Kabanata 6- Far away

1K 41 11
                                    

Far away

Nagdekwatro ako ng upo, Napatayo ako para daluhan ang cellphone na nakapatong sa maliit na lamesang nasa harapan namin dahil agad na nagflash ang picture ni Mama senyales na natawag siya.

Nginitian ko si Rapha bago sagutin ang tawag.

[Kae anak malapit na ang birthday mo next month na 'yon at hindi ko alam kailan ako free para bumili ng regalo para sa iyo ano bang gusto mo?]

Napangiti ako ng marinig ang tanong ni Mama na halos ilang gabi na niya natatanong sa akin ang tanging sagot ko ay bahala na siya kasi i'm not materialistic naman.

"Alright ma, Isesend ko sa iyo 'yung picture," Nakangiting sabi ko bago kagatin ang labi.

She laughed [Sinasabi na nga ba na may gusto kang regalo ayaw mo lang sabihin kung ano dahil nahihiya ka na naman]

Ngumuso ako "Mama naman syempre,"

[Sige, Isend mo na lang don't mind the price. Gotta go my Kae. Bantayan mo si Anica mamaya sa kaniya naman ako tatawag.] and then she hanged up.

Hinawi ko ang buhok ko at tumingin kay Rapha. Nakacrossed arm na siya at nasandal sa sofa. Para bang hinihintay niya ang pag-uusap namin ni Mama. Umupo ako at tumabi sa kaniya.

"Your Mom?" tanong niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. As usual na nanatili pa rin ang seryosong mukha niya.

I nodded "Yes, malapit na kasi birthday ko tinanong anong gusto ko," I smiled.

He sat properly "Kailan?"

Para namang nagbunyi ang puso ko dahil sa tanong niya.

"Next month pa lang naman," I answered.

"Oh, okay," nagkibit balikat siya.

Hindi man lang ba niya tatanungin ano ang exact date?

"Pwedeng papicture?" I bravely asked.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko para ayain siya na magpicture

Tinaasan niya ako ng kilay na para bang nagtataka sa binigkas ko. Tumango-tango siya senyales na payag siya. Umusog pa ako palapit sa kaniya nagtake kami ng ilang picture.

Nanginginig pa nga ang kamay ko kaya hinablot niya sa akin ang cellphone na hawak ko at siya na mismo ang kumuha ng litrato naming dalawa napatingin ako sa kaniya na nakangiti sa camera.

"Remembrance?" He smirked.

Nilahad niya sa akin ang cellphone ko na agad ko namang tinanggap. Nahihiyang akong tumango-tango feeling ko pati mga kalamnan ko ay nanlalambot dahil sa ngiti niya.

"Yes, 'tsaka sabi kasi ni mama isend ko sa kaniya 'yung picture ng gusto ko,"

Wala sa wisyo kong sagot. What the hell?

His lips parted "Then why me? I mean bakit?" inosenteng tanong niya.

"Because you're what I want," matapang kong sagot.

Nanliliit ang maganda niyang mata na tiningnan ako. Bigla tuloy akong nahiya sa sinabi ko. Siya naman talaga ang gusto ko at ipapakita ko kay mama 'yung picture namin. Para atleast aware si mama na may nagugustuhan na ako para hindi na siya magugulat kung isang araw ipakilala ko na si Rapha bilang boyfriend ko. Yeah, The fighting spirit!

Naramdaman ko naman ang pagvibrate ng cellphone ko. Ano na naman kailangan ng mga ito. Nakita kong nagsend sa gc namin ang isa kong kablockmate ng kung anong ppt.

LET ME IN DARK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon