Kabanata 33- Presentation

726 23 6
                                    

Pronouncation:

Rapha Jireh Lejano - Rapha Jayre Lehano
Kaela Yves Fernivilla - Keyla Ives Fernivilya
Anica Luise Fernivilla - Anica Luwis Fernivilya
Reil- Reyl
Magen- Magen Hahahahha jojowain 'to.

Oh 'yan na Sweetie_baby9 'wag kana magalit sa vm mo.

---

Presentation

"Conference room.." Maawtoridad niyang sabi bago tumayo.

Napatulala pa ako sa kaniya habang pinagmamasdan siyang kinagat ang ibabang labi at nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa.

Habang pinapanood siyang lumabas ay parang huminto ang paghinga ko. Kahit na paglunok ko ay hirap ako.

Napakurap-kurap pa ako bago tumayo. Ipinilig ko pa ang ulo ko habang pinagmamasdan ang malapad niyang likuran na pumasok sa pinto kung saan ang conference room.

"Good morning, Sir Jireh," sabay-sabay nilang bati kay Rapha.

Nakagat ko ang labi ko habang nag-iiwas ng tingin sa mga tao na nginingitian ako. Hindi ko kaya silang tingnan.

Nagbaba ako ng tingin kay Rapha na nakahalukipkip at prenteng nakaupo sa swivel chair na nakalaan sa kaniya. Pinadausdos niya pa ng bahagya ang palad sa kaniyang buhok bago basain ang labi gamit ang dila. Pwede bang ako na lang magbasa?

"Let's start," maawtoridad na sabi niya kina Zelh.

Napatikhim ako habang pinapanood at pinapakinggan ang sinabi ni Zelh. Halos ilang minuto rin ang tinagal niya sa kakasalita. Halos hindi ako makapagconcentrate dahil kakaiba ang kinikilos ni Rapha. Para bang kinakabahan siya hindi ko tuloy maiwasan na kabahan din.

Hinawi ko ang buhok ko bago magpakawala ng mahinang pagbuntong-hininga.

"You can rely on our works," Sambit ng furniture designer ng Hope Furnitures.

He's wearing a usual formal attire. Mayro'n rin siyang kaunting bigote. Hawak-hawak niya ang isang folder habang sinesenyas ang projector kung nasaan kita ang mga furnitures na design niya.

Hindi tinanggap ni Rapha ang mga projects galing sa A.V Furniture. Nung una pa nga daw ay hindi pumayag sila Aica dahil ang rason daw kung bakit hindi inaapprove ni Rapha ay dahil sa issue namin. Pero wala rin silang nagawa dahil Rapha said "Hindi mo kayang patunguhan ang babaeng gusto kong patunguhan mo. How else for the others? "

Kahit ano pang gawin ni Aica na pagmamakaawa. Rapha ignore the deal. Ang sabi ng iba maganda ang quality nung mga furnitures sa A.V kaysa sa Hope Furnitures but I think.. mas maganda kung parehas na maganda ang ugali at gawa ng mga empleyado.

"Hindi ba masyadong simple 'yung design?" nakataas ang kilay na tanong ni Zelh.

Agad kong tinitigan si Zelh. Nakasalumbaba lang siya habang ang paningin ay nasa projector para bang sinusuri niya bawat detalye nung design.

"Simple but elegance..." bulong ko dahilan ng paglingon nilang lahat sa'kin.

Nagtaas ako ng kilay ng mapalingon sa'kin si Rapha. Nakita ko pa na tumaas ang gilid ng kaniyang labi. Totoo namna kasi! Simple lang 'yung design ng mga sofas 'tsaka mga side tables pero elegance!

"I agreed with the designs. Meeting adjourned," anunsyo ni Rapha.

Narinig ko naman ang hagikgikan ng ibang kasama nung furniture designer ng Hope Furniture para bang sobra talaga nilang ginugol ang oras para maclose ang deal.

LET ME IN DARK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon