Kabanata 14- Truth

975 33 3
                                    

Truth

"Ano ka ba? Bakit pinaalis mo pa 'yung mga 'yun pwede naman na ako na lang 'yung umalis!" Inis kong sambit bago tinuro ang pintuan.

Lumunok siya at pinakatitigan ako "Sila ba 'yung kakausapin ko? Ikaw diba? So why would I keep them here inside if you're the one I wanted to talk?" seryosong tanong niya.

Inis ko siyang binalingan ng tingin, Pakiramdam ko lahat ng dugo sa katawan ko ay umakyat na sa aking ulo. Kahit na ganun ay hindi parin makaiwas sa pagtibok ng mabilis ang puso ko dahil sa mapang-akusa niyang titig.

"Si Reil lang 'yung tumawag," iritadong sabi ko.

Tumango-tango siya "Bakit parang galit na galit ka? I just want to ask you if nagdedate parin ba kayong dalawa," mahinahon niyang sabi pero bakas ang papakirita.

Umirap ako "Sinong hindi magagalit sa ginawa mo? Nakakahiya at 'tsaka ano naman sa'yo kung nagdedate parin kami? As if you care," nag-iwas ako ng tingin.

Tumayo siya at bahagyang umupo sa lamesa at hinarap ako. Nag-angat ako sa kaniya ng tingin sa kaniya. Saglit niyang pinadausdos ang daliri sa kaniyang buhok bago basahin ang labi gamit ang dila.

"Alright... Alright," tumango siya at tipid akong nginitian "I'm sorry," mahinahon niyang sabi.

"Hindi naman kasi kita maintindihan! Parang ang liit liit na bagay pinapalaki mo pa. Sana hindi ka nalang nagpa 15 minutes break dahil sa akin. Nakakahiya sa mga nagpepresent kanina!" Frustated kong sabi, Napatayo ako hinubad ang suit niya. "Oh! Bahala ka d'yan!" Sigaw ko at binato sa kaniya 'yon na agad niyang nasalo.

Padabog akong naglakad palayo, Sa kada hakbang ko ay naglilikha ng ingay dahil sa sobrang pagkairita. Naramdaman ko ang pagkakunot ng noo ko kaya bumuntong hinga ako. Mabilis na gumalaw pataas at pababa ang balikat ko.

"Yves..." malambing na boses niyang tawag sa akin. Napahinto ako sa paglalakad "I'm sorry na," nagsusumamong sabi niya. "Tatawagin ko na sila para sa continuation ng meeting but wear this first," sabi niya bago ipasuot sa akin ang suit niya.

Hindi ako nakagalaw, Para bang 'yung mahinahon niyang boses ay isang balde ng malamig na tubig na binuhos sa akin.

He sighed "Go to my office, for sure nando'n na 'yung pinabili kong damit," nagsusumamo niyang sabi.

Lumingon ako sa kaniya at tumango-tango "Okay..." simpleng sabi ko.

He nodded, nanatiling malamya ang mukha niya habang naglalakad papunta sa pintuan.

"If you need something while waiting. Tawagan mo ako gamit 'yung telephone na nasa office ko," sabi niya nang mabuksan ang pinto. "Nasa lamesa naman 'yung cellphone number ko basta may makikita kang calling card do'n na 'yung nakalagay Rapha Jireh Lejano lang," Nakangiti niyang sabi.

Tumango-tango lang ako habang naglalakad palabas. Nakita ko pa na nakasandal sa pader ang mga kasama namin kanina sa loob na parang nakahinga ng maluwag.

Napaayos sila ng tayo ng makita akong lumabas.

"Guys, Let's continue the meeting.." anunsyo ni Rapha bago bumaling sa akin "H'wag na 'wag kang lalabas sa office ko hangga't wala ako," maawtoridad niyang sabi.

Tamad akong tumango-tango bago tumalikod. Tipid kong nginitian ang isa-isang pumasok na sa loob. Nahihiya akong naglakad, Tatlong pinto ang pagitan nung office ni Rapha at nung kanina na pinasukan namin.

Pinihit ko ang door knob at pumasok. Isang malinis na table kung saan siguro ang pwesto ko ang bumungad sa akin. Nilibot ko pa ang paningin kung nasaan ang paper bag pero wala akong nakita.

LET ME IN DARK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon