng parte sa'kin na nagiguilty ako. Kasi dahil kay Papa mayro'ng ibang tao ang nawala. I know naman na hindi sinasadya 'yon ni Papa kasi alam ko kung ga'no kami kamahal ni Papa na hindi niya kami gugustuhin na iwan.
Masakait lang talaga sa part namin ni Rapha 'yung nangyari. I loved him, he loved me, pero isa mismo sa pamilya ko ang nagpadurog sa pagkatao niya.
Nasaktan siya.. he take revenge?---oh he tried?
Pero para sa'kin, kung ako ang nasa pwesto ni Rapha or ni Aica.
Kahit kailan REVENGE will never be an answer.
Wrong things will never be solve by another wrong.
I hope some people will realize that,
Always put first the word FORGIVENESS than REVENGE.
THINK first before making a DECISION.
Kahit ga'no ka pa nasaktan.
Pero hindi ko naman masisisi 'yung mga taong nagtetake ng revenge katulad ni Aica or Rapha.
Dahil nasaktan lang rin sila.
Kung may isang bagay ako na hihilingin na hindi matutunan ng tao 'yun ay ang... magtanim ng galit.
Anger can make a person a evil, monster and heartless.
Sa ilang oras na lumipas ay hindi nawawala ang bigat sa dibdib ko. Ni halos hindi ko alam kung papaano ako nakauwi dahil ang alam ko ay sobrang nanghihina ako.
Nakakain ako kahit binabalot ako ng lungkot. Nakita ko pa ang bakas ng pag-aalala at pagtataka ang mukha ni Anica. Pero hindi ko nagawang magpaliwanag sa kaniya dahil hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para magkwento.
"Miss Fernivilla, Can you please contact A.V Furniture to move the time by 10 am tomorrow," seryosong sabi ni Rapha.
As of now we acted professional.
Tumango-tango ako habang pinapanood siyang hindi magawang maiaangat ang tingin sa'kin na pinapasalamat ko naman.
Pakiramdam ko kasi kapag tumingin siya sa'kin gamit ang nakakalunod niyang titig ay pwedeng bumigay ako. Ora.mismo.
"That's all, Sir Jireh?" Tanong ko bago kagatin ang labi.
Napahinto siya sa paglilipat ng pahina na binabasa bago balingan ng tingin ang wallet niya.
"Buy me a coffee.." sabay abot niya ng card. "Black coffee,"
Parang kumirot naman ang puso ko. Nararamdaman ko na rin ang pagpipigil niyang sulyapan ako.
Tumango ako at kinuha ang inabot niya kahit nanginginig na ang kamay ko.
Right now, he really amazed me.
He respect my decision.
Habang naglalakad ako papunta sa cafeteria ay hindi ko maiwasan na mag-isip.
Magiging worth it ba 'tong lahat?
Nilapag ko agad sa harapan ni Rapha ang black coffee at ang card niya. Hindi niya pa rin ako tinatapunan ng tingin.
"Hello? This is Kaela Fernivilla the Diamonds hotel C.E.O's secretary. I want to inform you that Sir Jireh want to settle the time of meeting tomorrow by 10am," sabi ko sa telepono.
Sumang-ayon naman agad ang kausap ko sa kabilang linya.
Bumuntong hininga ako bago umayos ng pagkakaupo. Pasimple ko pa dinudungaw si Rapha. Alam kong binabaling niya ang atensyon sa mga paper works niya.
BINABASA MO ANG
LET ME IN DARK (COMPLETED)
Romance[COMPLETED] Rights Series 1: Let me in dark She doesn't care if anything else happens in the lives of those around her. If her help is required she will be given. Building herself with no help from others. Not until she met a guy, the guy who would...