Kabanata 12
Nagising ako dahil sa sakit ng ulo at pagkauhaw kaya agad akong bumangon kahit na pipikit pikit pa sa antok. Si Jaru? S'ya na naman naghatid sa akin? Fuck, buti nalang at Friday ngayon kaya wala kaming pasok.
Pababa palang ako ng hagdanan ay narinig ko na agad ang boses ni Mommy na nanggagaling sa sala kaya napahinto ako. Halaaaa omg!!!! MAY DINNER NGA PALA KAMI KAGABI SHIT! ang tanga tanga mo AB!
"Naku, hijo pasensya ka na talaga sa anak ko at naabala ka pa. Hayaan mo at pagsasabihan ko." dinig kong sabi ni mommy kaya nanatili ako sa kinatatayuan para makinig.
"Dito ka na mag-umagahan at ipapagising ko si Aviva. Kinalimutan n'ya ang family dinner namin kagabi kaya gusto kong kausapin s'ya. Manang pakigising nga ang alaga n'yo." dinig kong sabi ni Daddy kaya kahit nahihilo ay tumakbo ako pabalik sa aking kwarto at naligo. Shit shit shit!!! Nasa baba si Jaru anong ginagawa n'ya dito?
Minadali ko ang pagligo at pagbihis dahil naririnig ko na kanina pa ang sigaw ni Manang sa labas ng aking kwarto.
"Hija lumabas ka na r'yan at may naghahanap sa'yo sa ibaba, Lagot ka din sa Daddy mo!" sabi ni Manang kaya pinagbuksan ko na sya ng pintuan nang matapos magbihis.
"Manang naman eh, promise nakalimutan ko talaga yung dinner namin." nakanguso kong sabi sa kanya pero tinalikuran nya lang ako.
"Sumunod ka na at kanina ka pa hinihintay no'ng nobyo mo." sagot nya lang at ngumisi bago bumaba. Damn!
Ilang beses ako nagpractice kung ano ang sasabihin na dahilan kay Daddy habang bumababa. Sa huli ay nakalimutan ko din nang makita ang seryosong mukha n'ya sa hapag. Bless oh Lord oh my soul! Huhu
Nakita kong seryoso ding nakatingin sa akin si Mommy at si Jaru kaya napalunok ako bago magsalita.
"Uhm G-goodmorning!" pilit ngiting bati ko pero walang nagbago sa reaksyon nila kaya napanguso ako at umupo sa tabi ni mommy.
"Anong ginagawa mo sa bar kagabi, Aviva Chantal? seryosong tanong ni Daddy kaya napalunok ako. Hala may second name galit.
"Sa b-bar po? Nag-party po." sagot ko kaya nakita ko ang nagpipigil ng tawa na si Jaru sa aking harapan kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.
"Hindi ako nakikipagbiruan AB." aniya kaya nagtataka ko syang tinignan.
"Daddy naman I'm not joking, party naman talaga ang pinupunta sa Bar." paliwanag ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya at nagpapasensya.
"Alam kong party ang pinunta mo do'n ang gusto kong malaman sa iyo ay kung bakit mo pa kailangang magpakalasing ng sobra? Nakaistorbo ka pa tuloy ng ibang tao." ani Daddy at napatingin kay Jaru.
"Oo nga naman, anak. At paano kung ibang tao ang kumuha sa'yo? Wala kang laban dahil lasing na lasing ka. Buti nalang at pinsan ni Samuel ang nagmalasakit sa'yo!" si Mommy.
"It's okay po. It's nothing." sagot naman ni Jaru at tumingin sa akin. Tss buset
"Naku hijo, wag mo nang ipagtanggol itong anak namin talagang may katigasan ang ulo nyan." si Mommy. Seryoso ba?
"Mommy!" saway ko sa kanya pero nginiwian n'ya lang ako at bumaling muli kay Jaru. Life is unfair!
"Pasensya ka na talaga hijo, naku lalo na sa mga pinagsasabi n'ya kagabi. For sure hindi n'ya na maalala yo'n." sabi nya ulit kaya nanlalaki ang mata ko habang tinitignan s'ya.
"Mommy! Anong sinasabi? I'm not saying anything!" pigil ko sa kanya pero umiling lang sya.
"See? She can't remember anything." sabi n'ya ulit kaya natatawang kinagat ni Jaru ang kanyang labi habang tinitignan ako. Shit AVIVA!!!!
YOU ARE READING
Fall for you (on-going)
RandomWhat if you are destined to marry the cousin of the person you want? Paano kung nahulog ka sa maling tao, maiitama mo pa ba ito? ACA✨