Kabanata 3

72 13 0
                                    

Kabanata 3

Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni mommy. Pagkatapos n'yang sabihin na magpapakasal ako sa anak ng kaibigan n'ya ay tumalikod na ako at nagkulong sa kwarto. Ilang beses n'ya akong gustong kausapin ngunit hindi ko sila pinagbubuksan. Bakit ang daya nila? Bakit hindi man lang nila tinanong kung ayos lang ba sa akin iyon.

Maghapon akong hindi lumabas at nagtiis ng gutom kahit na kada isang oras ay kumakatok si Manang para tanungin kung gusto ko kumain.
"Ac iha, lumabas ka na r'yan at kumain ka na magkakasakit ka n'yan!" sigaw n'ya habang kinakatok ang pinto ng aking kwarto.  "Manang okay lang ako! Hindi pa ako nagugutom, salamat po" sigaw ko pabalik mukha namang naintindihan nya iyon dahil wala na akong naririnig na ingay sa labas.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay biglang tumawag sa akin si Adley. "Ac girl, ang sakit." umiiyak n'yang sabi kaya napaayos ako ng upo. "Teka bakit ka umiiyak? Where are you?" tanong ko sa kanya na patuloy pa ding humagagulgol sa kabilang linya. "N-nakita k-ko s-si C-carter-" "Can you please fucking calm down! Hindi kita maintindihan." akala ko naman kung ano na lalaki lang pala.

"Nakita ko s-si Carter may k-kasama syang ibang babae" at humagulgol ulit. "Baka naman kaibigan nya lang or cousin! Huwag ka masyadong judgemental at isa pa wala namang kayo!" sambit ko na nagpahagulgol sa kanya lalo. Anak ng-!

"A-akala ko din pinsan n'ya kasi nag-text s'ya sa akin na magbo-bonding sila magpipinsan" humihikbi n'ya pang sabi. "Oh, ayon naman pala eh ano ngayon?" umirap nalang ako sa kawalan dahil naiirita na ako sa drama nang isang to ilang beses ko na syang sinabihan na walang magandang dulot 'yang Carter na iyan o yan tuloy.

"N-nakita ko sila sa mall nung nag-text ka sa' kin na nasa Gym ka. Nakita ko sila magkaholding-hands tapos nagyayakapan pa!" iyak nyang sabi napailing nalang ako. Sana ay ganyan nalang kababaw ang problema ko.
Hindi ko naman sinasabing walang kwenta ang ganitong problema kaya lang parang mas madaling dalhin ang problema na ito kaysa sa problemang binigay sa'kin nila mommy siguro ay masakit nga ito para kay Adley kaya dinamayan ko nalang dahil magkakaiba naman tayo ng level pagdating sa sensitivity.

"I already told you about him pero ano? Sabi mo pa sa akin 'okay lang masaktan pogi naman' diba?" sabay tawa habang ginagaya ko ang boses nya. "Fuck you!" sigaw n'ya kaya lalo akong natawa. Basketball player pa more!

Pagkalipas ng ilang minutong pag-uusap ay binaba n'ya na ang linya at kailangan n'ya daw damdamin ang sakit na dinanas n'ya sa lalaki. Tinatawanan ko nalang s'ya dahil halos buong katauhan ni Carter ay isinumpa n'ya na. Kunwari pa pagkalipas naman ng ilang araw ay tanga ulit tss.

Isang linggo nalang ay pasukan na college na ako! Pero ito ako ngayon nagmumukmok.
Ang kinuha kong kurso ay Business Ad dahil may business na hinahawakan si Daddy na balang araw ay ako at si AB nalang ang mag-aasikaso. Gusto ko sanang pumasok sa larangan ng medisina ngunit matatagalan ako do'n kaya uunahin kong kunin iyong Business Administration na kurso.

Eighteen na ako at handa na ako sa responsibilidad na haharapin ko sa future, pero hindi ito ang inaasahang haharapin ko. Makasal sa taong hindi ko naman mahal seriously? Iniisip ko kung tutol din ba dito si Samuel malamang AC! napabuntong hininga nalang ako at tumayo para maligo at magbihis. Hindi pwedeng ganito. Kailangan kong klaruhin kay mommy na may sarili akong buhay baka kasi masyado s'yang panatag na hindi ko siya kayang tanggihan.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako sa kwarto ko "ATEEE!" sigaw ni AB sabay yakap sa akin nang makitang lumabas ako sa aking kwarto. Magkatabi lang ang kwarto namin kaya't sakto ang paglabas nya na siyang paglabas ko din. "Ate, promise hindi ko din alam yung sinasabi nila mommy galit ka ba sa akin?" maluha-luhang tanong n'ya. Kaya napatawa ako dahil ayon pala ang iniisip niya.

"AB, bakit naman ako magagalit sa'yo ikaw ba ang nagsabing ipapakasal ako? without my permission? Hmm?" pinagtaasan ko s'ya ng kilay. "H-hindi! Kinausap ko sila mommy pero hindi naman nila sinabi sa akin yung dahilan." sagot n'ya habang pinaglalaruan ang mga daliri.

"Ang problema ko ay problema ko lang, AB." malamig kong tugon sa kanya.  "Ate naman! Ikaw mismo ang nagsabi sa'kin na 'when one has a problem, both of us will solve it' tapos ikaw itong nagsasarili" kunot noo n'yang sabi. Hays!

"AB, hindi mo naiintindihan iba masyadong seryosong bagay ang binigay na problema ni mommy. I can't imagine myself getting married just for the money or for whatever reason." ngumiti ako nang malungkot sa kanya. "Bumaba na tayo, kakausapin ko si mommy." iniwan ko na s'yang nakayuko do'n masakit isipin na pati pala sya ay apektado para sa akin.

Si Manang lang ang naabutan ko sa baba na nag-aayos nang kung ano-ano nagulat pa s'ya nung nakita n'ya ako. "AC iha! mabuti at naisipan mo ng bumaba dito! Nagugutom ka ba? Anong gusto mo? Ipagluluto kita!" natatarantang tanong n'ya. Napangiti ako dahil makitang tinatansya n'ya ang ekspresyon ko. Lumaki kaming kasama si Manang pamilya na ang turing namin sa kanya dahil s'ya lang ang naiiwan sa amin pag umaalis para sa trabaho sina Mommy at Daddy.

"Manang, ayos lang po ako wag n'yo po akong alalahanin." ngiti ko sa kanya kaya nagtaka s'ya. Baka iniisip nitong may balak akong masama! Hay nako.  "AC? may binabalak ka bang hindi maganda? Maglalayas ka ba? O makikipagtanan do'n sa nobyo mo?! Bakit kung makangiti ka sa akin ay may plano kang gagawin!" sabi ko na nga ba eh!

"Manang hindi ko po iyon gagawin anu ba! Nasan po ba sila mommy?" tanong ko. "Nasa labas kasama iyong... kaibigan ng mommy mo." nagdadalawang-isip n'yang sagot. "Salamat po!" at nagmamadaling lumabas. Baka pinag-uusapan na nila kung paano ako mapapapayag tss no way!

Nadatnan ko silang nagtatawanan kasama nila si Daddy at isang lalaki na mukhang asawa ni Tita Vanessa sa tabi no'n ay ang anak nilang si Samuel na nakatutok sa kanyang cellphone. Nang makita nila ako ay biglang tumayo si mommy para salubungin ako ng nag-aalalang tingin. "Anak I'm sorry, I don't want to worry you about it I just want the best for you." paliwanag n'ya. Best huh?

"I don't understand you mom, If you know what's best for me why would you let me marry someone I don't love and don't even know!" sigaw ko na ikinagulat n'ya. Napatingin sa ako kay Samuel na ngayon ay blanko akong tinitignan tumayo at umalis. I don't care. Nagpaalam muna sila Tita Vanessa para makapagusap kami nang maayos ni mommy. "Calm down AC. Look ginagawa ko ito for your own good" malumanay n'yang sabi. Tiningnan ko si Daddy mukhang pati sya ay walang magawa. Tss under sino nalang ba ang kakampi ko dito?

"Anak, I don't force you to marry him I'm just trying you know." trying? pero matagal ng nakaplano? seriously mom? "I'm not going to marry anyone." malamig kong sabi.

"Okay fine! But we have a dinner tomorrow night  kailangan mong sumama if you do not come mapipilitan akong ipakasal ka kay Samuel" nakataas-kilay nyang sabi. "and stop being suplada anak please." umirap nalang ako at sinagot s'ya.

"Okay, I'm coming then. What was that dinner for?" tanong ko mamaya ay budol 'yon, mahirap na mamaya ay engagement na agad ang pag-uusapan nila!

"It was just a simple dinner with the Sullivan's." galak na sagot sa akin ni mommy. Sullivan's? It means hindi lang sila Tita Vanessa at Asawa n'ya ang nandoon? I can't!




Fall for you (on-going) Where stories live. Discover now