Home
"Oh! Ano ba 'yan Kuya Rapha! Mahina ka! Dapat hindi mo na inuwi 'yang ate ko. Hindi naman papalag 'yan kung ibabahay mo na 'yan," Natatawang sabi ni Anica habang kinukuha ang pagkain na dala namin.
Agad ko siyang binatukan kaya napatingin siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at umirap naman agad siya at nginitian si Rapha na todo ang ngisi habang hawak-hawak ako sa baywang.
Rapha chuckled "Next time," natatawang sabi niya, Tiningnan niya ako "Right, Baby?hmm.."
Agad naman nag-init ang paligid lalo na ng marinig ko ang impit na tili ni Anica at bahagya pang tumalon-talon at tinuro ang namumula kong mukha.
Lolokohin ko lang ang sarili ko kung sasabihin ko na hindi ako namumula!
"Nako!Nako! Kilig na kilig si ate o! Nako!" natatawang tukso niya bago bumaling kay Rapha "Kayo na?" Tinuro niya pa ako "Kuya Rapha, Kayo na nitong ate ko?"
Nag-angat ako ng tingin kay Rapha na mas lalong hinapit ang baywang ko at ipinatong ang baba sa aking balikat. Pakiramdam ko bumaliktad 'yung pwesto ng puso ko dahil sa sobrang lapit niya. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga dahil sa menthol na kinain niya kanina.
Napatingin ako sa maganda niyang mata, sa paraan ng tingin ay nanayo ang balahibo ko.
Nag-iwas ako ng tingin "Hindi pa kami.." halos pabulong kong sabi.
Narinig ko ang pagsinghap ni Rapha kaya napatingin ako sa kaniya. Umayos siya ng pagkakatayo at ngumisi.
Rapha groaned "Baby, You like me.. I like you so much then why not?" Malambing niyang sabi.
"Nako! Ate, Kayo na! Kunwari ka pa. Pahard to get lang? Crush na crush mo 'yan dati hanggang ngayon diba? Oh edi kayo na! 'wag mo na patagalin. Do'n rin naman 'yung tuloy no'n. H'wag na kels magpakipot! Maagaw 'yan sige ka!" natatarantang sabi ni Anica.
Inayos niya pa ang paglalagay ng pagkain sa lamesa at sinamaan ako ng tingin.
"Hay nako, Ate! Kapag talaga naagaw ng ibang babae 'yan si Kuya Rapha sa'yo swear! Hindi kita kakausap sa buong life ko," dagdag niya pa.
Nagulat pa ako sa sinabi niya, Seriously?! Si Anica ba talaga siya? 'yung kapatid ko?
"Maybe she already like someone," may bakas ng panunuya na sabi ni Rapha "Kilala mo 'yung Reil?" tanong niya kay Anica.
Napasinghap naman si Anica at tumango-tango "Oo naman! Dati lagi 'yon nandito. Kuya Rapha alam mo ba may something do'n kay Kuya Reil," umupo siya sa upuan at nagsimula na kumain. "The way he looked at Ate! Nako, alam na alam ko na 'yon. Pakiramdam ko talaga may gusto 'yon kay Ate," sumbong niya pa.
Napapikit ako "Anica," nagtitimping sabi ko "Stop, Magkaibigan lang kami ni Reil there's no something between us!" Inis kong sabi.
Napatingin ako kay Rapha na mas hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Sa paraan ng paghawak niya ay para akong isang ibon na kapag hinayaan niya ay makakawala at hindi na babalik pa sa kaniya.
Umirap si Anica "Maybe kaibigan turing mo sa kaniya pero turing niya sa'yo higit pa sa pagkakaibigan! Palibhasa babad ka sa pag-aaral at kung ano-ano pa. Try mo manood o dikaya'y magbasa ng mga love stories!" iritadong sabi niya.
"It's fine,"natatawang sabi ni Rapha at dinala ako para makaupo sa tapat ni Anica. "Basta girlfriend ko na 'tong Ate mo. It's her choice if she gonna accept me as boyfriend or what," preskong sabi niya at tumabi sa inuupuan ko.
BINABASA MO ANG
LET ME IN DARK (COMPLETED)
Romance[COMPLETED] Rights Series 1: Let me in dark She doesn't care if anything else happens in the lives of those around her. If her help is required she will be given. Building herself with no help from others. Not until she met a guy, the guy who would...