Kabanata 26

24 2 0
                                    

Kabanata 26

"Thank you for this day." sabi ko nang makarating kami sa bahay. Nakarating kami sa bahay ng walang kibuan, hindi naman kasi s'ya nagsasalita dahil parang malalim ang iniisip n'ya kaya hindi ko nalang din s'ya kinausap dahil pagod rin naman ako.

"It's my pleasure." tumikhim s'ya at nag-iwas ng tingin sa akin.

"Yeah, papasok na ako. Ingat ka pauwi." sabi ko at tinalikuran s'ya. Tss anong arte yo'n? Pagkatapos ng araw na to ganito s'ya kalamig? I wonder what his grandmother told him dahil simula nang magkausap sila ay hindi na s'ya nagsalita at parang may bumabagabag sa kanya.

"AC... Hope you enjoyed this day with me." malamig ang boses na pagkakasabi n'ya kaya muli ko s'yang nilingon at pilit na nginitian.

"Uhm Of course I enjoyed it." napakagat ako sa sariling labi ko dahil ako mismo ay ramdam ko ang pait sa pananalita ko. Damn!

"Are you upset?" biglaang tanong n'ya kaya napailing ako at awkward na natawa. Jesus!

"W-what? No, I mean I'm not angry. Why would I get mad?" pilit tawa ko sa kanya pero inirapan n'ya lang ako.

"Oh come on, buong byahe kang tahimik."

"Ikaw din naman. Alangan namang magsalita akong mag-isa, Jaru." hindi na maitago ang tabang sa pananalita kong sabi sa kanya.

"I'm sorry, I'm just exhausted? I think. And... Kinikilig pa ako. Fuck" naiiritang sabi n'ya.

"What?"

"I can't forget... what you said earlier." natatawang aniya kaya pinagkunutan ko s'ya ng noo.

"Oh come on, don't act like you've forgotten everything, you've been thrilled before." aniya kaya tumawa ako.

"Uh okay. Umuwi ka na." natatawang sabi ko dahil sinamaan n'ya lang ako ng tingin.

"Say it again" seryosong sabi n'ya pero nag-make face lang ako sa kanya. Sarap asarin tss.

"Uh okay. Umuwi ka na." ulit ko sa sinabi ko kanina kahit alam kong hindi naman iyon ang tinutukoy n'ya.

"Don't annoy me, just tell me. I'm sleepy" aniya kaya ngumuso ako at nagkunwaring nag-iisip dahilan para mapaiwas s'ya ng tingin ulit.

"Stop your pagpapa-cute. Just say that fucking I love you." naiinis n'yang sabi kaya hinawakan ko ang mukha n'ya na ikinagulat n'ya naman.

"Are you gay?" tanong ko tsaka binitawan ang mukha n'ya bago humagalpak sa kakatawa at tinignan s'yang mura ng mura. Buti nalang at walang guard dito marahil ay tulog na dahil mag-aalas dose na ng madaling araw.

"Hey pfft hahahaha stop it." pigil ko sa kanya dahil sinisipa n'ya na ang gulong ng kotse n'ya dahil sa inis.

"Whatever. Uwi na ako" aniya at binuksan na ang driver's seat.

"Okay, take care." inosenteng sabi ko at nginitian s'ya pero ginantihan n'ya lang ako ng naasar na tingin.

"I love you." sabi ko kaya ngumuso s'ya at tinalikuran ako. Luh kinilig!

"Stop making me fall in love, kiddo. You must not say that word to me now, unless you mean it." aniya at dinampian ako ng halik sa noo bago pumasok sa kanyang kotse.

"Goodnight, I love you and I mean it" paalam n'ya at iniwan na akong nakatayo sa labas ng aming bahay.

"Hija! Ano ka ba nakaalis na't lahat lahat ay wala ka pang balak pumasok, jusmeyo!" sigaw ni Manang kaya napatalon ako sa gulat at napakamot nalang sa noo bago pumasok.

Fall for you (on-going) Where stories live. Discover now