Kabanata 7

42 12 0
                                    

Kabanata 7

Nauna nang nagpaalam sa amin si Farah dahil maglalakad pa daw s'ya papunta sa building nila kaya kami nalang ang naiwan ni Adley dahil malapit lang sa main gate ang building namin.

"So, kung hindi mo s'ya boyfriend or suitor or what bakit mo s'ya kasama?" ani Adley. Kanina pa kami nagtatalong dalawa kung bakit ako kasama ni Jaru ngunit hindi s'ya masiyahan sa mga sinasagot ko at patuloy na nangungulit hanggang makarating na kami ng classroom.

"Hindi nga kasi! And wala akong pakeelam kung may girlfriend s'ya hindi ko naman alam eh don't worry last na yung kanina hinatid n'ya lang ako!" at inirapan s'ya at umupo sa likod gusto ko ma'n sabihin na related s'ya sa dapat ipapakasal sa akin ay hindi ko na itinuloy. may girlfriend pala sya tapos kung makaasta sa akin eh bwisit!

"Bakit ka n'ya hinatid? Anong meron? Maraming nakakita sa inyo kanina t'yak makakarating yo'n kay Athena" as if I care! tumingin muna ako sa mga kaklase naming may kanya kanyang usapan bago sumagot.

"Sino ba 'yong Athena na yon? Wala naman akong ginagawang masama kanyang kanya na si Jaru!" asik ko sa kanya, magsasalita na ulit sana s'ya nang biglang dumating yung prof. namin sa Financial Accounting.

Nag-aattendance at nagpakilala lang si Mr. Romero tsaka nagpaalala sa mga susunod na activies na gagawin at nagpaalam agad aniya'y Chill lang daw muna ngayon dahil baka umiyak na kami sa susunod na araw. Tss

Nang matapos ang huling subject  ay nagpagpas'yahan na naming bumaba muna sa Cafeteria at hintayin si Farah do'n. Tatlong subject lang kada isang araw ang nasa schedule namin dahil 3 hours bawat isang subject. Sumpa!

Walang masyadong ginawa ngayong araw kundi pagpapakilala at iilang paperworks kaya maaga ding natapos ang klase t'yak ngayon lang ito dahil papagurin kami ng madaming paperworks sa susunod na linggo.

Pagkababa namin sa cafeteria ay agad ng naghanap ng pwesto si Adley at umupo. Marami-rami pa ding estudyante kahit naguwian na ang karamihan.

"Nakakasura naman si Mrs. Gonzales magpapareporting agad!" ani Adley sabay bagsak ng bag sa lamesa tinutukoy nya ang teacher namin sa Business Ethics na masungit.

"Ganon talaga, nagsisimula palang nagrereklamo ka na tss." sabi ko at inirapan s'ya.  "Oh sagutin mo na yung tanong ko sino ba yung Athena?" tanong ko kaya umayos s'ya ng upo at lumapit sa akin.

"Schoolmate din natin yo'n dati. As far as I know magkaklase pa din sila nila Jaru at Carter. Parehas Architecture ang kinuha." aniya.

"How do you know they are in a relationship?" Tanong ko ulit at hinihintay s'yang sumagot.

"Teka, edi ba vocalist ka nung highschool? Panong hindi mo sila kilala? Nag-gigitara si Jaru do'n ah? At magaling din kumanta." tanong nya at tinignan ako ng mabuti.

"I don't know! I don't even know him nakilala ko lang s'ya sa bar at sya yung naghatid sa atin ikaw kasi! And kung kasali ma'n s'ya sa banda malamang pang senior yo'n dahil never ko s'yang nakita sa practice." paliwanag ko na may halong paninisi at napabuntong hininga.

"Imposibleng hindi mo s'ya kilala gorl! Lagi s'yang kasama nila Carter!" si Adley habang tinignan pa din akong mabuti.

"Look, hindi ko s'ya kilala at hindi ko s'ya napapansin no'n siguro familiar pero hindi talaga!!" mahinang sigaw ko sa kanya na mukhang hindi kumbinsido sa sinasabi ko.

Tumikhim sya bago magsalita muli.

"Matagal na silang magkaibigan ni Athena kaya madaming nagsasabing sweet sila sa isa't isa and lagi silang lumalabas na magkasama kaya for sure sila na nga." tsaka tumingin sa akin.

Fall for you (on-going) Where stories live. Discover now