Kabanata 5- Everything

1.1K 48 5
                                    

Everything

Simula ng iwan ako kanina ni Rapha sa bleachers ay hindi ko na siya nahanap kahit nung vacant at recess ay pagala-gala na ako sa campuss. Kapag pumupunta naman ako sa room nila puro mga walang tao pero nand'on naman 'yung bag nila at bag niya.


Nakauwi akong busangot ang mukha habang may mahabang nguso. Kahit habang nagluluto ako ay nanlalamya ako, Ikaw ba naman ilang oras na hindi makita 'yung nagpapalakas sa'yo hindi ka ba manghihina?


"Anica, Kumain ka muna bago ka umalis," pukaw ko sa atensyon ng kapatid ko.


Napatingin ako sa wall clock na nakadikit sa itaas ng parte ng aming t.v. Binalik ko ang tingin kay Anica na abala sa ginagawa, she glared at me a bit. Na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Napabuntong hininga ako habang nilalapag sa dinning table ang pagkain na hinain ko.


Pinanood ko siyang nagsusuot ng sapatos niyang may tatlong inches ata ang takong. Ewan ko ba sa kapatid kong ito. Bigla bigla na lang mang-iirap t'wing tinatanong ko kung saan siya pupunta. I'm just curious and concerned! Syempre kahit sabihin niya na malapit lang ang pupuntahan niya ay delikado pa rin sa daan mabuti ba kung laging may naghahatid sa kaniya pauwi dito sa bahay!


"Saan ka ba pupunta? H'wag ka masyadong magpagabi sa daan dahil delikado na," paalala ko sa kaniya bago umupo.


Pinasadahan ko ng tingin ang kulay itim niyang tube at denim skirt. Nagpatuloy naman agad siya sa pagsuot ng kulay puting longline blazer. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang tinatanong niya ako ng 'anong tinitingin mo?' Kaya tinaasan ko rin siya ng kilay.


"Saan ka ba pupunta? Anica, Tigilan mo ako sa pagiging maattitude mo ha? Kapag may nangyari sa'yong masama ay kargo ko," Inis kong sabi.


Nagmake face pa siya bago padabog na naglakad palapit sa upuan na nasa tapat ko. Walang sali-salita siyang kumain nakakunot pa ang noo niya. Ako na nga ang concerned, bakit parang galit pa siya?


"Maraming mga bata d'yan sa kalsada na walang makain tapos ikaw na may makakain nakasalubong ang kilay? Oh! come on Anica," Iritado kong sabi bago uminom ng tubig.


"Birthday lang naman ng kaibigan ko kaya aalis ako," pabalang niyang sagot bago ngumuya.


"Ayan sabihin mo kung saan ka pupunta hindi 'yung nakasimangot ka agad. Hindi naman kita pagbabawalan pumunta kung saan basta maging responsible ka lang. Itext mo sa akin yung address at contact number niyang may birthday," nginuso ko ang cellphone na nasa gilid niya.


"Uuwi naman ako, Ate." Iritadong sagot niya.


Umirap ako, Wala naman na akong magagawa kung anong gagawin niya sa buhay basta lagi ko lang pinapaalala na alam niya ang tama at mali. Kasi kapag mas lalo ko siyang paghihigpitan ay mas lalo siyang kakawala.


"Basta alam mo na ang tama at mali. Itext mo sa akin ang address and contact number basta iupdate mo na lang ako kung uuwi ka o hindi para alam ko kung ilalock ko ba ang gate or what,"

LET ME IN DARK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon