Kabanata 23
"Ate are you okay? Oh my- bakit basang basa ka?" tanong ni AB pagkapasok ko sa sasakyan at inabutan ako ng towel.
"Yes uhm natapunan lang ako." pagdadahilan ko at tulala kong tinanggap ang towel na iniaabot nya.
Hindi ko alam kung bakit ganon nalang ang galit sa akin nung babae na iyon at mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit kilala n'ya ang mga magulang ko. Sino ba s'ya?
"Are you sure? What happen?" nagaalalang tanong nya kaya nginitian ko lang s'ya.
"Okay lang ako AB, nabangga ko lang yung waitress kanina kaya ayun natapunan ako." pagsisinungaling ko ngunit hindi s'ya kumbinsido sa isinagot ko kaya nag-iwas nalang ako ng tingin at hindi na s'ya pinansin.
Hanggang sa makauwi kami ng bahay ay palaisipan pa din sa akin kung sino ang babaeng yo'n. Bakit gano'n nalang katindi ang galit n'ya sa akin, aminado naman akong mali ako. Pero bakit kilala n'ya ang mga magulang ko? Bakit parang pati sa kanila ay may galit ito? Damn it!
Halos mapasabunot ako sa sarili ko dahil kahit isa sa tanong ko ay wala akong mahitang sagot. Kung sino man s'ya siguro ay kilalang tao ito. Wala hula ko lang. Maybe kalaban sa negosyo nila mommy? Argh sino ba kasi s'ya? At bakit sinabi nyang may pinagmanahan ako? 'The stupidity of Avalon's' whew!
"Hija? Gising ka pa ba?" sigaw ni manang sa labas ng aking kwarto kaya agad akong tumayo para mapagbuksan s'ya.
"Bakit po?" bungad ko sa kanya at pinagmasdan ang kabuuan ko. Bakit na naman?
"Sabi ng kapatid mo ay natapunan ka raw ng kape? Aba'y bakit hindi ka nagiingat?" panenermon n'ya sa akin kaya napanguso nalang ako.
"Manang wala po yo'n. Hindi ko naman sinasadya" pagdadahilan ko kaya pinagtaasan n'ya ako ng kilay.
"O s'ya! Pinadalhan kayong dalawa ng kapatid mo ni Alora ng damit na isusuot n'yo raw sa darating na sabado mukhang may okasyon kayong pupuntahan." aniya sabay abot sa akin ng mahigit limang paper bags kaya isa-isa ko itong tinignan.
"Mamili ka nalang d'yan hija, ako'y bababa na. Matulog ka na at baka bukas ay umuwi ang mommy't daddy mo para makapaghanda balita ko ay malaking event iyang dadaluhan n'yo." sabi pa n'ya kaya tinignan ko sya na may halong pagaalinlangan at napayuko. Kinakabahan ako baka pagsabihan na naman ako nila mommy tungkol kay Jaru.
"Ang mukhang yan, parang alam ko na kung anong mukha yan." nakangiting ani Manang.
"Ano pong ibig n'yong sabihin?" tanong ko.
"Lahat ng tao may kinatatakutan hija, pero lahat ng tao may kakayahang labanan ang takot na ito."
"Po?"
"May mga bagay sa mundo hija na hindi natin dapat ipilit. Pero kung ang bagay na iyon ang magpapasaya sa'yo sundin mo ang sariling kaligayahan mo hindi masamang pagbigyan ang sarili paminsan-minsan" ngiti n'ya ulit sa akin pero wala akong maintindihan sa sinasabi nya kung ano ba ang gusto n'yang ipahiwatig.
"Hindi ko po kayo maintindihan Manang." nagtatakang tugon ko muli sa kanya.
"Matulog ka na at maghanda ng sasabihin kay Alora. Ipaglaban mo ang sa tingin mo ay tama, hija." ngiti n'ya ulit sa akin bago ako iniwang nag-iisip tungkol sa mga sinabi n'ya. Si Jaru ba ang itinutukoy n'ya? Bigla naman akong pinamulahan ng pisngi sa sariling naisip. Ambisyosa!
**
Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil nakita ko ang chat ni Mr. Agustin sa aming gc na walang practice ngayon kaya ibig sabihin sa classroom na ako ngayong araw. Mas mainam na iyon hindi ko makikita si Jaru kahit na sumangayon ako sa kanya ay hindi pa din nawawala sa akin ang kagustuhang makaiwas pa din sa kanya.
YOU ARE READING
Fall for you (on-going)
RandomWhat if you are destined to marry the cousin of the person you want? Paano kung nahulog ka sa maling tao, maiitama mo pa ba ito? ACA✨