Kabanata 11
"Ate, kilala mo ba yung babae kanina na kasama ni Beatrice?" tanong ni AB habang naghahapunan kami. Kanina pa kami nakauwi pero siguro ngayon lang s'ya naglakas loob magtanong dahil naiirita ako kanina dahil sa Athena na yon.
"Yes, girlfriend ni Jaru." sagot ko habang pinagpapatuloy ang pagkain.
"May girlfriend si kuya Jaru?!" nabibigla n'yang tanong.
"Kakasabi ko lang di ba?" sagot ko at umirap sa kanya kaya napanguso s'ya.
"Ang pangit pala ng taste ni kuya Jaru akala ko pa naman ikaw ang gusto n'ya." aniya at parang dismayado habang umiinom ng tubig.
"Ano ba yang sinasabi mo Aviana Brea? Ba't mo naman naisip na magugustuhan n'ya ako?" naiiritang tanong ko sa kanya.
"Kasi.. There was something different in his eyes when he was staring at you ate! Nung kumain tayo sa labas kasama s'ya. Remember?" ani AB at napaisip.
"Alam mo ikaw ang bata bata mo pa kung ano ano ang napapansin mo." sabi ko at nag iwas ng tingin. Napansin n'ya din? Ano naman ACu? Tss
"Ate, I'm 17 now. Nararamdaman ko nung time na yon na may gusto s'ya sayo yie." nanunuyang sabi nya kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.
"Tss alam mo namang may Girlfriend na s'ya kaya tigilan mo na yan at ayokong masabihan ulit ng mang-aagaw ng Athena na yon tss at ikaw layuan mo na din ang Troy na yon para walang gulo." saway ko sa kanya.
"Ate, nilalayuan ko si Troy pero lumalapit pa din s'ya sa akin. By the way pano naging girlfriend yo'n ni kuya Jaru eh nung kumain tayo single pa s'ya sabi n'ya sa akin hmp last week lang kaya yo'n." aniya at pailing-iling nabigla ako sa sinabi n'ya. Single huh?
"Hoy ikaw talaga tinanong mo ba kung single s'ya? AB naman." napapakamot noo kong tanong. Gosh!
"Of course not, tinanong n'ya kasi kung single ka nung nagbathroom ka tapos sabi ko oo wala kang boyfriend dahil dalagang pilipina ka kaya ang sabi n'ya same daw kayo, ate." kinikilig pang paliwanag n'ya.
"Tss baka feeling single. Dalian mo na d'yan aakyat na ako." sabay tayo sa kinauupuan.
"Uyyyy si ate bitter selos ka no?" pang-aasar n'ya sa akin at tumawa.
"I'm not AB, shut up." irap ko sa kanya at nilagpasan na.
Pagkapasok sa kwarto ay agad akong naligo at nagbihis ng pantulog para magpahinga. Ano kaya ang resulta bukas? Natanggap kaya ako?
Nakatulugan ko nalang ang pag-iisip kung natanggap ba ako o hindi, hindi ko alam kung bakit may parte sa akin na hinihiling na matanggap ako, hindi naman big deal sa akin kung hindi ako makuha para sa banda na iyon pero hays bahala na nga. Agad akong tumayo at iniwala ang gumagambala sa isipan bago naligo at gumayak na.
"Hija uuwi daw ang mommy at daddy mo mamaya kaya inihabilin ng mommy mo sa akin na umuwi ka kaagad dahil kakain kayo sa labas.." ani Manang pagkababa ko.
"Sige po Manang umalis na po ba si AB?" Tanong ko. Sana naman ay wala ng mangyaring alitan sa pagitan nilang dalawa ng kapatid ni Athena. Tss
"Oo maaga umalis ang isang yo'n nagmamadali nga eh. Oh ikaw kumain ka muna bago umalis." aniya.
"Hindi na po, sa school nalang po ako kakain. Alis na po ako!" paalam ko sa kanya at dumiretso na sa sasakyan. Marunong ako magmaneho kaso hindi ako pinahihintulutan ni Daddy dahil daw baka madisgrasya ako kaya hanggang ngayon hatid sundo ako ni Manong. Funny right? Kaya nga pipilitin ko s'ya sa next birthday ko na payagan na ako kasi hindi naman na ako bata psh.
YOU ARE READING
Fall for you (on-going)
RandomWhat if you are destined to marry the cousin of the person you want? Paano kung nahulog ka sa maling tao, maiitama mo pa ba ito? ACA✨