SIMULA"Mas maganda siguro kung sabay-sabay na tayong lumabas para makapaghanda sa party mamaya right? AC, what do you think?" nandito kami sa isang Cafe malapit sa school na pinag-enrollan namin ngayong taon. Tumitig ako sa kawalan habang nag-uusap usap ang mga kaibigan ko para sa gaganaping party mamaya tss ano namang mapapala ko dun? Tsk
Napapitlag ako nang biglang tapikin ni Adley ang balikat ko "AC, are you listening?kanina pa ako nagsasalita pero hangin lang naman pala ang nage-effort makinig sa 'kin" umirap ako at bumaling sa kanya "I'm not interested about that party siguro kayo nalang muna" at muling bumaling sa kawalan, totoo naman hindi ako interasado I'm not that kind of person na party goer hmmm minsan lang.
"Ano ka ba naman AC, it's like celebrating it and we've just graduated from high school you're so Kj" sabi ng isa kong kaibigan na si Farah.
"Oo nga naman, wag ka na magpapilit balita ko pupunta do'n sila Carter kasama yung mga kaibigan nya." sabi ni Adley sabay ngisi at kindat sa akin. Ang tinutukoy n'ya ay iyong crush n'ya noong high-school na basketball player."Hoy, ikaw Adley hanggang ngayon ba naman ba ay Carter ka pa din ng Carter mygod! Hindi mo ba alam yung kasabihang 'basta 6-footer, cheater'. " sabi ko at humagalpak sa tawa dahil sa itsura n'yang pikon.
Pagkatapos ng asaran ay napagpasyahan na naming umuwi and guess what? No choice ako kaya mapipilitan akong sumama mamaya tss, pano ba naman si Adley ay pinagbantaan akong hindi nya ibabalik ang mga librong hiniram n'ya sa'kin damn her!
"Ate, pupunta ka ba mamaya sa party?" tanong ng kapatid kong si AB.
Kung nagtataka kayo kung bakit ganon ang tawag sa'min initials lang yo'n.
Aviana Brea Avalon AB for short and I'm Aviva Chantal Avalon AC for short dalawang taon lang ang Gap namin kaya nakakausap ko sya about sa kadramahan ko sa buhay at ganun din naman s'ya sa akin.
"Yes, nauto na naman ako ni Adley tss." sabi ko at humarap sa kanya na ngayon ay nakahiga na sa aking kama.
"Pwede ba ako sumama? wala naman sila daddy eh" sabay nguso at tingin sa akin. Alam n'ya kasing kahit dalawang taon ang Gap namin ay masyado pa din akong protective pagdating sa kanya well, kaming dalawa lang ang laging naiiwan sa bahay dahil nasa trabaho sila mommy at daddy lagi kaya priority ko s'ya.
"AB, baka hindi kita mapagtuunan ng pansin doon and besides hindi ka din naman makakausap nila Adley dahil sigurado ako magpapakalasing iyon ng sobra dito ka nalang." ngumuso s'ya.
"Ate, sige na hindi naman ako iino-" naputol ang sinasabi n'ya dahil sa tumatawag sa'kin na si Farah.
"Hello"sabi ko dahil hindi naman s'ya nagsalita.
"Aviva Chantal Avalon!!!!!"sigaw ny'a sa akin kaya nilayo ko ang cellphone sa aking tenga at baka mabingi pa ako sa bunganga ng abnormal na 'to.
"Ano ba? Bakit ka tumawag? Sasama na nga ako" umirap ako at bumaling sa kapatid kong nag-aabang na payagan ko s'ya psh ang kulit.
"Pupunta na kami and nandyan na kami sa inyo after uhm 5 minutes? Be ready HAHAHAHA" sabi n'ya parang tanga ang aga pa papunta na sila dito? t'yak manggugulo lang iyon.
"Teka 'di ba 8 pm ba naman ang party? 6 pm palang for God's sake!" tumayo ako at tumakbo pababa dahil alam ko malapit na sila.
"ATEEEEEE I'LL TELL MOM AND DAD!" sigaw nang iniwan kong si AB, balakajan hindi pwede.
"WHATEVER, AB" sigaw ko pabalik at natawa dahil mukhang nahulog pa sa kama ang isang yon tss.
Tama nga ako dahil pagbaba ko nando'n na ang mga magagaling kong kaibigan.
"Aviva Aviva ba't hindi ka pa nagbibihis? ano ka ba?!" bungad sa'kin ni Adley na naka-sexy Black Brallette, faded ripped jeans and black stilettos at pinagmamayabang ang kumikinang n'yang bag na Gucci habang si Farah naman ay nakaboyfriend jeans at black crop top at nagtataasang heels. In short ang gaganda nila.
YOU ARE READING
Fall for you (on-going)
Ngẫu nhiênWhat if you are destined to marry the cousin of the person you want? Paano kung nahulog ka sa maling tao, maiitama mo pa ba ito? ACA✨