Kabanata 16

46 9 1
                                    

Kabanata 16

Hindi ko alam kung ilang oras ako nag-isip dahil sa mga pinagsasabi ng dalawang sullivan punyeta kaya hindi ko namalayan nakatulog na ako.

Kinabukasan ay maaga kaming ginising ni mommy dahil magsisimba daw kami kaya kahit inaantok pa ay kusa na akong kumilos dahil minsan lang naman kami makapagbonding tuwing weekends dahil bukas ay aalis na naman sila kaya sinusulit namin ang araw pag may pagkakataon.

Sobrang swerte namin ni AB kasi biniyayaan kami ng mga magulang na katulad nila kaya lagi kami nagpapasalamat dahil sila ang binigay sa amin.

Kumain, nanood ng sine, mamili at puro tawanan lang ang ginawa namin bago umuwi dahil may pasok pa kami bukas at may trabaho naman sila mommy.

Maaga ako pumasok kinaumagahan, kailangan ko magpasa ng reports dahil hindi ako makakaattend ng klase ngayon kasi ngayon ang unang practice ng aming banda para sa intramurals.

"I'll let you only this week Ms. Avalon, I do not allow my students to pass only paper works, I need to see your performance inside the classroom. Hope you will understand." ani Ms. Gonzales ng pumunta ako sa kanyang office para makapagpasa ng reports.

"Yes miss I will understand, I'm sorry po kailangan lang po talaga naming magpractice para sa nalalapit na intramurals." sabi ko kaya ngumiti sya at tumango. "I see, you may go thankyou." aniya kaya nagpasalamat na din ako bago lumabas.

Pagkadating ko sa studio kung saan kami magp-practice ay ako palang ang tao. Dito ba talaga kami? Tinawagan ko si Adley para sana tanungin kung alam nya kaso minura nya lang ako aniya'y ako daw ang sumali dito tapos s'ya ang tinatanong ko. Bwisit!

"Excited huh?" napatalon ako sa gulat nang biglang pumasok si Jaru. Ang galing talaga AC!!!

"I'm not, sabi ni Mr. Agustin agahan daw para matapos agad kaya maaga ako." paliwanag ko sa kanya at nagkibit-balikat bago sya tinalikuran para hinawakan ang mga makitang instrumento sa loob.

"Do you know how to play the guitar?" tanong n'ya kaya napailing ako. Ilang beses akong tinuruan ni Daddy kung paano maggitara pero nakasira na ako ng madaming string ay hindi pa din ako natututo kaya sabi ni Daddy manahimik at kumanta nalang daw ako. Psh

"No, I tried but I was not really so patient." natawa s'ya sa sinagot ko kaya napairap ako sa kanya.

"Hmm. The instrument is just like humans, they are just the same. You have to work hard first before you can get it, right? Before you learn. For example I have to work hard for you before I get you. Then you will learn to love me back." aniya at seryosong nakatingin sa akin aapila na sana ako ngunit nagsalita sya muli.

"By the way, what instrument you know how to use?" tanong n'ya at kinuha ang gitara.

"Marunong ako mag piano but I'm not very good at it." sagot kaya napatingin s'ya sa akin at inabutan ng gitara kaya napakunot ang noo ko sa kanya.

"Tss take it I will teach you. If you have not learned from me this week, I will teach you for the rest of my life." aniya kaya napalayo ako sa kanya seryoso ba sya? Si Daddy nga na matagal akong tinuruan walang napala sya pa kaya? Scam to.

"Ayoko nga hindi talaga ako marunong. No thanks" sabi ko sa kanya pero hindi nya ito pinansin at binigay pa din sa akin ang gitara bago kumuha ng upuan para sa aming dalawa. Nasaan na ba ang mga kabanda namin?

Padabog akong umupo s'ya naman ay pumwesto sa likod ko kaya napigil ko ang paghinga ko ng bumulong s'ya sa akin. Damn!!!!

"You don't have to be nervous, Relax I'm not a perfectionist." bulong n'ya dahilan para magtaasan ang balahibo ko. Nasan na ba sila????!!!!

Fall for you (on-going) Where stories live. Discover now