Kabanata 2
Nasa labas palang ako ng bahay ay naririnig ko na ang tawanan sa loob na mas lalong nagpakaba sa akin. Calm down Ac, baka naman bumisita lang masyado kang praning. Humugot ako ng mahabang hininga bago pumasok sa loob.
"I'm home" sabi ko nang nakangiti para maibsan ang kabang nararamdaman. "Ate, san ka ba galing ba't ngayon ka lang?" kung makapagsalita naman ang isang 'to parang isang linggo akong nawala.
"Siguro sa Villa nag-swimming dahil naka-gym attire ako" sarkastikong sagot ko sa kanya. "Tss. Halika na kanina ka pa hinihintay nila Tita Vanessa and Guess what? Uuwi sila mommy ngayon galing Cebu!" masayang sabi nya na nagpatindi naman sa kaba ko. Stop being paranoid self baka about business lang ang pag-uusapan nila.
Napalunok ako sumagot sa kanya. "Bakit daw uuwi sila mommy?" pilit ngiting tanong ko sa kanya. "Ano ka ba ate, maybe their house is hereee?" pilosopong sagot n'ya sa akin at naglakad na papuntang dining room.
Naiinis akong sumunod sa kanya doon at mas lalo akong kinabahan nang maaninag ang kaibigang pinakilala ni mommy sa'kin 4 years ago. Shit! Sinalubong n'ya ako ng ngiti at niyakap. "Chantal, Iha! it's been a long time since we last saw each other. Do you remember me?" tanong n'ya sa akin habang hawak ang dalawang kamay ko. "Yes po Tita, I remember you" nahiya ako sa tono ng salita ko na na-awkwardan buti nalang hindi n'ya nahalata Damn Ac! Umayos ka.
Tinignan n'ya akong mabuti na para bang sinusuri n'ya ang buong pagkatao ko gamit ang kanyang mata. "Lalo kang gumanda! Noong huling kita natin ay wala ka pang masyadong curves but now you're so stunning! Kamukhang-kamukha mo si Alora Natalia!" namamangha nyang sabi. Tinignan ko ang kapatid ko na ngayon ay kumikindat sa akin. My God!
Ngumiti nalang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Mom let's go I need to make an appointment to my school" napabaling ang mga mata ko sa lalaking nasa likod ni Tita Vanessa. Hindi s'ya pamilyar sa akin pero may kamukha s'ya hindi ko alam kung sino. Makapal ang kilay at mukhang suplado sa unang tingin palang. May perpektong labi, ilong at magagandang mga mata.
"What are you looking at?" nagulat ako sa tanong n'ya kaya nag-iwas ako nang tingin.
"Son, I can make an appointment for you but for now hintayin muna natin ang Tita Alora mo with her husband." sabi ni Tita Vanessa sa anak n'yang mukhang pinaglihi sa sama ng loob kung makatingin at tumingin sa akin at ngumiti nang pagkalaki-laki kaya kinabahan ako.
"By the way son, this the oldest daughter of Alora Natalia and Hernan Avalon meet Aviva Chantal Avalon!" pumapalakpak n'ya pang sabi na ipinagtaka ko wow special mention.
"Yeah, nice meeting you, Aviva." natatawang sambit n'ya sa pangalan ko kaya pinagtaasan oo s'ya ng kilay antipatikong ito!
"Introduce yourself to her, Son." naiiritang sabi ni Tita Vanessa sa anak.
Bumuntong hininga sya bago magpakilala "I'm Samuel. Samuel Lucas Sullivan." sabay lahad ng kamay n'ya sa akin. Sullivan huh? San ko nga ba narinig 'yon.
Pinagtaasan ko sya ng kilay bago ko tinanggap ang kamay n'ya "Aviva Chantal, Ac for short" nginitian ko sya para naman hindi nya isiping masama akong tao. "Okay, Aviva." sabay bitaw sa kamay ko. Fuck! Bingi ba ang isang 'to?
Ang pangit ng Aviva! Ewan ko ba kay mommy ang sabi nya kaya daw Aviva ang first name ko it's means lively and fresh.Tinaas ko ang kilay ko sa kanya pero tinignan n'ya lang ako na para bang wala akong kwentang kausap para sa kanya ugh! "You can call me Ac, nalang." ulit ko at s'ya naman ang nagtaas ng kilay sa akin.
"No, Aviva is fine. Hmm sounds like Saint you know." sabi nya at nagkibit-balikat. Saint? Anong saint sinasabi nito? "What do you mean by that? What Saint?" nagtataka kong tanong sa kanya."Yung sinisigaw Aviva, Aviva Santo Niño!
That means expressed in gratitude for the blessings provided by the infant Jesus. Get it?" nalaglag ang panga ko sa sinabi n'ya hindi niya bang alam 'VIVA' lang yon Oh God! Anong klaseng tao pa ba ang makakasalamuha ko at ang wiwirdo.Inirapan ko nalang s'ya at binalingan si Manang na naghahanda ng meryenda para sa kanila.
"Manang, anong oras po ang dating nila mommy?" tanong ko habang tinutulungan s'yang maglagay ng Juice sa mga baso. "Ang sabi ni Alora ay baka gabihin sila dahil may inasikaso pa sila kaninang umaga sa inyong business." sagot ni Manang kaya napatango ako.
"Manang, may nababanggit ba sa inyo si mommy or daddy about sa arrange marriage?" tanong ko sabay tingin kila Tita Vanessa na nakikipagtalo sa anak sa aming sala.
"Iha? Bakit mo naman naitanong? Gusto mo na bang magpakasal?" napairap ako sa sunod-sunod nyang tanong. "Hindi ho, kasi po may nabanggit sa akin si mommy dati na pag dumating ako sa Legal na edad ay ipapakilala nya ako sa anak ng kaibigan n'ya at si Tita Vanessa yon." paliwanag ko sa kanya habang pinagmamasdan pa din ang mag-ina.
"Aba! Ikaw talagang bata ka ang ibig mo bang sabihin ay ikakasal ka sa guwapong lalaki na iyan!?" naghihisteryang tanong nya sa akin. "Manang ang sinasabi ko lang baka iyan ang sinasab-" putol nya sa sinabi ko.
"AVIVA CHANTAL! Hindi ba't ikaw ay may nobyo? Nakakita ka lang ng gwapo ay magpapakasal ka na jusmiyo kang bata ka!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad napatingin sa mag-ina na parehong nagtatakang nakatingin na din sa akin. Aatakihin ata ako dahil sa pinagsasabi ni Manang!
Nagpaalam muna akong umakyat sa taas para maligo at magbihis. Ang totoo ay hiyang hiya ako, narinig niya kaya si Manang? Sana ay hindi. Si Manang naman kasi parang tanga charot.
Nagising ako sa katok na gumagambala sa akin hindi ko namalayan ang oras nakatulog pala ako It's 8:30 pm! "Ate, tama na ang pagtulog at baka hindi ka na magising! Nandyan na sila mommy!" sigaw ni Ac mula sa labas kaya kaya nagmamadali akong tumayo at pumasok sa banyo para tignan ang itsura ko. Ayos lang naman mukha naman akong tao off-shoulder at shorts okay lang ito! Maganda pa din ako. #confidence
Bumaba ako at agad sinalubong si Mommy at Daddy ng yakap. "Hmm how's life nak?" tanong ni mommy sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Fine, mom" nginitian ko lang sya at bumaling kay Daddy na seryosong nakatingin sa akin kaya nagtaka ako.
"Dad? Did you miss me? hmm?" sabi ko sabay kapit sa kanyang braso. "Of course darling, I'm just wondering if you have a boyfriend now." sabay akbay nya sa akin. "I won't have dad!" sabay nguso at napatingin ako kung sino ang nasa dining table. Shit! Nandito nga pala sila.
"Nako Hernan iyang anak mo ay nahihiya lang magsabi! May naghatid d'yan noong isang gabi naka-mercedes" singit ni Manang na ikinagulat ko tinignan ko s'ya at kumindat lang s'ya sa akin.
"Is that true? Aviva Chantal?" tumikhim si daddy at binalingan si mommy. "Mom, Dad of course not he's my friend!" napairap ako sa sinabi ko at naalalang ayaw n'ya nga pala ako maging kaibigan tss.
"Then good! May karapat-dapat na para sa iyo. Right Van?" sabi ni mommy kay Tita Vanessa na ikinagulat ko. "Yes, Alora." kumindat sya at tinapik sa balikat ang kaniyang anak.
Naguguluhan akong tumingin kay Mommy at Daddy na ngayon ay nag-iwas ng tingin sa akin. Tumingin din ako sa kapatid ko na nagtataka din katulad ko.
"What does all this mean? Mom, dad?!" naguguluhan pa'rin akong tumingin sa kanila at bumaling kay Samiel na ngayon ay makikitaan mo na ng galit na ekspresyon. Damn!
"I'm sorry anak, if ngayon lang namin nasabi sa'yo but don't worry Samiel is a Good boy
Wala na kayong p-problemahin tungkol sa bahay or what kailangan mo nalang makapagtapos para mapakasalan mo s'ya don't worry anak hindi ka namin pine-pressured." sabi ni mommy na walang kahirap-hirap! Ganun nalang yo'n? Planado nila lahat? Pano naman ako? Yung plano ko? Fuck!"You're marrying each other soon, you're going to be a sullivan!" dugtong pa ni mommy na animo'y sya ang magpapakasal na nagpabagsak sa balikat ko. I knew it!
YOU ARE READING
Fall for you (on-going)
DiversosWhat if you are destined to marry the cousin of the person you want? Paano kung nahulog ka sa maling tao, maiitama mo pa ba ito? ACA✨