Kabanata 13- Meeting

974 44 3
                                    

Meeting

"Yeah.. Kahit anong damit pangbabae. Make it faster Sele if you don't want me to be imprisoned," seryosong sabi niya sa kausap sa cellphone.

Binasa ko ang labi at inangat ang tingin sa kaniya. Salubong parin ang kaniyang kilay.

"Thanks, Dito ka namin hintayin sa lobby," sabi niya pa bago tuluyan na patayin ang tawag.

May iilan na napapatingin sa amin. Mukhang nawiweirduhan sa aming dalawa. Nakasuot parin sa akin ang kulay itim niyang suit kaso... pabaliktad, ang dapat na sa harapan ay nasa likuran at ang dapat na nasa likuran ay nasa aking harapan feeling ko tuloy nasasakal ako.

Ngumuso ako "Rapha, Nasasakal na ako 'wag mo masyadong higpitan ang pagkakahawak d'yan sa likuran," Reklamo ko.

Tinaasan niya ako ng kilay bago tumango-tango at bahagyang niluwagan ang pagkakahawak sa suit niya para hindi makita ang likuran ko.

Nasa gilid ko siya kaya amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango na kumapit sa kaniyang damit.

"Bakit ba kasi gan'yan ang suot mo? Seriously? Papasok ka dito ng nakabra lang?" Iritadong tanong niya.

Salubong parin ang kilay niya habang binabalik sa bulsa ang cellphone niya. Hinarap niya ako dahilan ng pagkabog na naman ng nagwawala kong dibdib at puso.

"Bralette 'to hindi Bra 'tsaka para lang naman 'tong croptop na fitted," katwiran ko.

Naningkit ang mata niya "BRAlette still a damn bra, Yves." Iritadong sabi niya.

May napalingon pa sa amin dahil sa medyo malakas niyang pagkakasabi no'n. Pinadausdos niya pa ang daliri sa buhok dahil sa sobrang pagkairita.

"Bakit ka ba kasi nakagan'yan?" may bakas parin na iritasyon sa boses niya. "Do you want to sit?" Tanong niya at tinuro ang single couch na nasa gilid niya.

Umiling ako "H'wag na,"

Tumikhim siya "Bakit parang galit ka pa?"

"Hindi ako galit. May nambastos kasi kay Anica dito kanina kaya 'yung na suot kong blouse ay pinasuot ko sa kaniya dahil sira-sira 'yung suot niyang damit," paliwanag ko.

His lips parted, parang pinoproseso pa ang sinabi ko "What?"

Umirap ako sa kawalan "Dito kanina may nambastos kay Anica," ngumuso ako at nagbaba ng tingin.

"Are you sure? Baka nagdadahilan ka lang para hindi ko mapagalitan,"

Sinamaan ko siya ng tingin bago umirap sa kawalan.

"Alright, Naniniwala na ako 'wag kana umirap sa akin," seryosong sabi niya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at hinarap sa kaniya. "Does Anica alright?" tumango ako "How about you?"nag-aalalang tanong niya.

Tumango ulit ako "Pinauwi ko na, Pinasabi ko narin na padalhan ako ng damit kay Mint o Magen,"

Tumikhim siya "Pinabilhan na kita ng damit sa kakilala ko,"

"Kay Sele?" tanong ko.

'Yun kasi ang pangalan na binigkas niya kanina.

Tumango siya at ngumiti "Yup.. Do you know her?"

"Her?" kunot-noo na tanong ko.

"Hmmm.. Her," natatawang sabi niya bago lumapit pa sa akin.

I swallowed hard "Her? As in girl?" balik ko.

Sele... Para kasing panlalaki. Sele parang for sele.

LET ME IN DARK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon